Biga10 Anniversary

Paps, nandito na tayo sa isang dekada ng ating serbisyo! 

Days
Hours
Minutes
Seconds

Bilang pagdiriwang ng ating anibersaryo, marami tayong pasabog na nakahanda. Siksik na siksik ang buwan natin ng mga aktibidad na ‘wag mo dapat palalagpasin.

Sumali sa ating online contest at baka isa ka sa top 10 winners ng Php 3,000 worth of prizes!

May libreng vouchers, premium streaming access, at marami pang ibang perks mula sa ating partners!

May naghihintay sa’yo na freebies sa limang
BigaTEN Pitstops natin!

Hindi lang ang concert ang bigatin kundi pati na rin ang mga performers at papremyo!

Nakakabilib talaga ang mga paps natin na araw-araw kumakayod sa biyahe. Sila talaga ang masasabi nating tunay na BIGATEN! Kung proud ka rin sa papa mo, sumali ka na dito para sa pagkakataong manalo ng bigating prizes!

Mechanics

 

  1. Bukas ang contest sa kahit sinong anak family member ng ating 4W at 2W Ka-Grab sa buong bansa.

  2. Gumawa ng picture, drawing, o video ng iyong tinuturing na “papa” at sagutin ang tanong na “Bakit bigaten si papa ko?”

  3. I-post ito sa iyong social media accounts kasama ang hashtag na #GrabBigaTenAngPapaKo.

  4. Siguraduhing naka-PUBLIC ang iyong post para madaling makita ang iyong entry.

  5. Isang entry lamang ang tatanggapin.


Consent Statement

Sa pagsali sa ating Bakit BigaTen si Papa ko? Contest, kayo ay nagbibigay pahintulot na ang inyong data ay pwedeng gamitin sa pag anunsyo sa general public ng resulta ng contest at iba pang PR at communication materials ng Grab. Kayo rin ay pumapayag na pwedeng gamitin ang inyong photo o video entries para i-post sa aming social media platforms.

Biga10 Perks

Sa Php20.00 mo ay protektado ka ng RideSafe20 insurance mula sa DiskarTech. Magdownload at gumawa ng DiskarTech account at gamitin ang Negosyantech Code: AAXF5761 para makakuha ng Php20 cash credit para mabili ang RideSafe20.

Ang unang 20,000 driver-partners na mag-download at magpa-fully verify ng DiskarTech account lamang ang makaka-avail nito.

Maghintay ng dalawang (2) business days mula sa pagkagawa ng iyong DiskarTech account bago makuha ang iyong PHP 20.00 cash credit.

Mahilig manuod ng mga K-drama at Asianovela? Magkaroon ng libreng premium access sa inyong mga paboritong palabas mula sa Viu ng 3 buwan!

Terms and Conditions:

1. Ang Biga10 perks na ito ay bukas sa 4W and 2W Ka-Grab Drivers nationwide.

2. Ang unang 30,000 na sign-ups lamang ang makakatanggap ng Premium Access Code.

3. Kung ikaw ay kabilang dito, makakatanggap ka ng code at redemption guidelines via SMS mula sa Grab.

Para ma-redeem, mag-sign up dito: Viu Form

Free shipping vouchers para sa new users! Discount capped at P50.00, minimum spend of only P200.00. Redeem na

Puntahan ang button below para sa Lazada voucher!

Terms & Conditions:

  1. Exclusive to Grab driver and rider partners only
  2. Exclusive to new Lazada users only
  3. Available nationwide
  4. Free shipping voucher capped at Php50
  5. Minimum spend of Php200 only
  6. Limited redemptions only

Voucher code valid until July 31, 2022 only
Voucher code valid for one-time use only

Para sa mga maraming ka-text, sakto may 15% OFF load ka kay Smart kada linggo mula June 20, 2022 hanggang July 20, 2022!

Buksan lang ang inyong Grab passenger app, pumunta sa Load, magpa-load ng at least Php 100, at ipasok ang code na SMARTGRABPERKS.

Sulit na mag-telebabad dahil meron tayong LIBRENG load sa Cignal mula June 1 hanggang August 31, 2022.

Packages

Get FREE 2 Months load when you buy Cignal Prepaid Kit for Php 1,000

Get FREE 2 Months load when you buy Cignal Box for Php 1,000

Get FREE 3 Months load when you buy Satlite Kit for Php 499

Get FREE 3 Months load when you buy Satlite Box for Php 499

May regalo pa kami para sa’yo o sa mga anak mo! Dahil pinapahalagahan natin ang edukasyon, meron tayong LIBRENG 2 Tutorial Sessions mula sa EdVenture.

Sakop ng tutorials na ito ang mga nasa preschool hanggang Grade 10 at tumatalakay sa mga subjects gaya ng English, Filipino, Math, Reading, Araling Panlipunan, at Science!

Terms and Conditions:

1. Bukas ito sa 4W and 2W Ka-Grab natin nationwide.

2. Ang unang 1,000 na sign-ups lamang ang makakatanggap ng Edventure Voucher mula sa Grab.

3. Ang voucher ay maaring magamit sa 2 sessions ng Tutorial Services.

4. Kung ikaw ay kabilang dito, makakatanggap ng code at redemption guidelines via SMS mula sa Grab.

Para ma-redeem, mag-sign up dito: EdVenture Form

Fuel Discounts

Sa nagtataasang presyo ng gasolina, ‘wag kalimutan na meron tayong mga special perks na pagpipilian para sa ating mga Ka-Grab!

