Menu Driver Sign-Up

Bagong App Feature: Back-to-Back Jobs

Back-To-Back Jobs:

Ang Solusyon sa Instant at Sunod-Sunod na Bookings! 

Bawasan ang waiting time at tumanggap ng booking bago matapos ang iyong kasalukuyang trip!

Paano ito gumagana? 

  1. Makakatanggap ka ng Back-to-Back job habang papalapit ka na sa drop-off location ng iyong kasalukuyang trip.
  2. Mayroon kang 20 seconds para tanggapin ang bagong booking.
  3. Kung ikaw naman ay naka auto-accept na, automatic mo itong matatanggap.
  4. Pagkatapos mo ito i-accept, makikita ng iyong susunod na pasahero na kasalukuyan kang nagda-drop off. Makikita rin niya ang iyong estimated arrival time sa pick-up location.
  5. Matapos i-complete ang iyong booking, puntahan na ang susunod na pick-up location!

Makakatanggap ka ng Back-to-Back booking kung:

  • Naka-ON ang iyong Available for Jobs button
  • Ikaw ay malapit na sa drop-off point ng iyong kasalukuyang pasahero
  • Ikaw ay 10-15 minutes away mula sa pick-up location ng susunod na pasahero
  • Updated ang iyong driver app version

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

 

1. Pwede ko bang piliin kung kailan ako makakatanggap ng Back-to-Back jobs? 

Hindi ka pwedeng pumili, Ka-Grab. Kung ikaw ay kasalukuyang nasa isang booking at ayaw mong tumanggap ng panibagong pasahero, i-turn off lang ang Available for Jobs na button.

PAALALA – Hindi ka makakatanggap ng kahit anong booking kapag naka turn-off ang Available for Jobs button. 

2. Available for Jobs naman ako, bakit wala akong natatanggap na Back-to-Back job?

Kung naka-ON ang Available for Jobs button at hindi ka parin nakakatanggap ng Back-To-Back job, marahil hindi updated ang iyong app version o kaya ay walang panibagong booking mula sa malapit na pasahero.

3. Anong mangyayari kung hindi ko tanggapin ang Back-To-Back job? 

Kung hindi mo tanggapin ang Back-to-Back job, bababa ang iyong Acceptance Rate (AR) at ang iyong home screen ay automatically locked. Kung ma-lock ang iyong home screen habang may pasahero o booking, i-unlock lang ito.

4. Last trip ko na – paaano ako makakasigurado na wala na akong matanggap na Back-To-Back job? 

Kung ayaw mo ng makatanggap ng Back-To-Back job, i-turn OFF ang Available for Jobs habang nasa booking. Hindi ka na makakatanggap ng kahit anong booking kung i-turn off mo ito.