Passenger Education Para sa Disiplinadong Pasahero!

Naiintindihan namin ang iyong concerns, Ka-Grab!
Ginagawa namin ang lahat para patuloy na mapabuti ang experience mo at ng pasahero sa ating platform.

Ang mga pasaherong nagpapasaway sa platform at madalas na:

  • No show
  • Passenger Overload
  • Mali ang pick-up point
  • Di nagbabayad ng Tama
  • May bad at abusive behaviour

Ay pinapaalalahanan na ang HINDI PAGSUNOD sa patakaran ng Grab ay posibleng maging dahilan ng kanilang pagka-deactivate o pagka-ban sa Grab App.


APP REMINDERS PARA SA MGA PASSENGERS

Para na rin maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng driver at passenger, nagpapadala ang Grab ng App reminders sa iba’t ibang paraan:


DRIVER TRIP REVIEW

Para lalo pang maging balanse ang ating platform, kailangan rin namin ang iyong feedback sa pasahero.

Ipaalam sa amin ang iyong karanasan sa bawat trip gamit ang Driver Trip Review!

Para sa FAQs, maaari bisitahin ang blog: grb.to/tripreview


PASSENGER CODE OF CONDUCT

Kung ikaw bilang driver ay may STU, ang ating mga pasahero ay merong ding Passenger Code of Conduct na kailangan nilang sundin para hindi ma-ban o ma-deactivate sa platform.

Ilan sa #GrabResponsibly tips na ito ay para maging maayos ang pag-uugali ng mga pasahero mula booking hanggang drop off.

Magkakaroon ng penalty at posibleng pagka-ban ang mga pasahero kung sasaway sa Passenger Code of Conduct at paulit-ulit na gagawin ang mga sumusunod:

  • Pag-abuso sa Grab App at promo codes
  • Pagcontact sa driver kahit tapos na ang trip
  • Hindi nagbayad ng tamang pamasahe
  • Rude behaviour
  • Physical/Sexual/Verbal Abuse/Harassment
  • Damage to property
  • Pag-overload ng sasakyan
  • Frequent cancellations

Para makita ang buong Passenger Code of Conduct, tignan ang link na ito:
https://www.grab.com/ph/blog/news/grab-responsibly/


Maaari bang masuspindi ang mga pasahero sa pamamagitan ng programang ito?

Katulad sa Driver STU, minomonitor rin natin ang ating mga pasahero. Nagsisimula ito sa mga paalala, at pagkatapos ay suspensyon, at pinakahuli ang banning  – lahat depende sa kung gaano kadalas sila makakuha ng negatibong feedback.

Paano maaaring ma-suspinde o ma-ban ang pasahero?

Ito ay nakasalalay kung gaano kalala ang offense at kung gaano ito kadalas nagawa ng pasahero. I-vavalidate rin muna ito ng Grab bago ang banning o suspensyon.

Pwede ba akong magreport ng pasahero?

Pwede mong gamitin ang Driver Trip Review para i-rate ang iyong pasahero at iyong biyahe. Kung mayroon pang ibang mas malalim na concern, pumunta lang sa ating Driver Help Centre.

https://help.grab.com/driver/en-ph/