Gems: Incentive Scheme

Good News, Ka-Grab!

May chance ka nang kumita ng MAS MALAKI sa pamamagitan ng MAS MADALI na incentive scheme gamit ang GEMS!

Dahil kita namin ang pagsusumikap at maayos na serbisyo mo sa GrabFood at GrabExpress, bawat trip ay may katumbas na GEMS.

Mas maraming GEMS, mas malaking kita!

Ano ang GEMS?

GEMS ang bago at mas pinasimpleng basehan ng iyong incentives.

Ang bawat trip ay may katumbas na GEMS.

Mas maraming maiipon na GEMS, mas magandang incentive!

Bawat araw, may makukuha kang MISSIONS na magsasabi kung ano ang iyong target GEMS para sa araw na iyon.

Bawat trip ay may katumbas na GEMS.

Bawat completed trip ay may katumbas na GEMS, kahit anong oras mo ito magawa.

Pwede mong paghaluin ang GF at GE trips para makakuha ng mas maraming trips at GEMS.

PAALALA – Ito ay sample gems lamang. Tignan ang iyong job card para sa incentives scheme ngayong araw!

Mas maraming GEMS, mas malaking kita!

Ang incentive na iyong makukuha ay depende sa number ng gems na iyong maiipon kada araw.

DISCLAIMER: Maaring magbago ang dami ng gems at corresponding incentive amount na iyong matatanggap kada linggo. Tingnan ang iyong Incentives page para sa update.

Halimbawa ng GEMS Incentive Scheme:

NOTE: Ang incentive amount ay hindi cumulative. Kung makakuha ka ng 150 gems sa isang araw, ang matatanggap mong incentive ay Php 600 LAMANG.

Tingnan ang MISSIONS sa Driver app para malaman ang target GEMS.

May makukuha kang missions kada araw na naglalaman ng iyong target GEMS.

Makikita mo ito sa Incentives page ng iyong driver app. Ang MISSIONS ay nagbabago at nagre-refresh bawat araw.

NOTE: Sample lamang ang job card.