GrabExpress – Food Delivery

Dagdag kita ba kamo? I-ON na ang GrabExpress – Food Delivery sa iyong app!

Paano gumagana ang GrabExpress – Food Delivery?

  1. Pumunta sa merchant-partner para i-pick up ang order. Laging sundin ang branch na nakalagay sa app.
  2. Pagdating sa branch, tanungin sa staff saan kukunin ang GrabExpress – Food Delivery items.
  3. Bayaran ang items gamit ang iyong working capital. Ipapirma ang BLUE waybill sa staff. NOTE: Siguraduhing kumpleto at pareho ang items na nasa app.
  4. I-deliver ang order sa customer at singilin ang order value. Ipapirma ang GREEN waybill sa customer.

Ano pa ang ibang benefits ng GrabExpress – Food Delivery?

Maikli ang trips! Average na 2KM lamang ang distance from pick-up to drop-off. Siguradong makakarami ka sa trips.

Malaking delivery fee! P90 ang standard delivery fee per booking na iyong matatanggap sa iyong Credit Wallet.

Walang pila sa merchant! Ipakita lang ang Order ID sa merchant, i-pick up ang item, at i-deliver ito sa drop-off

Iwas fake booking! Karamihan sa GE-Food bookings ay galing sa partner-merchants at naka-GrabPay kaya mas maliit ang chance na makatanggap ka ng fake booking.