Mag-apply na ng Auto Loan at bilhin ang pinapangarap mong sasakyan mula sa aming partner dealerships. Maging Grab driver-partner o operator at kumita ng regular income!

Bumiyahe Tungo sa Mas Magandang Buhay

Dahil sa Grab Auto Loan, kikita ka na sa bawat byahe mo, mae-enjoy mo pa ang safety, convenience, at comfort ng pagkakaroon ng sarili mong ride.

Kumita ng Stable na Income

I-maximize ang iyong earning potential, kumita nang tuloy-tuloy, at mag-ipon para sa kinabukasan ng iyong pamilya

Mag-Avail ng Exclusive Offers Mula sa Aming Partners

I-enjoy ang exclusive perks mula sa aming partner auto dealers at banks, kasama na ang discounted prices, affordable loan interest rates, at iba pang benefits.

Mas Maraming Sasakyan, Mas Maraming Earnings

Mag-register ng additional na sasakayan para mas kumita ka pa mula sa mas maraming Grab rides.

Listahan ng Grab Auto Loan Partner Dealers

May gusto ka bang model o brand ng sasakyan? Pumili na ng unit mula sa mga sumusunod na partner dealerships ng Grab.

Toyota Shaw

304 Shaw Boulevard 1550 Mandaluyong
Monday – Saturday: 7:00 AM to 5:00 PM
Tel. (+632) 8-532-7429

Toyota Pasig

124 E. Rodriguez Jr. Ave. 1600 Pasig
Monday – Saturday: 8:00 AM to 5:00 PM
Tel. (+632) 7-238-6777

Toyota Manila Bay

Metropolitan Park, Metropolitan Avenue, Pasay City
Monday – Saturday: 8:00 AM to 5:00 PM
Tel. (+632) 8-581-6168 (Loc. 6155 and 6156)

Kia Alabang

Acacia Avenue corner Alabang Zapote Rd,
Alabang, Muntinlupa City (beside Isuzu Alabang)
Monday – Saturday: 8:00 AM to 5:00 PM
Tel. 0995 613 9626

Toyota Alabang

Alabang–Zapote Rd, Alabang, Muntinlupa, 1772 Metro Manila
Monday – Saturday: 8:00 AM to 5:00 PM
Tel. (+632) 8370-2880

Toyota Commonwealth

L5B Commonwealth Avenue, Old Balara, 1119, Quezon City
Monday – Saturday: 8:30 AM – 5:30 PM
Tel. (+632) 8952-1021

Mga Requirements Para sa Auto Loan Application

Madali lang mag-apply sa Grab Partner Auto Loan program dahil bukas ang application para sa lahat ng Grab driver-partners o operator. Kailangan mo lang i-submit ang mga sumusunod na requirements para masimulan ang proseso.

Borrower at co-maker:

  • Earning statement
  • 2 valid government-issued IDs na may photo at signature
  • Latest original proof of billing na nakapangalan sa borrower or co-maker

Additional requirements para sa employed applicants:

  • Copy of Certificate of Employment (COE) 
  • Latest ITR (1701, 1702, 2316) with latest audited financial statement (if any)
  • Payslips 
  • Company ID

Additional requirements para sa business owners:

  • Business permit
  • Latest 3 months bank statement

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Bago ka bumili ng sasakyan gamit ang auto loan program, importanteng i-assess mo muna ang iyong financial capability. Tanungin mo ang iyong sarili kung handa ka na bang bayaran ang iyong magiging loan at akuin ang responsibilidad ng pagiging isang car owner.

Kaya mo bang punan ang iyong monthly repayments mula sa iyong regular na kinikita bilang driver? Handa ka na bang asikasuhin ang vehicle registration ng iyong sasakyan, magbayad ng gas, at umako ng maintenance expenses? Kung oo ang sagot mo sa lahat ng ito, ito na ang tamang oras para mag-apply ka sa Grab Auto Loan.

Depende naman sa iyo kung mas gusto mo bang bumili ng brand new o secondhand na sasakyan. Mas bago ang features at mas mahaba ang service life ng brand new vehicles, pero mas mahal ang mga ito kung ikukumpara sa secondhand. Kung secondhand naman ang bibilhin mo, mas may chance na mas kakailanganin ng unit mo ang repair at maintenance dahil nagamit na ito ng iba.

Bago ka bumili, isipin mo muna ang pros at cons ng iyong desisyon at piliin ang option na match sa iyong pangangailangan at financial capability.

Isa sa mga detalyeng dapat mong pag-isipan kapag bibili ng sasakyan ay kung gaano ba dapat kalaki ang kukuning unit at kung gaano karami ang pwede mong isakay. Mas malaki ang kailangan mong bayaran kung kukuha ka ng malaking vehicle model, pero meron rin namang advantages kung ito ang pipiliin mo. Halimbawa, pwede kang magsakay ng mas maraming tao o mas mabigat na kargamento ‘pag isa kang Grab driver-partner. Posibleng mas malaki ang kitain mo dahil pwede kang sumingil ng rates na pang 6-seater.

Dinisenyo ang Grab Auto Loan program para tulungan ang mga Grab driver partners na umangat sa napaka-competitive na transport industry sa Pilipinas. Kung desidido kang gamitin ang iyong sasakyan para kumita at maghatid ng mga pasahero sa kanilang destinasyon, maaari mong gamitin ang Grab Auto Loan program para dagdagan ang iyong income at ma-attain ang financial freedom.

Dahil iyo na ang sasakyang gamit mo, kontrolado mo na ang oras kung kailan ka kukuha ng pasahero o kargamento. Gamit ang extensive network ng Grab, mapapadali kang makahanap ng mga tao at negosyong nangangailangan ng iyong serbisyo. Lalo ring lalaki ang iyong income potential dahil sa Grab, at mas mabilis mo ring mababayaran ang iyong auto loan. Higit sa lahat, dadami pa lalo ang iyong pagkakakitaan sa bawat additional na sasakyang i-register mo sa Grab platform.

Mag-apply na sa Grab Auto Loan program at bilhin ang pangarap mong sasakyan. Gamitin itong instrumento para maging mas secure ang iyong financial future!