Ka-Grab Rewards Plus Relaunch Event

Isang hapon na puno ng saya ang handog ng Grab sa ating mga Ka-Grab na naimbitihan at dumalo sa relaunch ng Ka-Grab Rewards Plus last August 26, 2019 sa MOA Arena.

Talaga namang maraming natuwa at na-excite sa mga bagong benefits na nadagdag sa KGR Plus. Nandiiyan ang mga health benefits hatid ng Generika, subsidized electricity at marami pang iba!

At syempre, makukumpleto ba ang event na ito ng walang mga papremyo? Kami ay namigay ng Flatscreen TV, Wow Fiesta Karaoke at Action Camera sa mga maswerteng nanalo sa Lucky Box Raffle.

Mas lalo pang naging masaya at maingay ang hapon ng maki-jam at mag-perform ang ating mga special guests na sina Shanti Dope, Rocksteddy at Sexbomb Dancers!

Bago matapos ang araw, isang pangunahing bisita ang humabol at nakisaya. Walang iba kung hindi ang ating Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao kasama ang ating mga One Championship Filipino Fighters.

Kami ay nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at sumuporta sa ating Ka-Grab Rewards Relaunch. Tiyak na mas marami pa kayong dapat abangan na mga programa mga Ka-Grab!