Nagbabalik ang Grab All You Can!

TEAM LEAGUES

Ngayon, bahagi ka na ng isang liga. Sikapin na maging top 43 drivers ng iyong liga at ma-hit ang 501 target rides kada buwan para manalo ng exciting prizes!

Mas malaki na ang chance mong manalo dahil bahagi ka na ng isang liga!

PAALALA: Pwede ka lamang manalo ng isang premyo kada buwan at hindi mo pwedeng mapanalunan ang parehong premyo sa ibang buwan. Kung ang iyong target rides ay eligible para sa parehong premyo, ang matatanggap mo ay ang susunod na premyo sa ibaba nito.

MECHANICS

TARGET RIDES: Kailangan ma-hit ang 501 target rides kada buwan.

PRIZES: First hit ng target rides, first serve ang prizes sa contest. Bibilangin ang iyong rides kada buwan. Mas maaga mong ma-hit ang 501 target rides, mas malaking premyo ang iyong makukuha.

RIDES REFRESH: Magre-reset back to zero (0) ang rides kada simula ng buwan.

CONTEST DURATION: Magaganap ang contest sa loob ng anim (6) na buwan: November 2019 – April 2020.

AR/DCR/SR REQUIREMENT: Kailangan mapanatili ang 70% AR, 8% DCR at 4.4 SR kada buwan para maging eligible sa contest.

TERMS & CONDITIONS

GrabShare Rides: Counted ang GrabShare rides at depende sa  pagiging matched o unmatched ang  bilang nito.

Multi-Stop Rides: Counted as one (1) lang ang Multi-Stop Rides (MSR).

My Destination Rides: Counted as one (1) ang My Destination Rides.

Fraud Check: Lahat ng winners ay sasailalim sa fraud at user trust assessment upang masigurado na malinis at totoo ang na-hit na target rides. Automatically disqualified ang mag-commit ng fraud.

DISCLAIMER: Ang Grab All You Can ay isang contest na kusang sasalihan ng driver kung hangad o gusto niya. Hindi ito pinipilit ng Grab. Ang hindi pagsali ay hindi sanhi ng anumang prioritization o prejudice sa ibang mga Grab contest o promo.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

 

1. Ilang beses ako pwedeng manalo sa Grab All You?

Pwede kang manalo kada buwan sa Grab All You Can Contest. Siguraduhin lang na ma-hit ang target 501 rides kada buwan.

PAALALA: Pwede ka lamang manalo ng isang premyo kada buwan at hindi mo pwedeng mapanalunan ang parehong premyo sa ibang buwan. Kung ay iyong target rides ay eligible para sa parehong premyo, ang matatanggap mo ay ang susunod na premyo sa ibaba nito.

2. Saan ko makikita ang status ko sa Grab All You Can?

Maaari mong ma-monitor ang status mo tuwing Monday at Thursday sa https://www.grabpassbook.com

3. Sino ang qualified sumali?

Ang Grab All You Can contest ay qualified sa lahat ng GrabCar, GrabCar Premium, GrabCar 6-Seater drivers sa Metro Manila. Counted ang GrabShare rides at depende sa pagiging matched o unmatched ang bilang nito.

4. Paano ko malalaman kung nanalo na ako?

Ang announcement of winners ay nagaganap sa 2nd week ng buwan. Para malaman kung ikaw ay nanalo, abangan ang SMS  o tawag mula sa isang Grab representative.

5. Pwede ko bang ma-exchange ang aking prizes sa ibang prizes?

Hindi, Matatanggap mo ang prize na takda sa iyong ride status at kung pang-ilang driver ka na ma-hit iyon.