Generika Family Health Card


Good news para sa lahat ng PLATINUM at GOLD drivers! Makakatanggap ng FREE Generika Family Health Card ang lahat ng drivers na kabilang sa Platinum at Gold tiers ng Ka-Grab Rewards sa Metro Manila. Sundin lang ang instructions na matatanggap sa inyong Grab Driver app.

 

Benefits ng Generika Family Health Card

  • Unlimited primary care consultation sa lahat ng Family Doc Clinics para sa primary cardholder at dalawang (2) dependents
    Note: Hindi na pwedeng palitan ang Beneficiary once na ma-activate na yung card.
  • Free medicine allowance worth Php 300 for redemption in any Generika Store.

 

Paano ko i-claim ang Family Health Card?

  1. Sagutan ang form na ito para mas mapabilis ang claiming ng iyong card: grb.to/HealthCardForm
  2. Maa-activate ito within 48 hours pagkatapos ma-claim ang inyong card. Maaari niyo nang ma-enjoy ang benefits ng Family Health Card matapos ang activation.
  3. Location kung saan pwede i-claim ang Family Health Card
Address
Day
Time
Grab Office Fishermall
Unit DS-008 4th/F, Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City
Monday – Friday
10AM – 7PM
Grab Office Greenfield
Greenfield District Pavilion, Sto. Cristo Street, Greenfield District, Mandaluyong City
Monday – Thursday
9AM-6PM
Grab Office Wilcon IT Hub
12F Wilcon IT Hub, Chino Roces Avenue, Makati City
Monday – Friday
10AM-5PM

 

Paano gamitin ang Family Health Card?

Sa consultation:

  1. Pumunta sa kahit anong Family Doc Clinics. Para sa listahan, address , clinic hours at contact numbers ng mga Family Doc clinics, i-click lang ito: FamilyDOCClinic-Directory
  2. Ipakita ang Family Health Card at isang valid government ID. Ipakita din ang PIN code na ipinadala sa inyo via text message. Ito rin ang requirements na kailangan kapag ang dependents ang mag-a-avail ng consultation sa kahit anong Family Doc clinics.
  3. Ive-verify ng merchant partner kung anong benefits ang available sa Family Health Card ninyo.
  4. Maari ng pumunta sa inyong consultation.

Sa Pagbili ng Gamot:

  1. Ang inyong Family Health Card ay may kasamang Php 300 worth of free medicines.
  2. Ipakita lamang ito at isang valid government ID sa kahit anong Generika drugstore upang magamit ito.
  3. Tandaan: Huwag kalimutang dalhin ang reseta ng doktor para sa mga maintenance medicines at iba pang gamot na kinakailangan ito.

Paano kung hindi na ako Platinum o Gold driver sa susunod na buwan?


Dahil ang benefits na ito ay exclusive para sa mga Platinum at Gold drivers, made-deactivate ang iyong Family Health Card kapag kayo ay napunta sa Silver or Member na tiers.  Automatic na mare-reactivate ang inyong card kung kayo ay nakabalik sa Platinum at Gold tier sa susunod na buwan. Tandaan na mae-enjoy mo ang benefits ng Generika Family Health Card habang nasa Platinum o Gold tier.