Balik-Biyahe na tayo sa GrabCar!

And We’re Back to Ka-Grab. Online na muli ang GrabCar!

Hep, hep, hep! Alam natin excited tayong lahat bumiyahe, pero bago yan, we want to make sure na healthy and ready tayo kaya here are quick reminders:

  • Makakabiyahe ka lang kung kumpleto ang iyong Big 3 requirements (safety training, sanitation kit, plastic barrier installation)
  • LTFRB pa rin ang may last say kung kailan at sinu-sino ang mga pwede nang bumiyahe pagkatapos ng quarantine.
  • 10% muna ang commission rate na matatanggap ng Grab mula sa iyong biyahe sa first two weeks pagkatapos ma-lift ang MECQ.

NEW NORMAL MUST HAVES

New Normal Must Haves is as easy as ABC!

I-memorize ang A-B-C na palaging dapat bitbit sa iyong biyahe!

Authorized Documents

Siguraduhin na updated at kumpleto na ang mga ipinasang documents

Mag-submit lang kung hindi pa kumpleto ang iyong documents o kung may nais baguhin.

  • Vehicle details tulad ng Motor Number at Chassis number
  • LTFRB documents - LTFRB Valid Case Number, Passenger Insurance (PAMI/SSCI)

 Laging dalhin sa biyahe ang mga mahahalagang dokumento:

  • Grab ID (i-print ang ipinadala namin sa iyong Grab E-mail)
  • Certificate of Accreditation (COA) na pwede idownload sa iyong Grab-registered email
  • TNVS Document
  • Valid Driver’s license
  • Rapid Pass
  • IATF ID (kung available)
  • OR/CR Documents
  • Certificate of Grab Safety Training na nakakabit sa plastic barrier o sa kung saan makikita ng pasahero
  • Passenger Guidelines

I-print ang Passenger guidelines at isabit sa likod ng driver’s seat para makita ng iyong pasahero.

Body Protection

Required na laging suot o dala ang mga ito:

  • Facemask
  • Face shield
  • Disposable Gloves (optional)
  • Alcohol/Sanitizer

Car Care

Ang mga items na ito ay dapat na laging nasa iyong sasakyan:

  • Malinis na wash cloth
  • Seat markings na magpapaalala ng social distancing (masking tape)
  • Tray para sa pagkolekta ng cash (cash in via Driver)
  • Alcohol/Disinfecting agent - Kung ubos na ang iyong sanitation kit, pwedeng mag-order dito at kami ang bahalang magdeliver sa’yo
  • Plastic barrier

Ilang reminders para para ma-ensure na comfortable at everybody happy habang nasa biyahe!

  • Ipantay ang height ng plastic barrier sa headrest (max 5 inches mula sa ceiling) para may daluyan ng hangin 
  • Maglagay ng kaunting butas sa plastic barrier (8in x 8in) sa gitna ng console dahil dito padadaanin ang tray para sa  cash-in via driver transactions
  • Maglagay ng duct tape sa mga gilid lang ng plastic barrier o sa taas na bahagi ng butas o flap para hindi ito madaling masira

Para sa seguridad ng lahat sa platform, may random inspection kami ng iyong plastic barrier kaya siguruhing laging handa at maayos ang iyong plastic barrier.

GRAB DRIVER APP NEW NORMAL FEATURES

Bilang paghahanda sa iyong balik-biyahe sa new normal, nagdagdag rin kami ng mga bagong product features para sa’yo:

‘Passenger not wearing mask or face shield’ additional valid cancellation
You read it right! Pwede mong i-cancel ang pasaway na pasaherong hindi naka-mask o naka-face shield

‘Passenger Overload’ revised valid cancellation
Dahil social distancing mode pa rin tayo, pag more than 2 ang nag-show up na pasahero, pwede na yan i-valid cancel!

Increased cashless tip
Yes! Pwede ka nang mabigyan ng mas malaking tip para sa’yong above and beyond na serbisyo

Wala munang back to back jobs
Para may time ka na magpahinga at maglinis ng iyong sasakyan in between rides

Limited na to 2 ang iyong My Destination sessions
Oops, hear us out muna mga Paps!. We are doing this para hindi malimitahan ang iyong biyahe at mas masuyod mo ang areas dahil mas kaunti ang demand sa ngayon. Remember, pag hindi ka naka My Desti, more than 4x lang ang jobs na maaari mong makita. Oh di ba mas kikita ka?

