Grab Vacc2Vacc Raffle

Nagpabakuna na, nanalo pa? Posible, Ka-Grab!

Bilang suporta at pakikiisa ng Grab sa A4 vaccination ng gobyerno, magkakaron tayo ng Vacc2Vacc rewards at raffle para sa inyo mga Lods!

May iba’t ibang premyo na pwedeng ma-unlock sa bawat milestone kung magkakaisa tayong magpabakuna.

1st Mover Milestone

Exclusive sa active GrabCar driver-partners!

Open sa lahat ng active GrabFood/ GrabExpress at GrabMart delivery-partners!

Para sa unang 4000 active GrabCar driver-partner at 4000 active delivery-partners na magpapa-bakuna at makakapagsubmit ng proof of vaccination mapa-first dose, second dose o full dose– may gift certififcate agad!

Kung makapag-submit ng:

  • 1st dose – Php 200 gift certififcate agad
  • 2nd dose – Php 800 gift certififcate agad
  • full dose – Php 1000 gift certififcate agad

UPDATE: First 6,000 na!

Dalawang linggo pa lang, nahigitan na natin ang unang milestone! Good jab , Ka-Grab!

Dahil dyan, dadagdagan natin ang pwedeng makatanggap ng gift certififcate agad! 

First 6,000 active GrabCar at first 6,000 active delivery-partners na ang pwedeng makatanggap ng grocery vouchers!

Kung makasama ka sa unang 6K, matatanggap mo ang gift certificate via SMS na pinapadala tuwing Friday.

Vacc2Vacc Raffle

2nd Milestone:
50%* Ka-Grab Vaccinated

Pag maabot natin ang 50% ng active Ka-Grab driver/delivery-partners vaccinated, magpapa-raffle tayo ng 1 year supply ng gasolina (Php25K worth of fuel vouchers).

May 105 lucky winners ang pwedeng manalo ng 1 year supply of gas!

  • 50 winners from GC MNL at 2 winners from GC Cities
  • 50 winners from 2W MNL at 3 winners from 2W Cities

3rd Milestone:
75%* Ka-Grab Vaccinated

Pag naabot natin ang 3rd milestone, magpapa-raffle tayo ng 90 laptops na pwede gamitin ng iyong mga anak at kapamilya!

May 90 lucky winners ang pwedeng manalo ng laptops!

  • 35 winners from GC MNL at 8 winners from GC Cities
  • 35 winners from 2W MNL at 12 winners from 2W Cities

Final Milestone:
100%* Ka-Grab Vaccinated

Para ipagdiwang ang pagkakaisa natin maproteksyunan ang ating sarili at pamilya, magpapa-raffle tayo ng 33 motorcycles!

May 33 lucky winners ang pwedeng manalo ng motorsiklo!

  • 15 winners from GC MNL at 1 winners from GC Cities
  • 15 winners from 2W MNL at 2 winners from 2W Cities

Submit Proof of Vaccination Here

Para mag-qualify sa Vacc2Vacc Raffle at ma-cover ng GrabProtect Vacc Insurance, i-submit ang iyong proof of vaccination dito. Mapa-first dose, second dose, o full dose na, pasok yan! 

Paps, siguraduhin mong tama at malinaw ang sinubmit mo ha, para makasama ka!

Pano magpabakuna?

Alamin dito ang iba't ibang proseso ng bawat LGU para makapagpalista at makapagpabakuna 👇

Kasama mo ang Grab sa pag-Vacc to Normal!

Alamin ang iba't ibang programa tulad ng GrabProtect Vacc Insurance, COVID Assitance, atbp na available sa iyo mga Ka-Grab 👇

Terms and Conditions

  1. Open ang raffle para sa lahat ng ACTIVE GrabCar driver-partners at 2W (ie. GrabFood/GrabExpress/GrabMart) delivery-partners sa Metro Manila at Outside Metro Manila. Kailangan meron at least 1 trip sa loob ng isang buwan para masabing ACTIVE Ka-Grab.
  2. Bibilangin natin lahat ng proof of vaccination submission, mapa-first dose  full dose, qualified sa raffle!
  3. Isang beses lang pwedeng manalo ng major prize sa Milestones 2-4. Kung nanalo na sa raffle ng milestone 2, hindi na pwedeng manalo sa Grand Raffle sa Milestone 4.
  4. *Ang final % o bilang ay base sa average monthly active driver-partner o delivery partner sa platform.
  5. Hiwalay bibilangin o imomonitor ang milestones  sa GrabCar at 2W Ka-Grab. Dahil magkaiba ang dami ng mga driver-partners at delivery-partners, maaaring mauna raffle ng mga GrabCar driver-partner o vice versa. 
  6. Lahat ng Proof of Vaccination submission ay sasailalim sa verification process. Ang mga verified submissions lang ang bibilangin at qualified. Kaya siguraduhing malinaw at legitimate ang ang i-submit na proof of vaccination. Maaaring madisqualify kung malabo o fraudulent ang sinubmit na proof of vaccination.
  7. Lahat ng winners ay sasailalim sa fraud at user trust assessment.  Automatically disqualified ang mag-commit ng fraud.
  8. Ang Vacc2Vacc Raffle ay kusang loob na sasalihan ng mga active driver-partner at delivery-partners.