


Meron, Ka-Grab! Kailangan ng iyong consent para maproseso ang iyong earned Pag-IBIG Fund reward para maihulog sa iyong Pag-IBIG account.
PAALALA: Para ma-validate ang iyong response, kailangang kumpleto ang iyong mga detalye tulad ng iyong Pag-IBIG Membership ID (MID) at Grab Registered Number, atbp.
Step 1: I-search ang “Virtual Pag-IBIG” gamit ang iyong Play Store/App Store sa iyong smartphone at piliin ang “Install”

Step 2: Buksan ang Virtual Pag-IBIG App at mag-login gamit ang iyong Pag-IBIG details

Step 3: Mula sa menu page, pindutin ang “Main” sa ibabang bahagi ng iyong screen

Step 4: Pindutin naman ang “Regular Savings” upang makita ang kabuuang contribution sa iyong Pag-IBIG account kasama rin ang Pag-IBIG Fund reward mula sa KGR+ kung ikaw ay ang nag-qualify para dito.

Kung ikaw ay aktibo pang nagre-remit ng iyong kontribusyon sa Pag-IBIG Fund, ang P200 na iyong reward mula sa pag-abot ng Gold o Platinum tier sa KGR ay magsisilbing karagdagang savings sa iyong Pag-IBIG account.
Sa kasalukuyan, walang eksatong araw kung kailan magre-reflect ang iyong earned P200 Pag-IBIG contribution. Asahan na maihuhulog ito sa iyong Pag-IBIG account sa loob ng isang (1) buwan matapos mong mag-qualify para dito.
Halimbawa: Naabot mo ang Gold/Platinum tier sa buwan ng July, hintayin lamang na pumasok ito sa iyong account sa buwan ng August.
Hindi mo na maki-claim ang Kaagapay Program reward para sa buwan na nakapasok ka para dito.
Ka-Grab Tip: Abutin ang Gold/Platinum tier sa KGR, magpa-register bilang Pag-IBIG member, at sagutan ang consent form para awtomatikong maipasok ang ₱200 Subsidized Pag-IBIG Contribution sa iyong account kapag nag-qualify ka sa mga susunod na buwan!
Level 27F/28F Exquadra Tower,
Lot 1A Exchange Road corner Jade Street,
Ortigas Center, Pasig City, Philippines