GrabSenso Tayo! Asenso kaMI!

Tatlong kwento. Tatlong biyahe papuntang Asenso. 💚❤️
Panoorin ang kwento ng tatlong Ka-Grab at Ka-Move It natin na nakamit ang pangarap nilang Asenso para sa sarili, at mga mahal nila sa buhay.

Grabsenso Tayo! Asenso kaMI!

Layunin ng mga programa ng Grab at Move It na makapagbigay ng sapat na suporta hindi lang sa ating mga Ka-Grab at Ka-Tropa, kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya. Handa kaming tumulong sa inyong maging handa sa anumang sitwasyon.


Mga Programa na Handog ng Grab at Move It:

Welfare Programs and Social Protection

Layunin ng mga welfare at social protection program ng Grab at Move It na makapagbigay ng sapat na suporta hindi lang sa mga Ka-Grab at Ka-Tropa, kundi pati na rin sa kanilang pamilya. Inilunsad ang mga programang ito para matulungan ang mga driver-partner at kanilang pamilya na maging handa sa anumang sitwasyon.

Ang Ka-Grab Rewards Plus/Ka-Move It Rewards ay isang rewards program na namamahagi ng perks o mga benepisyo sa mga driver-partners.

Anong Rewards ang Pwedeng Makuha? 

Ang mga Ka-Grab at Ka-Tropa ay maaaring makatanggap ng lifestyle rewards (gaya ng grocery, load, o food vouchers), life insurance, monthly fuel vouchers, healthcare rewards, at iba pang exclusive perks.

Sa mga nakaraang buwan, merong mahigit kumulang 180,000+ na Grab 4-wheel drivers na nakatanggap ng Ka-Grab Rewards. Pagdating naman sa Grab 2-wheel drivers, may 90,000+ na nakakuha ng Manulife life insurance at 52,000+ ang nakatanggap ng GrabFood vouchers.

Meron ding 24,000+ na Ka-Tropang nakakuha ng GrabMart vouchers at meron pang 54,000+ na nakatanggap ng assorted na Ka-Move It Rewards.

Paano sumali? 

May nilalabas na criteria at target rides sa simula ng bawat buwan. Sundin ang nakalagay na requirements para mag-qualify sa rewards. May isang buwan ang bawat Ka-Grab at Ka-Tropa para abutin ang mga target.

Kung hindi naabot ang requirements sa kasalukuyang buwan, pwede uling sumubok sa susunod na buwan. 

  • PAG-IBIG

    Sa ilalim ng Grab Kaagapay Program, ang mga driver-partner na Pag-IBIG member at nakabilang sa Gold o Platinum tier ng Ka-Grab Rewards Plus kada buwan ay magiging eligible para sa ₱200 subsidized contribution.

    Sa mga nakaraang buwan, 1,900 na driver na sa Cebu at Metro Manila ang nag-qualify para sa contribution.

  • Hospital Assistance
    Maaaring makakuha ng financial aid at hospital fee reimbursement ang mga driver at kanilang immediate family members na na-ospital. Kung nais mag-file ng claim, dapat ayusin ito habang ang pasyente ay naka-confine o sa loob ng isang buwan mula sa pagka-discharge.

Sa kasalukuyan, nakapamahagi na ng mahigit kumulang ₱3,00,000+ na hospital assistance sa ilalim ng GrabCare. Samantala, aabot sa ₱1,000,000+ na ang naipamahagi sa ilalim ng Move It Malasakit.

  • Calamity Assistance
    Ang programang ito ay nagkakaloob ng tulong sa mga driver-partner na naapektuhan ng kalamidad, gaya ng sunog, baha, bagyo, o lindol. Maaaring makakuha ng tulong pinansyal, para sa pagkasira ng ari-arian (katulad ng bahay, sasakyan, o mga kagamitan) at injury sa Ka-Grab/Ka-Tropa o sa kanyang immediate family members.

    Sa kasalukuyan, nakapamahagi na ang GrabCare ng mahigit kumulang ₱4,000,000+ na financial aid para sa kalamidad.

  • Burial Assistance
    Makakatanggap ng tulong pinansyal ang pamilya ng isang namayapang Grab driver-partner. Maaaring mag-file ng claim request ang kanilang lehitimong asawa o mga anak. Pwede rin itong i-file ng kanilang ama, ina, o mga kapatid. Sa kasalukuyan, ang GrabCare ay nakapamahagi na ng mahigit kumulang ₱500,000+ in total na burial assistance at aabot sa ₱60,000 na ang naipamahagi ng Move It Malasakit. 

