Bida Ka, Ka-Grab Dad! 2019 Father’s Day Event

Bilang pasasalamat namin para sa inyong masipag at matiyagang pagtatrabaho, kayo ang naging bida, mga Ka-Grab Dads, noong June 16 sa aming Father’s Day event sa Circuit Makati Open Grounds. Napuno ang venue ng maraming masasayang Ka-Grab Dads, at kasama niyong nakisaya ang inyong mga pamilya at mga kaibigan habang nakiki-jam sa mga tugtugan mula sa mga bandang dumalo sa event

Nakasama natin sa pagsasaya sina Raqi Terra at si Brandon Vera, pati na rin si K Brosas. Nakisabay naman tayo sa pag-rap ni Andrew E at ni Gloc-9, at nakikanta rin tayong lahat sa mga awitin ng bandang Spongecola. 

 

 

Bukod dito, naenjoy niyo rin ang mga arcade booths kung saan may mga palaruan para sa buong pamilya niyo at mga concessionaire booths kung saan nakakuha kayo ng maraming mga freebies

 

Bago nagsimula ang rakrakan, nagkaroon muna ng message para inyo, mga Ka-Grab Dads. Buong pasasalamat ang ibinigay sa patuloy niyong pagseserbisyo at pagsisipag sa inyong trabaho, at bilang kayo rin ang mga susi sa tagumpay ng Grab. Pinagusapan din ang pamilya, at ang importansya nila bilang isa sa mga motivation niyo sa pag-unlad, at lugod naman kayong sumang-ayon. 

 

 

Sa papugay awards naman ating kinilala ang ating mga Ka-Grab dads na lubusan ang paggawa ng mabuti sa kanilang mga kapwa. Sila ay ating binigyan ng parangal para sa kanilang kahanga-hangang aksyon sa kanilang trabaho.

 

Hindi rin naman namin kayo nakalimutan, Ka-Grab Riders! Nagkaroon din kayo ng munting sorpresa mula sa Grab at sa Krispy Kreme. Kasing tamis ng original glazed doughnut ang inyong mga ngiti noong nalaman niyo na mayroon ding nakahandang order na para lamang sa inyo. 

 

Muli, Happy Father’s Day sa inyo, aming Ka-Grab Dads at Rider Dads na walang tigil sa pagkayod para sa kinabukasan ng inyong mga pamilya. Nagpapasalamat kami sa pagbigay niyo ng tiwala sa amin at patuloy naming sisiguraduhin ang pagtulong namin sa inyo para sa kinabukasan niyo at ng pamilya niyo. Thank you and we are proud of you!