Do More With Your New GrabPay Wallet!

Good news, Ka-Grab!  I-level up na ang iyong cash wallet!

Soon, hindi mo na kailangang magwithdraw ng cash sa ATM para gamitin ang iyong earnings sa pambayad ng load at iba pang everyday needs!

Isa itong wallet na ginawa para sa’yo kung saan maaari ka nang mag-transfer agad-agad ng inyong kita mula sa cash wallet at gamitin ito para pambayad sa mga kailangan mo araw-araw!

Saan mo ito pwedeng gamitin? 

    • Cashless transaction sa mga partners ng Grab
    • Bumili ng prepaid load at mobile data
    • Mag-transfer ng money sa GrabPay wallets ng iyong friends at family

MADALI LANG! I-upgrade ang iyong wallet in 4 easy steps!

  1. I-update ang iyong driver app sa latest version – App store (IOS) o Playstore (Android)
  2. Pumunta sa iyong Cash wallet at i-tap ang “Upgrade Cash Wallet”
  3. Ilagay ang One Time Pin (OTP) na makukuha mo via text message o SMS
  4. I-tap ang “Agree”

 

Step 1: I-download ang main Grab app para ma-enjoy ang iyong new GrabPay wallet! Click ang link para mag-download!

Dito mo magagamit ang iyong kita na nilipat mo mula sa cash wallet.

Paalala: Ito ang main Grab App at IBA pa ito sa driver app na gamit mo sa pag-drive with Grab.

Huwag din kalimutan na mag-register gamit ang parehong mobile number na ginamit mo para ma-access ang iyong GrabPay balance! 

Step 2: Mag-transfer ng kita sa GrabPay

Sa Grab driver app, maaari mong i-transfer ang iyong Cash Wallet earnings sa GrabPay para magamit ito sa main Grab app na iyong dinownload.

Paalala: Hindi mo na maibabalik sa iyong cash wallet ang na-transfer na earnings sa iyong GrabPay wallet.

Ngunit huwag mag-alala dahil maaari mo nang simulan itong gamitin sa cashless transactions tulad ng grocery shopping at pagbili ng prepaid load para sa iyong mobile data!

Step 3: Gamitin ang main Grab app para bayaran ang pang-araw-araw mong bilihin at makakuha ng GrabRewards points!

 

I-upgrade na ang iyong cash wallet para ma-enjoy ang cashless transactions! Stay tuned sa iba pang exciting features ng iyong GrabPay wallet!