OneGrab Level Up Rides Challenge

Ka-Grab, game ka na ba? 

Sama-samang mag-level up gamit ang inyong diskarte!

 

Bigating papremyo ang naghihintay. Sign up na!

  1. Bumuo ng team na may 20 members. 
  2. Magregister sa sign-up form na ito on or before November 18, 2026. 
  3. Kung Group Category ang sasalihan, mag-assign lamang ng Team Leader na siyang magre-register sa sign up form. 
  4. HIntayin ang announcement ng qualified teams na ipapadala sa iyong driver app.
    • Kung ikaw ay nag-register gamit lamang ang iyong pangalan, ikaw ay maaaring ma-qualify sa Individual Category lamang.
    • Kung ikaw naman ay kabilang sa isang group, qualified ka sa parehong Group at Individual Category.
  • Bukas ang challenge sa lahat ng active GrabCar driver-partners sa Metro Manila at GMM, anuman ang tier.
  • Ang top 3 qualified teams at individuals sa bawat categories ang magkakamit ng major prizes.
  • Dapat makakumpleto ang bawat member ng team ng hindi bababa sa 100 trips mula December 1 – 30, 2026. Hindi rin dapat lalagpas ng 20% ang DCR ng bawat member.
  • Dapat mapanatili ng bawat miyembro ang minimum na 75% Completion Rate at 4.7-star rating sa buong challenge.
  • Dapat ay walang violations sa Grab Guidelines o fraud incidents ang mga miyembro. Kapag may miyembrong nagkaroon ng violation, hindi isasama sa team tally ang kanyang ride contributions.

Categories

May tatlong categories ang challenge na kung saan maaaring manalo ang bawat group o individual participant.

1. Providing 5-Star Service
Ang team o individual participant na may pinakamataas na bilang ng 5-Star rated rides sa loob ng challenge period ay kikilalaning mananalo.
2. Commitment to Reliable Service
Ang team o individual participant na may pinakamababang Driver Cancellation Rate (DCR) sa loob ng challenge period ang kikilalaning panalo. Manual at Late Cancellation lamang ang pagbabasehan at hindi kasama ang mga FFFC.
Kung magkaroon man ng tie sa score ng higit sa isang group, ang may pinakamataas na total number of rides ang pagbabasehan.
3. Providing Safe Completed Rides
Ang team o individual participant na may pinakamataas na bilang ng safe completed rides sa loob ng challenge period ang kikilalaning panalo.

Paano pipiliin ang mga mananalo?
Gagamitin ng Grab ang official records nito para i-verify ang mga eligible na booking at i-validate ang resulta. Ang mga completed booking lamang sa loob ng challenge period ang bibilangin.

Bawat category ay may tatlong winners sa group; at tatlong winners naman sa individual.

Overall Groups Major Prizes

 5-Star Service Champion
Teams with the highest number of 5-Star Rides
Reliable Service Champion
Teams with the lowest number of Driver Cancellation Rate
Safe Completed Rides Champion
Teams with the highest Total of Completed Rides
1st PlacePHP200,000PHP200,000PHP200,000
2nd PlacePHP100,000PHP100,000PHP100,000
3rd PlacePHP50,000PHP50,000PHP50,000

Individual Major Prizes

 5-Star Service Champion
Individuals with the highest number of 5-Star Rides
Reliable Service Champion
Individuals with the lowest number of Driver Cancellation Rate
Safe Completed Rides Champion
Individuals with the biggest increase in  Total Rides
1st PlacePHP15,000PHP15,000PHP15,000
2nd PlacePHP10,000PHP10,000PHP10,000
3rd PlacePHP5,000PHP5,000PHP5,000

1. Sino ang maaaring sumali?
-Lahat ng active 4W Ka-Grab sa Metro Manila at GMM ay pwedeng sumali.

2. Ilan ang miyembro sa bawat team?
-Bawat team ay dapat may 20 miyembro, kasama ang Team Leader

3. Sino ang dapat mag-register ng team?
-Bawat team ay dapat may team leader. Ang team leader lang dapat ang magsagot at magsubmit ng registration form. Ang team leader din ang dapat magbahagi ng updates sa kanyang team

4. Pwede bang magpalit ng miyembro ang team?
-Kapag nakapag-register na ang team, hindi na maaaring magpalit ng miyembro

5. Kailan tatakbo ang challenge?
-Ang Level Up Rides Challenge ay mula December 1 – 30, 2026.

6. Ano ang rides target para maging qualified sa major prizes?
-Dapat makakumpleto ang bawat member ng team ng hindi bababa sa 100 trips mula December 1 – 30, 2026. Hindi rin dapat lalagpas ng 20% ang DCR ng bawat member.
-Ang top 3 teams sa bawat category na may pinakamaraming trips ang mananalo ng major prizes.