Sa kasalukuyan, ang GrabScholar ay nakapaghatid na ng tulong sa 900 bursary recipients, 18 college scholars, at higit sa 300 na BPO fellows.

  • School Expenses Aid o Bursary
    Ito ay isang one-time PHP 2,500 financial aid, para sa mga anak at kamag-anak ng Grab at Move It driver and delivery-partners na nasa K-12. Matatanggap ang financial aid na ito sa GrabPay account ng mga mapipiling awardee.
  • College Scholarship
    Ang programang ito ay nagkakaloob ng 6 full-ride scholarships, para sa 3 to 4-year courses na napapaloob sa mga sumusunod na disiplina: Business, Sustainability, at STEM (except sa medical courses). Bukas ito sa kahit anong kolehiyo o unibersidad nationwide.
  • BPO Skills Training
    Ito ay isang 1 month online training na may kaakibat na live coaching. Layunin nitong tulungan ang mga jobseeker na mahasa ang kanilang kakayahan at kumpiyansa, para mapataas ang tsansa nilang makapasok sa BPO industry.

Livelihood and Entrepreneurship Initiatives

Hangad ng Grab at Move It na makapagbigay ng oportunidad na pangkabuhayan para sa mga Ka-Grab, Ka-Tropa, at kanilang mga kapamilya. Nais naming suportahan ang pagpapahusay ng inyong kakayahan at pagpapalawak ng inyong kaalaman.

Ang programang ito ay nagkakaloob ng accessible at flexible na loan para sa mga driver-partner. Maaaring gamitin ang loan na ito para suportahan ang kanilang kabuhayan, vehicle expenses, at iba pang mga pangangailangan.

Ito ay isang upskilling at relaxation event na nakalaan, para sa mga misis ng mga driver-partner at mga babaeng driver-partner. 2,500+ attendees ang nakilahok sa pinaka-recent na Misiskolar event noong May 2025.

Ang mga kalahok ay mabibigyan ng pagkakataong mapalawak ang kaalaman sa pamamagitan ng access sa libreng registration para sa TESDA-accredited skills training. Maaari ring sumali sa hinanda naming libreng pampering sessions para makapag-unwind.

Maliban sa paghahatid ng impormasyon ukol sa app usage at ligtas na pagmamaneho, ang Grab Academy ay may nilalaman ding upskilling programs at vocational training. Layunin nitong hasain ang kakayahan at mapalawig ang kaalaman ng mga driver-partner.

Sa kasalukuyan, aabot sa 5,800+ driver-partners na ang sumali at nakatapos ng LTO License Renewal course. 135,000+ naman ang nakilahok sa Microsoft Digital Literacy program. Pagdating naman sa Basics of Barbering, 120,000+ na ang nakatapos ng programa. Meron ding 63,900+ na piniling aralin ang Entrepreneurship and Business Toolkit.

Ito ay isang pasilidad na naglalayong magbigay ng sustainable na oportunidad na pangkabuhayan. Maliban sa pag-aasikaso ng onboarding at orientation ng mga merchant at driver-partner, ang livelihood center ay naglalaan din ng upskilling programs para sa mga Ka-Grab at Ka-Tropa.

Feedback Mechanisms

Mahalaga sa Grab at Move It na mapakinggan ang mga hinain at feedback ng mga Ka-Grab at Ka-Tropa, para makatulong sa lalong pagpapabuti ng inyong karanasan sa paggamit ng platform. Bukas ang aming pinto sa kahit ano mang hinain. Tuloy tuloy naming pakikinggan at sususportahan ang mga Ka-Grab at Ka-Tropa.

Ito ay isang weekly event na nakalaan para sa mga 2-wheel at 4-wheel driver-partners. Layunin nitong mapaigting ang aming kooperasyon sa mga Ka-Grab at Ka-Tropa at makakalap ng feedback ukol sa mga update at initiative na pinapatupad ng Grab.

Bukas ito para sa lahat ng Grab user, driver man o pasahero. Kung may gustong itanong o saloobin na kailangang pag-usapan, maaaring puntahan ang GrabSupport gamit ang app para maipaalam ang iyong concern.