 

Hanggang Php 3/liter sa Gasoline, Php 1.50/liter sa Diesel, at Php 10/liter sa Lubricants ang matitipid mo sa Caltex!

Sa Seaoil, makakatipid ka ng Php 4/liter sa Gasoline, Php 2/liter sa Diesel, at Php 5/liter naman sa Lubricants!

May fuel discounts na, may points pa? Sa Unioil, makaka-save ka ng up to Php 3/liter sa Gasoline! Plus, earn 1 point sa kada Php 100 pesos na purchase!

‘Di rin magpapahuli si Phoenix! Merong discounts hanggang Php 3.60 off/liter sa Gasoline, Php 1.40 off/liter sa Diesel, at P10.00 off/liter sa Lubricants!

Meron pa paps! Magpa-gas sa Shell para up to Php 4/liter ang bawas sa Gasoline!

Kulang ang celebration kung walang ipapamigay na FREEBIES, diba paps? Maghanda ka nang humakot ng mga regalo mula sa ating mga partners!

 

METRO MANILA at GREATER METRO MANILA

Para sa lahat ng active 2W at 4W driver-partners natin sa Metro Manila at Greater Metro Manila (Bulacan, Cavite, Laguna, Quezon, and Rizal), magkakaroon ng limang (5) Pitstops kung saan pwede mong i-claim ang Biga10 freebies na inihanda ng ating mga brand partners.

 

Bukas ang mga sumusunod na pitstops sa lahat ng active drivers natin: 

  • Pitstop A: Wirecrete 56/58 A. Bonifacio Ave. Marikina City

 
  • Pitstop B: Greenfield District Pavilion, Sto. Cristo st, Greenfield District Mandaluyong City

 
  • Pitstop C: Level 4 Grab Driver Center Ayala Malls Southpark National Road, Brgy Alabang, Muntinlupa City

 
  • Pitstop D: Level 2  Grab Driver Center Ayala Malls Fairview Terraces Quirino Highway corner Maligaya Drive


(Paalala: Bukas ang Pitstops A-D sa lahat ng ating mga 2W at 4W Ka-Grab)

 

  • Pitstop E: Grab TNVS Help Center, Prima Building Unit 104- A & B 404 Prima Building, 16 East Avenue Corner Magalang St., Pinyahan, Quezon City

(Paalala: Bukas ang ating Prima Office para sa 2W Riders, Walkers, at Cyclist lamang)

 

Tandaan

  1. Ang claiming ng mga freebies ay sa June 25-26, July 2-3, at July 9-10, mula 10AM-3PM.
  2. Ang unang 150 lamang ang pwedeng mabigyan ng freebies sa bawat pitstop kada araw para maiwasang madumog ang lugar. Ipakita ang unique code mula sa SMS na iyong matatanggap.
  3. Ang mga freebies ay ipapamigay base sa first-come, first-served basis at hanggang sa maubos ang supplies.
  4. Ipakita ang iyong Vaccination Card at Grab Driver App kasama ang valid ID para matanggap ang iyong freebies.
  5. Isang (1) beses lang maaaring makatanggap ng regalo. (Halimbawa: Kung ikaw ay nakakuha na ng freebie sa Greenfield Office, hindi ka na maaaring mag-claim sa Marikina Office)
  6. NO face mask, NO ENTRY.
  7. Mag-obserba ng proper social distancing at mag-sanitize ng kamay.
  8. Bawal ang tumambay sa ating mga Grab Offices pagkatapos makuha ang mga freebies para bigyang daan ang iba pang hindi pa nakakakuha.
  9. Magdala ng eco bag o anumang lagayan ng mga freebies.
  10. Wag kalimutang i-share ang iyong experience sa pamamagitan ng pagpost ng pictures at paggamit ng #GrabBiga10 hashtag.

Excited ka na ba para sa concert natin paps? Ito na ang mga dapat mong tandaan para masigurong kasama ka sa ating celebration!

 

Requirements to be a Qualified Driver-Partner:

  • Walang CoC Violations/Suspensions

  • May at least isang ride

  • Kasama sa unang 3,500 driver-partners na nag-sign up

 
 

Dates To Remember:

    • June 8-9, 2022 – mag-sign up sa online form

    • June 13-17, 2022 – makakatanggap ng SMS confirmation kung qualified ka; makukuha ang tickets (2 per driver-partner) sa kahit saang Grab Driver Centers mula 10AM hanggang 4PM.

    • June 20, 2022 – magbubukas ang gates sa Mall of Asia Arena ng 5PM; iwan ang raffle stub sa lobby (Cut-off: 6:30PM)


Dahil sasalubungin natin ang ating ika-sampung anibersaryo, dapat all out na ang celebration! Kaya naman ang mga dabest ang ating inimbitahan para solid ang performances natin!

Ops! ‘Di lang ‘yan paps! Mamimigay din kami ng mga bigating papremyo sa dami ng games at raffles! Abangan at baka ikaw ang isa sa mga swerteng mag-uuwi ng mga ‘to!

Kita-kits sa Mall of Asia Arena sa darating na June 20, 5PM! ‘Wag kalimutang mag-sign up para makadalo sa concert! Maaari rin manood LIVE sa ating 2W at 4W Ka-Grab FB Pages!

Partners