300 bursary awards para sa SY 2025-2026

300 bursary awards para sa S.Y. 2025-2026. Ito ay one-time ₱2,500 financial assistance para sa mga kinder, elementary, at high school students (K-12).

HOME

Program Features and Benefits

  • 300 ang makatatanggap ng Bursary Awards
  • Para sa kinder, elementary, at high school students na nangangailangan ng financial assistance
  • Bukas ito sa lahat (kasama ang pangkalahatang publiko)
  • One-time financial assistance
  • Makatatanggap ng email at SMS ang mga mapipiling aplikante. Ipopost sa GrabScholar page ang listahan ng mapipiling bursary awardees

Program Qualifications and Criteria (para sa mga aplikante)

  • Filipino citizen at estudyante sa kinder, elementarya, o high school
  • Enrolled para sa school year 2025-2026
  • Kabilang sa mga pamilyang mababa ang kita kada buwan
  • Mayroon dapat GrabPay Account para matanggap ang bursary

Documentary Requirements

Nag-aapply*Birth certificateMarriage certificateCertificate of legal guardianshipIsang buwang payslip o Grab/Move It earnings [sa loob ng nakalipas na tatlong buwan]**SY 2025-2026 Certificate of Enrollment / Registration Form
Magulang na nag-aapply para sa aking anak✔️
1 para sa applicant/ student
❌❌✔️✔️
Adult applicant na nag-aapply para sa sarili✔️❌❌✔️✔️
Legal guardian na nag-apply para sa aking anak/alaga❌❌✔️✔️✔️
Adult applicant na anak/alaga ng isang Grab/Move It driver o merchant partner✔️
1 para sa applicant/ student
❌❌✔️✔️
Adult applicant na asawa ng isang Grab/Move It driver o merchant partner✔️✔️❌✔️✔️
Adult applicant na kapatid ng isang Grab/Move It driver o merchant partner✔️
1 para sa applicant/student;
1 para sa Grab/Move It driver o merchant partner
❌❌✔️✔️

Ilang paalala:

*Hindi pwedeng mag-apply para sa kanilang sarili ang mga batang edad 17 pababa. Ang mga magulang o legal guardian ang dapat na mag-apply para sa kanilang mga anak o alagang menor de edad.

Para sa Grab o Move It Partners
**Kailangang magpasa ng kopya ng at least isang payslip para sa isang buwang sahod sa loob ng nakalipas na tatlong buwan (last three months)

**Kailangang magpasa ng screenshot ng kanilang Grab earnings sa loob ng nakalipas na tatlong buwan (last three months) ang mga Grab partner. Siguraduhing ang mga screenshot ay sa mga magkakasunod na linggo. Para sa Grab partners, hindi tatanggapin ang Certificate of Indigency. Ang mga aplikanteng hindi Grab-partners ay kailangang magpasa ng isang buwang payslip ng head of household/ pangunahing sumusuporta sa pamilya. Kung walang payslip, maaaring magpasa ng Certificate of Indigency mula sa barangay ng aplikante. (Kung ang aplikante ay menor de edad, ang Certificate of Indigency ay dapat nakapangalan sa magulang o legal guardian ng bata.)

Para sa Merchant Partners
**Kailangang magpasa ng Grab Service Fee statement o Tax Invoice mula sa merchant portal.

Maaaring makita ang mga sample ng mga dokumentong tatanggapin dito.

Program Timelines

  • Application Period: June 9 – 27, 2025
  • List of Successful Awardees Posted: July 31, 2025
  • Bursary Disbursement: July 31, 2025 to August 31, 2025

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

  • Para sa mga magulang/legal guardian na nag-apply para sa mga menor de edad na estudyante, ang bursary grant ay ipadadala sa GrabPay account ng magulang/legal guardian.
  • Para sa adult applicants, ang bursary grant ay ipadadala sa sarili nilang GrabPay account.
  • Tanging ang mga mapipiling aplikante lamang ang padadalhan ng notification sa SMS (text) at email. May ilalabas na listahan ng mga mapipiling aplikante sa GrabScholar website sa July 14, 2025.