May na, mga paps! At tuwing May, ipinagdiriwang natin ang Road Safety Month.

Bilang mga Ka-Grab at Ka-Tropa, palagi nating inuuna ang kaligtasan ng ating mga driver-partner, delivery-partners, at mga passenger-consumers.

Kaya naman malaki ang tiwala sa ‘tin ng mga pasahero at mamimili — mapa-GrabFood, GrabExpress, GrabCar, GrabTaxi, o Move It — alam nilang safe at secured sila pati na ang kanilang mga padala at pinamili.

Para ma-maintain ang ating 5-star na serbisyo, lalo pa nating iaangat ang kalidad ng Grab at Move It pagdating sa kaligtasan. Narito ang mga dapat abangan, para makakuha ng tips para sa isang safe at swabeng trip!

Samahan nyo kami sa isang informative session na matutunghayan sa 2W/4W Ka-Grab at Ka-Move It FB pages. Pag-uusapan natin ang ilang road safety tips kasama ang mga inbitadong speakers mula sa CEMEX at iba pang road safety industry leaders!

Tumutok sa livestream sa May 9, 2024 at magkaroon ng chance na manalo ng exciting prizes! 

Abangan ang mga ibabahagi naming Ligtas Facts kada linggo para sa dagdag kaalaman sa pagmamaneho! Alamin ang kahulugan ng mga karaniwang road signs at marking, mga dapat i-check sa sasakyan bago bumiyahe, at iba pa!

Mag-iikot ang ating mga safety patrollers sa iba’t ibang tambayan, para subukin ang inyong kaalaman sa road safety! I-review ang ‘yong kaalaman sa ligtas na pagbiyahe at abangan sila para sa chance na makapag-uwi ng mga premyo!

Magkakaroon ng isang face-to-face seminar sa May 22, 2024! Sali na at matuto ng mga praktikal na kaalamang kaligtasan kasama ang CEMEX at MMDA

Sa May 27, 2024 ay magkakaroon ng awarding ceremony para sa ating mga idol na driver-partner at rider-partner na nagpapakita ng napakahusay na safety skills sa daan! Sa araw na ito, bibigyan natin ng papugay ang mga katangi-tanging safety ambassador para sa kanilang pagsulong ng kaligtasan sa kalsada.

May mga dapat abangan rin ang ating mga Ka-Move It na dagdag pa sa iba’t ibang mga OneGrab activities!

Panatang Ka-Move It: Diskarteng Tapat

Oras na para ipakita ang iyong diskarteng tapat sa pagsunod sa mga patakarang pang-kalye at tamang ugali sa kalsada! Ipakita natin na bilang Ka-Move It tayo ay tapat at maaasahan sa pamamagitan ng online contest. Abangan ang mga detalye nito!

Safety Patrollers: MI Vloggers Edition

Isang special edition ng Safety Patrollers kung saan ang mismong mga Move It motovloggers ang mag-iikot sa tambayan areas para subukin ang inyong kaalaman sa road safety. Magpapaulan rin kami ng papremyo dito!

Tambayan with Ariray: Safety Episode

Focus tayo sa safety, mga paps! Pag-uusapan natin kasama ni Kuya Ace, Rich at Ryan ang mga Move It safety initiatives para mas kampante sa biyahe. Abangan ang mga detalye ng Kaligtasan Center, kilalanin ang incident report team, at pakinggan ang iba pang mga safety partnerships at guidelines.

SKILLS AT TRAINING ACTIVITIES

Siyempre, marami rin kaming inihandang mga skills at safety training para sa mas swabeng biyahe. Abangan ang mga ito sa mga susunod na linggo:

GRAB

Bagong safety features para sa mga driver-partners

Abangan ang pagdating ng bagong app features tulad ng passenger selfie at audio protect para sa dagdag proteksyon sa biyahe.

4W Mandatory Vehicle Check

Isang programa para i-check at evaluate and quality ng mga GrabCar para kampante sa maintenance ng iyong vehicle ang parehong driver-partner at pasahero.

MOVE IT

Mandatory Skills Re-assesment

Isang initiatibo para masigurado na lahat ng Move It rider-partners ay may kaalaman sa mga patakarang pang-kalye at marunong sumunod sa mga ito. Pag-uusapan rin ang iba’t ibang paraan ng pakikitungo sa pasahero at kapwa rider para iwas incidente.

Tesda x Move It Road Safety Training

Sa pagkikipagtulungan kasama ang TESDA, mabibigyan ng dagdag kaalaman ang ating mga Move It rider-partners sa road safety at upskilling initiatives.

Emergency Response Unit Ramp-Up and Upskilling

Programa para sa ating Emergency Response Unit na binubuo ng mga rider-partner volunteers para makatulong at tumugon sa kapwa rider kapag kinakailangan. Sa upskilling na ito ay may additional training pa sila para sa dagdag skills at kaalaman upang mas mabilis at epektibo pa ang kanilang response time.

Talagang isang jampacked at napaka-exciting Road Safety month ang nakahanda para sa atin mga Ka-Grab at Ka-Tropa! Tandaan na sa #TakbongSwabe, tayo ay safe palagi. Drive at ride safe!