NEW NORMAL SAFETY CHECKLIST

Game ka na bang bumiyahe muli? Kung Game na, isapuso at sundin ang NEW NORMALrules and regulations habang tayo ay nasa platform. Lagi nating tandaan na ito ay para sa kapakanan mo at ng iyong pasahero:

  1. Sagutan ang daily MANDATORY Daily Safety Check na lalabas as pop-up. Ka-Grab! Kung more than 38°C ang temperature, huwag na munang bumiyahe.
  2. Required magsuot ng mask at face shield habang nasa biyahe
  3. I-check muna ang booking ID ng pashero para malaman kung siya nga ang nag-book ng ride.
  4. I-check rin kung ang iyong pasahero ay nagcocomply sa ating safety guidelines (max 2 pasaheronaka facemask at face shield).
  5. Linisin ang iyong sasakyan in between rides at ipakita ito sa pasahero para sila ay makampante. 

Kung ubos na ang iyong sanitation kit, pwedeng mag-order dito at kami ang bahalang magdeliver sa’yo. Mag-order dito

  1. Para hindi ma-contaminate ang iyong sasakyan, sabihin sa pasahero na ikaw ang magbubukas at magsasara  ng pinto para sa kanila bago at pagkatapos sumakay.
  2. Pwede mong i-reject ang ride kung ang nagbook ay higit sa dalawang pasahero.
  3. Ipabasa sa pasahero ang passenger safety guidelines
  4. Huwag mag-share ng gamit sa pasahero tulad ng alcohol, tissue, at iba pa para maiwasan ang pagkakahawaan.
  5. Ipaalala sa pasahero na kalungin na lang ang bag o mga personal na gamit
  6. Kung may luggage o malaking gamit ang pasahero, buksan lang at hayaan na ang pasahero ang maglagay nito sa compartment
  1. Cashless ang lahat ng rides kaya wala kang poproblemahin sa cash na ibibigay ng pasahero. Kung nais magbigay ng cash tip, ipaalala sa kanila na pwede rin silang magcashless tip gamit ang kanilang Grab App.
  2. Bago bumaba, sabihin sa pasahero na ikaw ang magbubukas ng sasakyan para sa kanila
  3. May matatanggap kang prompt para linisin ang iyong sasakyan.

Paano linisin ang loob ng iyong sasakyan in between rides?

  1. Buksan ang passenger windows
  2. Lagyan ng tubig at alcohol ang iyong malinis na wash cloth
  3. Punasan ang mga areas na posibleng nahawakan ng iyong pasahero:
    • Passenger Seat
    • Passenger Headrest
    • Grab handles
    • Door handles
    • Passenger window switch (kung nagamit)

NEW NORMAL DO's & DON'Ts

At dahil balik na tayo sa dating gawi, kaunting refresher lang sa ating Driver Code of Conduct. Balikan ang Do’s and Dont’s habang nasa biyahe:

Katulad rin ng dati, ang hindi pagsunod sa mga rules and regulations ng Driver Code of Conduct ay may kaukulang penalty.

Mananatiling Ligtas at Sumunod sa Batas (Stay Safe and Follow the Law)

  • Laging siguruhin na may dalang documentation habang nasa biyahe
  • Ang assault, harassment  o anumang pang-aabuso ay hindi pinahihintulutan ng Grab
  • Huwag gagawa ng anumang krimen
  • Sundin ang mga batas pangkaligtasan sa kalsada
  • Bawal ang pagkonsumo ng alak, drugs at pagdadala ng weapon habang nasa biyahe
  • Laging panatilihing maganda ang kondisyon ng iyong sasakyan para iwas aksidente

Igalang ang ating Grab Users(Respect our Grab Users)

