Paano ang diskarte para mas malaki ang maiuwing kita?

Tingnan ang kabuuang kita mo bawat linggo.

Maaari mo bang maiuwi ang halos buong halaga ng fare mula sa pasahero?

Oo. Posibleng maiuwi mo ang halos buong fare na binayaran ng pasahero. Kung minsan, maaari pa itong lumampas kung isasama ang iyong incentives.

Para mas malinaw na makita ang iyong kinikita, huwag lang tingnan ang effective commission sa bawat biyahe. Mas mahalagang i-monitor ang kabuuang kita mo bawat linggo, kasama ang incentive.

TANDAAN: Maaaring iba-iba ang effective commission sa bawat biyahe. Pero sa Weekly Earnings Summary, mas malinaw mong makikita ang kabuuang halagang naiuwi mo.

Tingnan ang kumpletong detalye dito:

1. Fare + Incentives = Weekly Earnings

Ang kita mula sa fares ay bahagi lamang ng kabuuang kinikita mo sa isang linggo. Malaking bahagi rin nito ang incentives.

Halimbawa:

  • Fare: ₱500
  • Incentive: ₱20
  • Kabuuang kita: ₱520

Sa Weekly Earnings Summary, hindi na magkahiwalay na tinitingnan ang fare at incentive. Sa halip, mas bigyang pansin ang kabuuang halagang naiuwi mo.

2. Ang Incentives ay reward sa iyong Sipag

Ang incentives ay reward sa pagtanggap at pagkumpleto ng bookings, lalo na sa mga oras na mataas ang pangangailangan ng mga pasahero katulad ng mga sumusunod na sitwasyon:

  • Pagtanggap at pagkumpleto ng bookings
    Maikli man o mahaba ang biyahe, bawat booking na nakukumpleto mo ay nakatutulong para manatiling maaasahan ang serbisyo at matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero.
  • Pagbiyahe sa peak hours at panahon ng mataas na demand
    Kapag umuulan o rush hour, mas maraming pasaherong nangangailangan ng masasakyan. Ito ang mga panahong maaari kang kumita ng mas mataas na fare at maabot ang iyong incentive targets.

Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ka lang basta nagmamaneho. Tinutulungan mong makauwi at makarating sa kanilang destinasyon ang mga pasahero.

3. Bakit hindi na lang taasan ang base fare?

Madalas natin itong marinig. Ang pangunahing dahilan ay para manatiling balanse ang kita mo pamasahe ng mga pasahero.

Kapag masyadong mataas ang fare:

  • Mas kaunti ang maaaring mag-book;
  • Maaaring bumaba ang demand; at
  • Mas matagal kang maghihintay nang walang booking.

Mas mainam ang booking na abot-kaya at nakumpleto kaysa sa mas mataas na fare na walang pasaherong nag-book.

Bukod dito, ang bahagi ng effective commission ay maaaring gamitin bilang incentive. Sa ganitong paraan, nananatiling abot-kaya ang pamasahe habang nadaragdagan ang iyong kita kapag mataas ang demand at naaabot mo ang iyong incentive targets.

Bakit mas mainam tingnan ang Weekly Effective Commission?

Nagbabago ang effective commission sa bawat biyahe depende sa layo, demand, at ruta. Kaya mas patas at mas malinaw na tingnan ang average na kita bawat linggo.

Dito mo makikita ang kabuuang performance ng iyong kita—kasama ang fares at incentives.

Paano ito kino-compute?

Weekly Effective Commission = Weekly Passenger Fare − Total Weekly Earnings
(fare + incentives)

Ano ang ibig sabihin nito sa iyong performance?

Kapag mas marami kang incentive targets na naaabot, mas bumababa ang iyong Weekly Effective Commission. Ibig sabihin, mas malaking bahagi ng kabuuang fare ang napupunta sa iyo.

Kapag isinama ang incentives, maaari mong maiuwi ang kabuuan o higit pa ng kabuuang passenger fare.

Para makita ang iyong kabuuang kita, i-check ang iyong Earnings Tracker at ang email na naglalaman ng iyong Weekly Earnings Summary.

FAQs

Bahagi ng effective commission ang ginagamit para mapanatiling ligtas, maaasahan, at maayos ang Grab platform. Malaking bahagi rin nito ang ibinabalik sa driver-partners sa pamamagitan ng incentives.

Kasama ka sa tagumpay ng platform. Ang incentives ay reward sa iyong pagtanggap ng bookings, pagkumpleto ng biyahe, at mahusay na pag-diskarte sa pagmamaneho.