Paps, MORE bookings ba hanap mo?
Binuksan na namin ang biyaheng OUTSIDE Metro Manila simula August 24!
Patuloy tayong sumusubok ng paraan para sabay-sabay na maitawid ang krisis. At eto nga, dinagdagan na natin ang service areas kung saan may demand at more chances of booking!.
Pwede ka nang tumanggap ng jobs sa buong Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal 24/7 (GrabCar service hours)
Walang lugi dito, Paps!
Dinagdagan pa namin benefits mo bilang GrabCar driver!
Mas malaki ang fare* compared sa ibang GrabCar verticals
Sa Outside NCR bookings, maaari kang kumita ng KALAHATI ng iyong daily earnings sa ISANG round trip lang!
*Alinsunod sa approved LTFRB fare matrix
Pwede ka pa ring tumanggap ng bookings within Metro Manila
Yes, basta’t naka-on ang service type, makakatanggap ka pa rin ng bookings sa loob ng NCR.
Hindi mawawala ang 2-seater jobs at 4-seater jobs(for 4-seater vehicle types)
Maaari ka pa rin tumanggap ng jobs within at ouside Metro Manila
Tulungan natin ang mga pasaherong kailangang pumunta outside Metro Manila!
Pwede na magbook ang mga pasahero anywhere basta’t within Metro Manila at mga karatig-lugar na ito:
- GrabCar 4-Seater o 2-seater (NCR to outside NCR): mula sa Metro Manila papuntang Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal
- GrabCar 4-Seater o 2-seater (outside NCR to NCR): galing mula sa Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal papuntang Metro Manila
- GrabCar 4-Seater o 2-seater (outside NCR): sa loob ng Cavite, Laguna, Bulacan and Rizal lamang
Tandaan na ang mga lugar na ito ay sakop pa rin ng community quarantine kaya sundin pa rin ang ating safety protocols!
- Ni-require ng gobyerno magsuot ng mask at face shield
- Maximum na 4 lang ang pwedeng isakay (kung 4-seater) at 2 naman (kung 2-seater). Pwede ka pa rin gumamit ng valid cancellation kung mas marami ang bilang ng pasahero.
- Maximum 2 passengers in each row at bawal magsakay sa harapan
- Kailangan na ikaw ang mag-fold o mag-ayos ng backseat para may makapasok sa likuran.
- Cashless pa rin ang mode of payment para mapanatili ang contactless experience
May iba pang katanungan?
Eh paano ang toll fee?
Hindi pa kasama ang toll fee sa total fare kaya kailangan mo itong hingiin sa pasahero. Palaging i-check kung kumpleto ang mga fields pagdaan sa toll gate para masiguradong tama ang mai-charge sa pasahero.
Pero para Iwas-hassle, nairoll-out na ang Auto Toll Fee!
Upang hindi mahirapan maningil ng separate toll fee sa pasahero, ginawa na nating automatic ang toll fee sa drop off!