  • Respetuhin ang privacy ng iyong pasahero
  • Huwag tanggihan ang pasahero anuman ang kanyang katangian (lahi, relihiyon, kasarian, atbp)
  • Maging fair sa ating mga pasahero lalo na sa paniningil ng fare.
  • Huwag mamili ng biyahe
  • Maging disente sa lahat ng pagkakataon habang nasa platform
  • Siguraduhin na nakapagbigay ka ng maayos na serbisyo sa pasahero
  • Siguraduhing tumawag muna sa awtoridad in case of emergency

Maging mabuting Grab Citizen (Be a Good Grab Citizen)

  • Huwag dayain ang sistema ng Grab sa anumang paraan
  • Huwag mang-bully,  magbanta o mang-harass ng Grab staff
  • Panatilihin ang good ratings para mas maganda ang takbo ng biyahe
  • Maging open sa feedback at training para mas mapabuti pa ang iyong serbisyo

Tandaan ang 5 ‘Mag’ COVID-FREE Safety Guidelines at h’wag itong kalimutan!

  • MAG-SANITIZE before and after every trip
  • MAG-MASK AT FACE SHIELD at all times
  • MAG-SOCIAL DISTANCING kahit nasa loob ng sasakyan
  • MAG-ACCEPT NG PASAHERO na siya mismo ang nag-book para sa mas madaling contact tracing
  • MAG-SELF CHECK at siguruhin na maayos ang pakiramdam bago bumiyahe.

Katulad rin ng dati, ang hindi pagsunod sa mga rules and regulations ng Driver Code of Conduct ay may kaukulang penalty.

FAQs

Paano kung wala akong IATF ID?
Ang IATF ID ay nirerequire lamang sa ilang checkpoints sa Maynila. Kung sakaling hanapan ka ng IATF ID, ipakita ang iba pang dokumento na nagpapatunay na ikaw ay bumabiyahe sa Grab tulad ng Grab ID, Rapid Pass etc.

Kailangan ba ang medical certificate sa biyahe?
Kailangan lang ang medical certificate na nagsasabing Fit to Work kapag ikaw ay nakaranas ng symptomas ng sakit o kakagaling lamang sa sakit. Ito ay kailangan ipadala sa Grab upang ikaw ay makapagpatuloy ng pagbiyahe.

Paano kung nakikitaan ko ang aking pasahero ng COVID-19 symptoms bago pa siya sumakay?
Kung ang pasahero ay confirmed na COVID-19 na pasyente bago sila ay nakasakay, kailangan sila bigyan ng abiso na I-contact ang ‘Local COVID-19 Task force o Ligtas COVID centers na nakasakop sa kanilang lugar, alinsunod sa DOH-DILG Joint Adminstrative Order No. 2020-0001 para sila ay ma-transport ng kwalipikadong personnel.

Kung ang pasahero naman ay hindi confirmed COVID+ (e.g. inubo sa lamig), maari natin i-report ang pasahero sa ating help center.

Tutulungan ba ako ng Grab kung magkakasakit ako ng COVID-19?
Oo. Mayroon kaming nakahandang tulong kung sakaling ikaw ay magkaroon ng COVID-19.

Apektado ba ng curfew ang aming operating hours/oras ng pagbiyahe? 
Oo. Susunod tayo sa guidelines ng pamahalaan tungkol sa curfew hours. Mag-aannounce kami kung mayroon nang curfew na na-set ang gobyerno.

Paano kung ako ay hinuli sa checkpoint kahit kumpleto naman ang aking dokumento?
I-report ito sa ating Help Center para kayo ay matulungan.

Ano ang gagawin ko kung ang pickup/drop off ng pasahero ay sa hospital?
Sa kasalukuyan, hindi pinagbabawal ang paghatid o pagsundo sa nga ospital.

Paano ko ipi-pickup ang safety kit na bigay ng Grab?
Pagkatapos ng inyong safety training, kayo ay makakatanggap ng SMS mula kay Grab na pwede nang kunin ang inyong kit at kung saan ito kukunin.

Paano kung ubos na ang safety kit na bigay ng Grab?
Ang ibibigay sa iyo ay good for one (1) month at kung ubos na ito ay pwede itong i-refill pagkatapos ng isang buwan.