Grab x Rexona Hero Mover Rides Program

Ka-Grab, ilang beses mang tumigil ang mundo nitong pandemiya, ikaw hindi tumigil. 

Sa hataw na pag-galaw mo araw-araw, marami kang natulungan na kapwa. Sa hataw na pagkayod mo araw-araw, naging hero ka ng iyong pamilya!

Isa kang tunay na Hero Mover, Ka-Grab!

Kasama ng Rexona, nais naming ipagdiwang ang iyong dedikasyon sa ating Grab x Rexona Hero Movers Rides Program.

Grab x Rexona Hero Movers
Mechanics

Maging isang GrabMart, GrabExpress o GrabFood Hero Mover! Bawat buwan mula May hanggang July 2021, may isang category na pwedeng salihan. Pabilisan lang maabot ang target completed delivery orders sa buwan na ‘yon at pwedeng ikaw ang isa sa top 50 winners buwan-buwan! Bawat buwan, babalik sa zero ang bilang ng delivery orders, kaya bawat buwan, lahat may chance maka-hit ng target delivery orders! Mas mabilis mong matapos ang target delivery orders, mas malaki ang makukuhang papremyo! Depende sa rank mo, pwedeng manalo ng Yamaha Mio Soul motorcycle, Samsung A52 cellphone, Samsung Galaxy Tab 8.0, Unilever livelihood packages, gift vouchers, at Grab long sleeves mula sa Grab at Rexona. Kaya wag kalimutang i-check ang iyong performance at rank sa ating leaderboard  👇 Pagkatapos ng bawat buwan, ia-announce natin ang mga nanalo sa ating 2W Ka-Grab Facebook Page. Pwede ring abangan ang notification sa iyong Driver App at SMS.

Performance Leaderboard

Pwedeng i-check ang iyong performance at ranking dito.
Nagre-refresh ang data kada-linggo tuwing Miyerkules, 12nn.

FAQs and
Terms & Conditions

Sino ang pwedeng sumali?

Open ito sa lahat ng active Grab delivery-partners sa Metro Manila maps GF, GE, GM may bag man o wala.

Kailangan mapanatili ang 90% AR, 8% DCR at 4.4 Star Rating kada buwan para maging eligible sa contest.

Syempre lahat ng winners ay sasailalim sa fraud at user trust assessment upang masigurado na malinis at totoo ang na-hit na target delivery orders. Automatically disqualified ang mag-commit ng fraud. Ang tunay na Hero Mover, matapat at may integridad!

Ang Grab x Rexona Hero Mover delivery orders Program ay isang contest na kusang loob na sasalihan ng delivery-partners. Wala naman tayong pilitan. Kung hindi ka sasali, wala naman itong epekto sa iyong account.

 

Ilang beses akong pwedeng manalo?

Para mabigyan ng pagkakataon manalo ang mas maraming mga kagulong, isang beses ka lang pwede manalo ng ating Major Prizes (Rank 1-9) sa loob ng tatlong buwan.

Ibig sabihin kung manalo ka na ng major prizes (rank 1-9) sa isang buwan, hindi ka na ulit makakuha ng major prizes sa ibang buwan. ‘Wag mag-alala, makukuha mo parin ang pa-premyo sa susunod na rank (Rank 10-50). 

Sa madaling sabi, kung Rank 1 ka na sa buwan ng Mayo at Rank 2 ka sa June, ang makukuha mong papremyo ay:

  • May 2021: Rank 1 prize- Yamaha Mio Soul motorcycle
  • June 2021: Rank 2 prize- Unilever Livelihood Package worth 3K na ang makukuha mong premyo sa halip na motorcycle

 

Paano ang Multi-stop deliveries (MSD) o GE 4H batched delivery orders?

Don’t worry paps, counted bawat completed booking sa loob ng batched delivery orders. Mas maraming batched delivery orders, masmabilis mong matatapos ang target delivery orders!

 

Paano ang GE Rent delivery?

Bawat isang GE Rent delivery order ay equivalent sa 3 GE orders. 😉

 

Paano ko malalaman kung nanalo na ako?

Ia-announce ang winners sa unang linggo pagkatapos ng buwan. Pwede ring abangan sa ating 2W Ka-Grab Facebook Page ang announcement, sa  Driver App o SMS mula sa Grab.

 

Paano ko ma-claim ang aking premyo?

Pumunta lang sa ating Marikina Grab Driver Center at ipakita ang iyong notification o SMS. Pagkatapos ma-verify, ibibigay sa iyo ang iyong premyo.

Marikina East Hub

Address: Wirecrete 58 A.Bonifacio Ave. Marikina City

Operating Hours: 9:00 AM – 5:00 PM, Monday – Friday

 

Pwede ko bang ma-exchange ang aking prizes sa ibang prizes?

Para simple ang buhay, hindi natin papayagan magpalit o mag-exchange ng prizes ang mga nanalo.