Sumali na sa 2W Manila Surge Fleet!

Lodi, may previous experience ka na ba maging 2W Transport o 2W Delivery? Gusto mo ba ng dagdag kita para sa part-time biyahe? Join our Surge Fleet!

Ano ang 2W Surge Fleet?

Bumiyahe tuwing mataas ang demand. Maging on-call 2W rider para sa GrabExpress tuwing may holiday (Pasko, Mother’s Day etc) o big sale/promo period! 

Bukas ang Surge Fleet para sa mga may PREVIOUS EXPERIENCE bilang isang 2W Transport o 2W Delivery maliban sa Grab.

Panalo ang benefits sa mga kasali ng ating Surge Fleet!

‘Di kailangan full-time!
Pasok para sa naghahanap ng raket o sideline.
Sure bookings!
Dahil ang biyahe ay nangyayari tuwing high demand days!
Get all the Grab Benefits!
Bilang Ka-Grab, mag eenjoy ka rin sa ating incentives, weekly perks, discounts at marami pang programa.

PAANO SUMALI?

Gamitin mo ang guide na ‘to para mabilis kang ma-onboard sa platform. Excited na kaming i-welcome ka!

Driver Requirements

  • May experience na bilang 2W Transport o 2W Deliveries maliban kay Grab.
  • May 18 – 55 taong gulang
  • Professional Driver’s License
  • NBI o Police Clearance
  • Drug Test
  • Covid 19 Test (non-mandatory)

Vehicle Requirements

  • Motorcycle Year Model 2010 pataas, 100-155cc Displacement (hindi tinatanggap ang mga China Brands)
  • Vehicle OR/CR or Sales Invoice/Delivery Note
    Kung hindi ikaw ang registered owner ng sasakyan, magsubmit ng alinman sa mga supporting documents na ito:
    1. Borrowed Motor- Original Authorization letter with a photocopy of the Valid ID of the owner.
    2. Second hand- Notarized Deed of Sale.
    3. Reacquire Motor- Repossession Certification or any Certificate from Dealer.
  1. Puntahan ang registrer.grab.com/ph at piliin ang Surge Feet service type    
  2. Sagutan ang form:  grb.to/2WSurgeConsent
    • Tandaan! Hindi maaaring ma-activate hanggat hindi nababasa at nagbibigay ng consent. 
  3. Ilagay ang mga kinakailangang impormasyon at isubmit ang mga requirements.
    • Siguraduhing kompleto bago i-submit

TUTORIAL

Panoorin ang video tutorial para maging gabay mo sa pag sign- up!

PAALALA: Ang video na ito ay para rin sa regular 2W delivery kaya pakatandaan lang na sa “Service Type” piliin ang “Surge Fleet”.

Kapag successful ang submission, maghintay ng aming sms kung ikaw ay nakapasa sa iyong naging online registration!

Congrats! Welcome, Ka-Grab! 

Wag kalimutan i-download ang ating Grab Driver App. Panoorin ang ating GrabAcademy para maging pamilyar sa Galawang Ka-Grab. Kita-kits!