Alamin kaagad kung may extra stop ang trip!
Maaari nang mag-book ng extra stop ang mga pasahero ng GrabCar. Dagdag kita ito para sayo!
Kadalasan ay humihingi ng extra stop sa daan ang mga pasahero. Ngayon, maaari ka nang tumanggap ng request para dito!
Kasama na sa pamasahe ng pasahero ang dagdag na singil para sa dagdag na layo ng biyahe. Nakabase ito sa distansya na iba-biyahe: kapag mas malayo ang extra stop, mas mahal rin ang pamasahe.
Siguraduhing updated ang iyong app sa latest version.
Paano mag-accept ng booking na may extra stop?
Frequently Asked Questions
Magkano ang lumalabas na fare ng pasahero sa isang multi-stop ride?
Base sa total distance ng biyahe ang fare ng pasahero. Pasok na rito ang singil para sa dagdag na stop sa daan.
Gaano dapat ako katagal maghintay sa dagdag na stop?
3 minuto ang pinakamatagal na kayo ay dapat maghintay sa dagdag na stop.
Sa simula ng biyahe, tawagan o i-message ang pasahero para tiyakin na ang kanilang dagdag na stop ay hindi hihigit sa 3 minuto.
Isang ride ba or dalawang ride ang bilang sa isang trip na may extra stop?
Ang bawat booking na may dagdagstop ay counted as one trip.
Pwede bang gumamit ng promo codes / discounts ang pasahero sa mga rides na may extra stop?
Oo, pwedeng gumamit ng promo code ang pasahero sa mga rides na may extra stop.
Maaapektuhan ba ng surge pricing ang mga rides na may extra stop?
Oo, lahat ng fixed fares ay apektado ng surge pricing — kahit pa may extra stop.
Paano kung gusto ng pasahero na magpahatid muna sa second stop bago sa first stop?
Ipaalala sa pasahero na hindi ito pwede, dahil ang fare ay na-compute base sa pagkakasunod ng stops na nai-book na niya.
Ano ang dapat kong gawin kung ang pasahero ay hindi nag-book ng extra stop, pero habang nasa biyahe ay gustong magpahatid sa isa pang location?
Sabihan ang pasahero na gumawa ng hiwalay na Grab booking.
Ano ang dapat kong gawin kung gusto ng pasahero magdagdag pa ng pangatlong stop sa booking?
Sabihan ang pasahero na gumawa ng hiwalay hiwalay na Grab booking.