2W: Fraud Online Reeducation

Wrong Completion of Rides (CNPU/Fake Bookings)

Tina-tap ang “Pick Up” o “Drop Off/Complete Job” kahit wala pa sa tamang lokasyon ayon sa app, ‘di pa nade-deliver ang order/package sa customer o wala namang order/delivery (fake bookings). For GrabExpress Web Bookings, sinasabay-sabay ang pick-up ng packages at hindi nasusunod ang sequence sa app.

Suking Customer

Ginagawang suki at kinokontrata ang isang customer.

Self-booking

Na-detect ng system na ang isang Grab customer at Grab driver ay may parehong account credentials (phone, phone number o email address).

CWTD (Cancelled and Went to Dropoff)

Na-detect ng system na ang isang cancelled trip (bago ang pick up o habang nasa biyahe) ay tinuloy base sa GPS ng driver.

Fake GPS/Rooted Device

May installed na fake GPS apps sa phone at rooted/modified ang software ng phone. Maaaring teleporting GPS din ito kung saan nasa dalawa o higit pang magkalayong lugar nang sabay ang driver base sa iyong GPS location.

Incentive Gaming

Binu-book ng driver ang isa pang driver o ang pakikipagsabwatan sa maraming passengers para tumaas incentives at earnings. Maaari ring pagbu-book sa kapwa driver at sasabihing “no show” si customer para makapag-apply ng reimbursement.

Account Takeover

Na-detect ng system na maraming driver accounts ang nag-log-in sa iisang device. Ang ganitong gawain ay considered na high risk o delikado dahil ito ay maaaring magdulot ng account takeover o ang paggamit ng iyong account ng ibang tao nang walang pahintulot.

Receipt Violation

Hindi pagbibigay ng malinaw at valid na photo ng resibo bilang proof of purchase o pagbibigay ng photo ng resibo na hindi tugma sa restaurant o order na nakalagay sa app.

COD Fraud - GrabExpress

Hindi pagtotop-up nang tama sa credit wallet.

Extreme Cancellation

Na-detect ng system na sobrang daming cancellations (parehong galing sa customer at driver) ang iyong account.