Hindi pa kasama ang toll fee sa total fare kaya kailangan mo itong hingiin sa pasahero. Palaging i-check kung kumpleto ang mga fields pagdaan sa toll gate para masiguradong tama ang mai-charge sa pasahero.
Pero para Iwas-hassle, unti-unting iro-rollout ang Auto Toll Fee!
Upang hindi mahirapan maningil ng separate toll fee sa pasahero, ginawa na nating automatic ang toll fee sa drop off! TANDAAN: Laging singilinan ang pasahero ng amount na nasa app.
Paano ito gumagana?
Ito ay system generated based sa iyong GPS at pinaka-updated na toll amount.
Ang driver ang mag-aabono ng cash pagdating sa tollway dahil kasama na ito sa TOTAL fare na babayaran ng pasahero.
Kung hindi tama o kulang ang computation ng fare, pwede mo itong i-edit sa drop off.
I-double check ang total fare upang masiguro na kasama ang tamang toll amount at tama ang sisingilin sa pasahero
Applicable ito sa cashless bookings
May Concern sa Toll Fee?
Paano i-process ang Auto Toll Fee?
1. Pagdating sa toll way, abonohan muna ang toll at ipaalam sa pasahero kung magkano.
2. Pag-tap ng “drop off”, lalabas ang toll amount. I-double check ito para siguradong tama.
3. Kung mali ang amount na nakalagay, i-tap ang amount para ma-edit.
4. Pagkatapos ma-double check ang toll at total fare, i-tap ang send.