Nagkaroon kami ng dialogue kasama ang LTFRB kahapon tungkol sa mga requirements at proseso para maging TNVS. Nagkaroon din kami ng chance itanong ang mga questions na aming nakuha galing sa inyo mga Ka-Grab.
- New Slots
- Temporary Authority Stamp (TAS)
- PA
- PAMI
- COC
- CPC Hearing
- CPC Dismissals
- LTFRB General Concerns
NEW SLOTS
1. Kailan muling magbubukas ng slots ang LTFRB?
May 5,000 new slots na bubuksan bago matapos ang buwan na ito (July). Antayin lamang ang announcement sa Brian Cu Official Page, o sa LTFRB Official Facebook Page.
2. Ano-ano ang mga requirements para makapag pasok ng bagong sasakyan?
Pareho pa rin naman ang requirements para sa bagong sasakyan pero base sa napag-usapan sa TNC dialogue kagabi, kasama na sa magiging initial requirements ng LTFRB upon application ang 1) proof of garage; 2) PAMI; at 3) bank certificate of conformity (COC) para sa mga new applications from April to July 2019 at PAMI naman para sa mga applications filed between 2018 until March 2019. Kung dati required na isubmit ang mga ito sa hearing, ngayon, upon application, dapat masubmit na rin ito.
Abangan ang further guidelines ng LTFRB tungkol dito.
Link: https://www.grab.com/ph/tnvs/tnvs-requirements/
Temporary Authority Stamp (TAS)
1. Pagkatapos ba ng aking appointment ay pwede na akong mag-drive?
Simula July 16, pwede nang magpa-STAMP ng 90 days sa LTFRB para bumiyahe. Yung stamp o Temporary Authority Stamp/TAS ay magsisilbing pansamantalang PA o interim PA. Pag ikaw ay nakapagpa-stamp na ay maaari ka nang mag-onboard at bumiyahe sa GRAB.
2. Bakit kailangan ng temporary stamp kung nag renew naman kami?
Ang pag stamp ng LTFRB na tinatawag nilang interim PA or temporary authority ay para makatulong sa applicants na makabiyahe habang inaantay na makumpleto ang lahat ng documents para sa hearing. Ayon sa LTFRB, may additional manpower sila na in charge para dito.
PA
1. Bakit kailangan kaagad mag renew 30 days bago ma-expire ang PA?
Simula July 16, 90 days na ang validity ng PA para sa mga first time applicants. 30 days naman para sa mga kukuha ng extension ng kanilang PA. Kung dati ay mayroong formal document na binibigay, ngayon TEMPORARY AUTHORITY STAMP na lang ang iyong kailangan.
PAMI
1. Bakit kailangan pa ng PAMI kung may comprehensive insurance na?
Ang PAMI ay insurance para sa mga PASAHERO. Ang comprehensive insurance naman ay para sa inyong mga sasakyan. Lahat ng klase ng public transport ay kinakailangan talaga na may PAMI – maging taxi, bus o jeep. Patakaran ito ng gobyerno para sa proteksyon ng pasahero.
COC
1. Para saan ba ang Bank Conformity?
Simula 2017, ang mga TNVS ay itinakda na bilang isang “Common Carrier” o isang form ng Public Utility Vehicle. Dahil dito, ang mga requirements ng isang PUV ay nag-aapply na rin sa TNVS. Kasama dito ang COC bilang pruweba na sang ayon ang bangko na gamitin ang sasakyan bilang public transport vehicle.
NOTE: Kung ang sasakyan mo naman ay fully-paid na, hindi mo na kailangang kumuha ng Bank CoC.
2. Paano makakuha ng Bank COC (Certificate of Conformity)?
Para sa mga Grab partners, ito ang guide para makuha mo ang iyong COC mula sa mga sumusunod na bangko/ financing institutions:
- TFSPH (Toyota Financial)
- Eastwest Bank
- BDO
Para sa ibang mga bangko o financing institutions na wala sa listahan, patuloy na nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan ang Grab para makapag-issue ng Bank Certificate of Conformity (COC) sa inyong mga Grab driver-partners.
Para mag-request ng COC, go to: grb.to/tnvscoc
3. Ano ang maitutulong ng Grab at LTFRB para sa pag-proseso ng Bank Conformity?
Nagsimula na ang ating TNVS Caravan noong July 15. Layunin nito na makapagbigay ng legal assistance sa mga:
- Na-dismiss
- Hirap sa pag proseso ng CPC
- Hindi maapprove ang COC. Nandito kami upang tulungan kayong kumuha ng COC na may mababang fees mula sa Eastwest, TFS at BDO. Tuloy-tuloy lang ang pakikipag-ugnayan namin sa mga bangko para makakuha ng negotiated payments at para mapadali na rin ang proseso.
CPC Hearing
1. Paano manonotify ang mga operators tungkol sa schedule ng kanilang hearing?
Ipapadala ng LTFRB ang mga notice of hearings, reschedules, at dismissal sa mga TNC para matulungan na ma-inform ang mga operators. In addition, lalabas na sa website ang mga notices na ito para mas madaling makita.
