Menu Driver Sign-Up

MANILA: Introducing Ka-Grab Rewards 🚗🎁

Kita namin ang iyong araw-araw na pagsisikap para makapagbigay ng magandang serbisyo sa ating mga pasahero, at gusto naming malaman mo na pinahahalagahan ka namin bilang isang driver-partner. Bilang pasasalamat, ni-launch namin ang Ka-Grab Rewards.

Ano ang Ka-Grab Rewards?

Ito ay isang rewards program para sa lahat ng GrabCar drivers.

Sa programang ito, makakakuha ka ng fare rebates, lower effective commission rate, GrabCare Package, life insurance at marami pang iba!

Sa Ka-Grab Rewards, may chance kang ma-qualify sa mga sumusunod na tiers:

  • PLATINUM
  • GOLD
  • SILVER
  • MEMBER

 

Sa mas mataas na TIER, mas madaming REWARDS, at mas malaki ang KITA!

 

Ano ang makukuha sa Ka-Grab Rewards? 

Sa Ka-Grab Rewards, mas lalaki ang iyong kita dahil sa rebates at sa mas mababang effective commission!


*Kailangang sundin ang STU requirements para ma-maintain ang tier at ma-avail ang rewards.

 

Lower Effective Commission Rate through Rebates

 

Ang Rebate ay ang porsiyento ng commission na ibabalik sa’yo.

Effective commission rate naman ay ang commission rate minus fare rebate.

 

Paano ma-qualify sa Ka-Grab Rewards?

Narito ang mga criteria para ma-qualify sa alinmang tier ng Ka-Grab Rewards:

      • Monthly Rides 🚗
        Ang iyong tier ay base sa Rides performance mo sa nakaraang 3 buwan.

     

      • Completion Rate ✔️
        Ang iyong tier ay base sa Completion Rate performance mo sa nakaraang 3 buwan.

     

      • Star Rating ⭐⭐⭐⭐⭐
        Ito ay base sa iyong Star Rating sa unag araw ng buwan. Sundin lang ang mga tips para makakuha ng high Star Rating:

        • Igalang ang mga pasahero.
        • Maging maingat sa pagmamaneho at sumunod sa mga batas trapiko.
        • Panatilihing malinis ang sasakyan.
        • Mag-offer ng assistance sa pasahero kung kinakailangan.
          Huwag mag-alala:  Ang iyong Star Rating ay hindi maaapektuhan kung hindi nakapagbigay ang pasahero ng trip rating. 

      Ang bawat tier ay may iba’t-ibang targets na kailangang ma-hit para ma-qualify. Tandaan na ang bawat criteria na nabanggit ay base sa iyong performance sa nakaraang 3 buwan.


      Ka-Grab Rewards Eligibility Criteria 

       

      Paalala:
      *Kailangang ma-maintain ang performance na ito (kasama ang compliance sa  STU requirements) sa loob ng 3 months para ma-qualify sa alinmang Ka-Grab Rewards tier.
      *Ang Member tier ay walang minimum requirements sa completion rate, star rating at monthly rides ngunit kailangang sundin ang STU requirements na nabanggit para ma-maintain ang tier at ma-avail ang reward (GrabCare Package).

       

      • Halimbawa: Ang Ka-Grab Rewards tier mo para sa buwan ng March ay base sa monthly rides at completion rate mo noong December 2018 hanggang February 2019.

        (Note: Ito ay halimbawa lamang ng Ka-Grab Rewards tier kada month)

    • Mahalagang Paalala:
      1. Nagri-refresh ang Ka-Grab Rewards tier kada buwan. Halimbawa, ang tier mo sa March ay maaaring iba sa tier mo pagdating ng April.  Ito ay depende sa performance mo sa nakaraang tatlong (3) buwan.
      2. Para sa Gold, Silver at Member tiers, maaari pa ding tumaas ang tier sa susunod na buwan. Gaya ng nabanggit, ang  Ka-Grab Rewards tier ay nagri-refresh kada buwan kaya may chance kang ma-maintain ang iyong current tier o di kaya ay mapataas pa ito para maging eligible sa mas madaming rewards.
      3. Ang iyong rewards ay base sa iyong current tier.

       

      Frequently Asked Questions

       

      1. Paano ko macle-claim ang rewards ko?

      I-click ang link para malaman kung paano ma-claim ang iyong rewards.

       

      2. Paano kina-calculate ang Completion Rate?

      Panoorin ang video sa baba para malaman kung paano ito kino-compute.

      3. Saan ko makikita ang completion rate?

      Buksan ang Grab Driver app at i-click ang MORE>INCENTIVES>STU COMPLETION RATE.

      4. Paano ko malalaman ang Ka-Grab Rewards tier ko?

      Ito ay ise-send namin kada buwan sa:
      -Push notification at app inbox message sa iyong Grab Driver app
      -Passbook

      5. Ilang drivers ang makakakuha ng rewards?

      Lahat ng drivers na makaka-meet sa criteria ng specific tier ay makakakuha ng rewards na available sa nasabing tier.

      6. Paano ako mag a-apply para ma-qualify?

      Hindi mo na kailangang mag-apply para ma-qualify sa programang ito. Automatic na ise-send ng Grab kada buwan ang mga updates sa iyong Grab driver app at passbook sakaling ma-meet mo ang mga targets ng specific na Ka-Grab Rewards tier.

      7. Ano ang mangyayari kapag may nalabag sa STU?

      Ayon sa ating Supplement Terms of Use, anumang paglabag dito (STU) ay magiging sanhi ng ineligibility sa rewards program. Para malaman ang kumpletong detalye i-click ito: STU