Menu Driver Sign-Up

Ngayong Semana Santa

Ngayong Semana Santa, nais namin kayong hikayatin na samantalahin ang pagkakataong ito  upang makasama ang inyong pamilya at magnilay-nilay tungkol sa inyong buhay, sa lahat ng inyong mga pang-araw-araw na gawain pati na rin sa mga sakripisyong inyong ginawa para sa inyong pamilya. Ito ang panahon upang makausap ang inyong mga kaanak, makasama sila sa hapagkainan at makapagpahinga ng lubusan. Maliban dito, ito rin ang perpektong panahon upang iwasto ang mga pagkakamali sa tamang paraan tungo sa pagbabago.

Sa kabilang dako, maari ring ito ang hinihintay na panahon ng ilang mga motorista at ibang mga pasahero na maramdamang bumiyahe nang matiwasay at walang trapiko sa Kamaynilaan at ibang siyudad sa Pilipinas.

Kaya para sa inyong mga Grab drivers, tara na’t damhin ang diwa ng Semana Santa sa inyong mga tahanan o kaya nama’y habang kayo ay namamasada.