2. Paano ihanda ang mga dokumentong kailangang ipakita sa hearing officer?
A: Tiyakin na may photocopy ka ng lahat ng iyong mga dokumento. Maghanda ng 2 folder. Ang isa ay naglalaman ng original copies ng iyong mga dokumento habang ang isang folder naman ay naglalaman ng mga photocopies. Kukunin ng hearing officer ang iyong mga dokumento para sa mga sumusunod:
- Formal Offer of Evidence
- 5R photograph of unit
- Notarized documents
Tandaan: Tiyakin na sunod-sunod ang iyong mga dokumento ayon sa Formal Offer of Evidence (FOE link) bago ito ipakita sa hearing officer.
3. Kailangan ko pa bang pumunta sa aking hearing kahit hindi ko pa nakukumpleto ang aking mga dokumento?
A: Oo, importanteng pumunta lalo na sa iyong initial hearing date para alamin ang reset date ng iyong CPC hearing.
Tandaan: Maaari lamang mareset ang iyong hearing ng 2 beses. I-didismiss ang iyong application kung ikaw ay hindi pumunta/pumasa pagkatapos ng 3 hearing dates.
4. Kailangan ko ba ng lawyer sa aking CPC Hearing?
A: Hindi na kailangan ng lawyer as long as kumpleto naman ang iyong mga dokumentong dala at kaya mo ito I-present sa hearing officer ng maayos.
5. Makakatanggap ba ako ng received copy pag nasubmit ko na lahat ng dokumento ko?
A: Walang binibigay ang LTFRB. Ikaw ay I-aadvise na intayin ang iyong CPC via direct mail.
6. Habang inaantay ang release ng aking CPC, ano ang maaari kong gawin para tuloy-tuloy na makabiyahe.
A: Patuloy na i-paextend ang iyong PA habang nagiintay ng CPC. Importanteng updated ang iyong PA para hindi kayo i-tratong collorum
Para sa iyong initial hearing date, siguraduhing updated ang mga sumusunod na dokumento:
- Proof of Bank Deposit in the amount of 50k/unit
- Proof of Publication – 5 days bago ang iyong hearing
- Certificate of Good Standing
- Passenger Insurance Policy
- NBI Clearance (for driver)
- Police Clearance (for driver)
Note: Hindi niyo na kailangang i-renew ang mga ito sa pangalawa o pangatlong hearing.
CPC and DISMISSALS
1. Pwede pa bang mag-file ng motion for consideration ang mga na-dismiss na?
Mayroong dalawang klase ng dismissal:
Dismissed na ngunit hindi pa napapadalhan ng final notice of dismissal
- Maaari ka pa ring mag-extend ng PA o magpa-stamp at magtuloy lang sa biyahe.
Dismissed na at napadalhan na rin ng notice of dismissal.
- Pwede ka nang mag-file ng motion for reconsideration of the dismissal within the period na nakalagay sa Notice of Dismissal. We’re still clarifying with LTFRB kung papaano ang magiging proseso dito.
Additionally, siguraduhin na mag attend kayo ng scheduled hearings kahit hindi pa kumpleto and documents para makatanggap kayo ng proper notice kung kailan mare-reschedule ang hearing niyo.
2. Ano naman ang maitutulong ng Grab sa CPC status namin?
Marami ay 2017 pa nag-file pero “Under Evaluation” pa rin ang status hanggang ngayon. May legal assistance rin kaming ibinibigay para sa mga may CPC na “Under Evaluation” pa rin ang status.
3. Paano naman kaming may CPC na?
Pwede ba ma-extend ang validity ng CPC? or renewal na hindi na kailangan mag pasa ulit ng requirements? Ang CPC ay valid for 2 years. Once na natapos mo na ito ay maaari mo naman itong ipa-extend.
4. Bakit ang tagal ng releasing ng CPC?
Sa ngayon ay marami pa ring backlogs ang LTFRB sa processing ng CPC at dismissal ng cases. Nangako naman sila na maaayos ito on the next 60-90 days.
5. Bakit matagal irelease ng dismissal order?
May mga backlogs ang LTFRB na inaayos na nila ngayon. Maaayos ito within the next 60-90 days.
LTFRB
1. Ano ang maaaring gawin ng LTFRB para mas mapadali ang pag-comply sa mga requirements at masunod ng maayos ang kanilang proseso?
Inopen na ito sa nakaraang TNVS dialogue noong July 16. Maglalabas ng clarification sa mga katanungan ang LTFRB
2. Naapprove early 2018 ang mga hatchbacks at na extend up to 3 more years. Bakit bigla itong binawi without any letter of memo?
Ang mga hatchbacks na kasama sa masterlist ay maaaring bumiyahe hanggang 2021. Pagkatapos nito ay irerequire na silang mag drop and substitute. Ang hindi lang tatanggapin ay ang mga new applicants na ang sasakyan ay hatchback.
Makikipag-ugnayan ang Grab sa DOTR para makagawa ng isang programa para sa mga ito.