May Sanitation Kit na sa GrabMart!

Paps, maaari mo na i-order ang sanitation kit refill sa GrabMart!

NOTE: Isang beses lang makukuha ang in-car signage.

Paps, para saan ba ulit ang Monthly disinfectant refill?

Ginagawa natin ito upang masiguro namin na lahat ng active driver-partner na bumibiyahe sa ating platform ay sumusunod sa health & safety protocols na nasasaad sa IATF guidelines. Syempre, para narin ligtas ka, ang iyong pamilya at ang iyong pasahero sa bawat biyahe.

Para ma-monitor namin na ang lahat ng bumabiyahe ngayon ay nakakapag-sanitize, MANDATORY ang pagkuha ng sanitation kits.  Kaya ibabawas pa rin ang sanitation kit refill fee sa iyong driver wallet umorder ka man o hindi sa GrabMart.

Tingnan ang breakdown dito:

Walang pagbabago sa iyong babayaran na amount kahit bumaba ang delivery fee dahil tapos na ang P50 off promo para sa alcohol.

Pwede mo na i-check ang delivery status ng sanitation kit refills

Kung nais mo makita ang status ng iyong delivery at kung tama ang address na naka-input, i-check ang tracker. 

Paano mag-order ng sanitation kits?

Panoorin ang video kung paano kuhanin ang promo code sa Grab Benefits Tab at gamitin ito sa pag-order ng iyong sanitation kit.

Ipapadala ang promo code sa mga ACTIVE driver-partner nang nakaraang buwan

Step 1. Kunin ang unique promo code sa GrabBenefits

Kelangan mo ito sa pag-order sa GrabMart passenger app. I-copy ang promo code para magamit sa STEP 2.

Ipapadala ang promo code sa unang linggo ng bawat buwan. Isang beses lang pwede gamitin ang PROMO CODE. Bawat code ay UNIQUE para lang sa iyo kaya ‘wag mo ito ipamigay sa iba.

PRO DRIVER TIP! Siguruhin na pareho ang naka-register na mobile number sa iyong Grab Passenger app at Driver App para mai-record ng system na nakabili ka na ng sanitation kit.

STEP 2. Buksan ang Grab Passenger App at pumunta sa GrabMart tile

STEP 3. Umorder sa 4W Pogi on the Go 

Hanapin ‘4W Pogi on the Go’ at Piliin ang location na pinakamalapit sa’yo.  

NOTE: Paps, wag magulat sa P5000 na nakikitang presyo! Magiging PHP 0 yan pagnilagay mo ang iyong Unique promo code. P350 o P400 pa rin ang monthly deduction para sa sanitation refill (depende kung kumuha ng barrier o hindi).

Tingnan ang video sa ibaba kung paano mag-order ng sanitation kit sa GrabMart