Grab Basketball Tournament 2026!

Tournament Mechanics:

Ka-Grab, Game ka na ba? Muling nagbabalik ang Grab Basketball Tournament- mas bigating papremyo at mas palaban! 

Bago makapasok sa ating liga, kailangan munang mapatunayan ng isang team ang kanilang galing at gilas sa kalsada sa ating Rides Challenge! 

10 DAY RIDES CHALLENGE 

Ang 10-Day Rides Challenge ang magiging pangunahing batayan upang makapasok ang inyong team sa liga at makapaglaro sa Grab Basketball Tournament. 

  1. Verified teams mula sa Sign Ups lamang ang pwedeng makilahok sa 10 day Rides Challenge.
  2. Magsisimula ito ngayong March 1 – 10, 2026
    • Kailangan i-hit ng bawat member ang target rides sa loob ng duration dates
  3. Ang teams na may na may PINAKAMATAAS na rides sa loob ng schedule dates ang qualified makapaglaro sa Grab Basketball Tournament. 
  4. Abangan lamang ang iba pang detalye at confirmation mula sa Grab kung isa ang team ninyo sa mga makakasali.
 
  1. Bukas ito sa lahat ng 4W (GrabCar/ GrabTaxi) at 2W (GrabExpress/GrabFood) riders sa Metro Manila at Greater Metro Manila.
  2. Bumuo ng team na may 15 members galing sa parehong fleet at service type (GrabCar, GrabExpress, GrabFood) at pumili ng Team Captain. Ang Team Captain lamang ang maaaring mag-sign up para sa buong team via our Google Forms.
  3. Isang team lamang ang maaaring salihan ng bawat player. Ang pagkaroon ng multiple teams ay mahigpit na ipinagbabawal at automatic na madi-disqualify.
  4. Ang bawat team member dapat ay:
    • Walang violation sa buong duration ng tournament.
    • Hindi kabilang sa ibang team
    • Active from the last 30 days
    • 18 years old pataas at physically fit.
  5. Ive-verify ng aming system ang inyong team (active drivers, members ay nasa parehong fleet o service type, walang violations).
  6. Kapag successful ang verification, makaka-receive kayo ng notification mula sa Grab na qualified ang buong team para sa 10-Day Ride Challenge. Abangan ang mechanics nito sa mga susunod na araw!
  7. Kailangang kumpletuhin ng bawat member ang challenge upang mag-qualify to join sa ating tournament.

Abangan ang sign-up form para sa Outside Metro Manila.