Kontra-Tumal Tips

Ginawa ang Set my Destination feature dahil nais namin na hindi ka mahirapan sa pag-uwi pagkatapos ng iyong biyahe.

Kung laging gagamitin ang Set my Destination, mas malaki ang chance na mas kaunti ang iyong bookings dahil nalilimitahan ng ‘My Destination’ ang mga jobs na maaari mong makita. 

May mga oras na maaaring masayang sa matagal na waiting time dahil naghihintay ang system ng booking na nasa ruta ng pinili mong destination. 

Hindi ka rin nakakatanggap ng Grabshare Rides kapag naka-on ito.

Alamo mo ba na doble ang jobs na makikita mo kung hindi naka-set ang ‘My Destination’ kaya use it wisely!

Tuluy-tuloy ang papasok na bookings kapag gumamit ng auto accept. Dahil diyan, nasasayang na oras sa biyahe. 

Mas malaki ng P650/day ang kita mo kumpara kung di ka naka-autoaccept. P4,000 rin yun in a week, di ba?

Sabi sa ating PCC policy, maaaring ma-lockout ng 3-30 minutes depende sa dami ng cancellation.

Mas tutumal ang biyahe kung madalas kang ma-lock-out sa system. Sayang ang mga oras na dapat sana ay may tanggap kang jobs.

Alamin ang lugar kung saan at kailan maganda bumiyahe. Peak hour man o hindi.

Halimbawa: Bumiyahe sa ruta na malapit sa call center pag madaling araw o kaya naman ay bumiyahe sa oras na malapit na mag-uwian ang mga estudyante. 

May good news para sa’yo! In-update natin ang Demand Heatmaps para mas ma-plano mo ang iyong trips at hindi mo na kailangang maghintay ng matagal para sa mga pasahero sa lugar na maraming demand.

Ano ang improved feature ng Demand Heat Maps?

 

  • Mas madaling makita ang passenger demand. Makikita ang dami ng demand base kung gaano ka pula ang nasa mapa (darker red, more demand).
  • Zoom at Scroll feature. Kung mag-zoom o scroll, makikita ang detalye kung saan mas maraming passenger demand.
  • Mas accurate at detalyadong heatmap information. Huwag mag-alala kung hindi sobrang pula ang mapa, ibig sabihin lang nito ay mas accurate na ngayon ang location kung saan marami ang demand.
  • Estimated waiting time. Ngayon, makikita mo na ang estimated waiting time para makakuha ng booking.
  • Auto-refresh ng Demand heatmap. Every 5 minutes, nag a-auto refresh ang demand heatmaps. Maaari mo rin itong i-refresh manually.