FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)
1. Pwede ba ako mag-rate ng trip na matagal ko nang natapos?
Pwede magbigay ng feedback sa mga trips na nagawa sa loob ng seven (7) days o isang linggo lamang. Ang trips na nagawa na lagpas sa isang linggo ay hindi na pwede mabigyan ng feedback.
2. Ano ang mangyayari kung hindi magpakita ang Trip Review pagka-dropoff ko sa pasahero?
Pwede ka magbigay ng feedback sa Job History sa Grab Driver App mo.
3. Bakit hindi nagpapakita minsan ang Trip Review pagkatapos ng ride ko?
Hindi nagpapakita bilang pop-up ang Trip Review para sa GrabShare rides at Back-to-Back Jobs. Puntahan ang Job History para mabigyan ng feedback ang rides na ito.
4. Pwede ko ba palitan ang rating na nalagay ko sa isang trip?
Hindi na pwedeng palitan ang rating na binigay dahil ito ay final na.
5. Naapektuhan ba ng Trip Review ang aking Star Rating?
Hindi maapektuhan ng Trip Review ang iyong Star Rating. Hindi ito bababa kung mababa ang iyong rating sa trip. Hindi rin ito tataas kung maganda ang iyong rating sa trip.
6. Malalaman ba ng pasahero na ako ay nag-rate sa trip?
Hindi malalaman ng pasahero kung anuman ang iyong rating sa bawat trip – happy man o sad. Ang iyong feedback ay confidential at ito ay malalaman lamang ng Grab. Gagamitin ito ng Grab upang mas mapaganda ang ating platform.