4W Delivery Opportunities

Paps Ikaw ba ay may Sedan o 6 Seater na sasakyan?

Maging 4W Delivery Partner na!

Pwede nang mag-deliver sa GrabExpress gamit ang iyong kotse! 

May Available slots pa para sa  mga Ka-Grab nating hindi pa approved sa LTFRB at open na rin tayo sa new new  Drivers na interesadong mag apply sa service na ito. 

Gusto namin mabigyan kayo ng opurtunidad na kumita kaya hinihikayat namin kayong sumali at maactivate lalo na at malakas ang demand ngayon sa delivery. Bukod dito malapit na rin ang Ber-season mga Paps. Tiyak mas dadami ang magpapa-deliver ng packages dahil kasabay ng Ber-season ay gift-giving season na rin. Daming regalo ang kailangan i-deliver. 

Limited lang ang slots mga Ka-Grab kaya buksan na kaagad at mag register.

New Driver

Para sa new Drivers na interesadong mag apply sa service na ito.

Existing Driver

Para sa Existing Grab Drivers na gustong lumipat sa 4WGE

Ano ano ang Services na meron sa 4W Deliveries?

Ang GrabExpress Car ay Grab’s premium delivery service, na nagaalok nang on-demand door-to-door deliveries. Isang service kung saan maaaring mag-deliver ng items mula sa warehouse, stores, hospitals at iba pang lugar. Ito rin ay naglalayong mabigyan ang mga customer ng kaginhawaan sa pag-book ng mga Deliveries sa pamamagitan lang ng ilang mabilis na pag-click.

Ito ay isang on-demand na serbisyo ng pabili kung saan maaaring makatanggap ng booking at hilingin ng mga customer sa Driver na bumili ng mga item (Pabili) para sa kanila.

Ang GrabMart ay isa ring on-demand na serbisyo nang paghahatid ng mga goods sa pang-araw-araw ng mga Customer. Ang Driver ay maaring makatanggap ng booking mula sa isang supermarket, drugstore, o specialty store

Walang abono! Preferred merchants ang mga supermarket at stores na bahagi nito.

Walang pila! May special lane sa piling merchants ang Grab Drivers para hindi  na kailangan pumila. Pick-up lang!

Maaarkila ng customer ang 4W Grab delivery service ng ilang oras

Magdedeliver ang driver ng mga parcels galing sa customer sa loob ng nakatalang oras.

Magkano ang kita ng isang 4W Deliveries ?

Good News ka-Grab! Dahil malakas ang demand ngayon sa Delivery pwede kang kumita 226.58 Php/hour para sa MPV at 176.23 Php/hour naman para sa Sedan. Napakagandang dagdag Kita nito mga Paps na makakatulong ng malaki sa iyong pamilya. Kaya ano pang hinihintay mo! Wag ng palampasin ang new driver incentives sa service na ito.

Paano maging 4W- ka-Grab Delivery Partner ?

Salamat sa iyong interest Paps! 

Gusto ka naming i-guide sa prosesong ito mula sa application, document submission, training, hanggang activation!   Gamitin mo ang guide na ito para mabilis kang ma-onboard sa Grab platform.

Ihanda ang mga sumusunod:   

Driver Requirements
  • Non-Professional or Professional Driver’s License 
  • NBI Clearance or Police Clearance 
  • Drug Test 
  • Must be 21-65 years old
  • For Drivers 60 years old and up: Fit to Work Medical Clearance
Vehicle Requirements
  • OR/CR or Sales Invoice and Delivery Receipt
  • Vehicle Owner’s Valid Government-Issued ID with 3 specimen signatures.
  • Comprehensive Insurance 
  • Picture of front and back of vehicle (conduction sticker and plate number is clearly visible)
  • 6 Seater/Sedan – (2013 or Newer)
  • Notarized Special Power of Attorney (Kung hindi ang iyong Peer/Operator ang registered owner ng sasakyan)
  • Photocopy of Owner’s Valid ID with 3 specimen signatures
  1.  
  1. Pumunta sa register.grab.com/ph/
  2. Ilagay ang mga hinihinging detalye
  3. Bago matapos ang registration, makakatanggap ng One-Time Pin code
  4. Siguraduhin ilagay ang tamang One-Time Pin
  5. I-fill-out ang myaccount form. Siguraduhing handa at malinaw ang mga larawan ng dokumentong ipapasa online. Para walang palya at maactivate agad.  
  6. I-link ang iyong Google account at i-submit!
  1. Matapos mag-fill out ng application form, makakatanggap ka ng SMS mula sa Grab na may unique training link.
  2. I-click ang training link na ito at tapusin ang mga online training videos natin. Seryosohin mo ito paps ha! Mahalaga na alam mo ang mga patakaran sa Grab para mapanatili nating maganda ang ating serbisyo.
  3. Sagutan ang required quiz, siguraduhin na naintindihan at tama ang mga sagot mo!

Pag pumasa ka na sa training quiz, makakatanggap ng Activation SMS.

Congrats, Paps!

Pwede ka nang mag-login sa ating Grab Driver App gamit ang parehong Gmail account
na ginamit sa registration.


Handa ka nang bumiyahe, lodi!

Tandaan na magsuot ng face mask at laging  mag-sanitizeStay Safe Ka-Grab

Paps  meron rin kaming inihandang Video Tutorial para maging gabay mo sa pag sign- up sa form.  Panoorin ito.

Para sa iyong kaalaman ang Video ay mapapansin mong pang 2W Delivery ngunit ito ay ayos lang dahil pareho lang ng proseso ng pag fill-out sa form.   Pakatandaan lang Paps na sa “Service Type” piliin ang “4W Deliveries” dahil kotse ang iyong gamit.