Menu Driver Sign-Up

IMPORTANT ANNOUNCEMENT FOR MANILA GRABTAXI DRIVERS ONLY

Sa darating na June 13, 2016 ng 11AM, ilulunsad ng GrabTaxi ang VBF o Variable Booking Fee sa Metro Manila. Sa pamamagitan ng VBF, magkakaroon ng mas mataas na Booking Fee ang ibang trips, depende sa oras, araw, pick-up at drop off points. Ang mga lugar tulad ng Makati CBD, Mandaluyong, Binondo, Tutuban at BGC ay ilan lamang sa mga lugar na kasama sa VBF.

Mula Lunes hanggang Biyernes, may garantisadong karagdagang singil na maaaring umabot ng hanggang Php 140 kapag rush hour (6-9:59AM, 5-8:59PM).

Makikita na lang ang booking fee kapag kayo ay magpapadala na ng E-receipt. Ang presyo na ito ay hindi maaaring palitan dahil ito ay automatic na lalabas sa screen ninyo. Ang booking fee na lalabas ay ang halagang idadagdag sa metro na kailangang bayaran ng pasahero.

Para sa karagdagang impormasyon, i-click ang link na ito: goo.gl/7zfmco

Grab Away!