Ang pinaka-comperehensive na step-by-step guide sa pagkuha ng CPC.
Ayon sa LTFRB, lahat ng sasakyan na bumibiyahe sa Grab ay kailangang kumuha ng CPC (Certificate of Public Convenience).
Sino ang dapat na mag-apply? driver ba? vehicle owner ba?
Ang TNVS APPLICANT ay ang VEHICLE OWNER (whose name appears in the ORCR of the vehicle). Ibig sabihin nito, lahat ng detalye at requirements sa ibaba ay dapat nakapangalan sa vehicle owner.
Handa ka na ba? Ayusin na natin ang CPC na yan!
Updated as of Nov. 23, 2020. May be subject to change based on LTFRB instructions.
Pumunta sa http://ltfrb.ph.net/tnvs para kumuha ng Appointment Date.
Kunsakaling magkaroon ng error habang nagre-register sa LTFRB website (ex. cannot register, website not working or not responding, etc.), maaaring kumontak sa LTFRB directly.
Operator Information: | Vehicle Information: |
|
|
II. Vehicle Requirements for New TNVS Application
Ayon sa LTFRB, vehicle year cannot be older than 3 yrs (2015 or older not accepted anymore).
Ang Vehicle models ay dapat 4-door sedans, MPV, AUV, and SUVs.
Ang Hatchback ay not accepted.
III. Saan makikita ang Engine number at ang iyong Chassis number?
Nasa CR (Certificate of Registration) ito ng sasakyan mo. Tingnan ang picture sa baba:
May confirmation code na ipapadala sa iyong email address.
I-check ang iyong email para sa Registration Validation Code mula sa LTFRB.
Ilagay ang Validation Code sa LTFRB website.
Kung successful ang pagkuha ng schedule, may email notification na ipapdala ang LTFRB tulad ng nito:
I-print ang sumusunod mula sa email:
I-notarize ang 4 copies ng Application Form at dalhin lahat ito sa iyong Appointment Date.
Source: LTFRB Facebook Page
Filing Fee (first 2 units) |
PHP 510 |
Additional unit (3rd unit) |
PHP 70 |
LRF |
PhP 10 |
Inspection Fee |
PHP 50 |
PA Fee |
PhP 250 |
Lahat ng requirements at Application Form ay kailangan ilagay sa LONG ORANGE FOLDER
Matapos mag-file ng Application Form with Case Number sa LTFRB, kailangang bumalik sa LTFRB sa loob ng 30 working days para sa release ng PA.
Dito mo din malaman ang iyong hearing schedule.
May mga requirements na kelangan ihanda at dalhin sa pagkuha ng iyong PA.
Kung lumagpas ang 90 days at hindi ka nakakuha ng PA extension,mag-submit ng Motion for Extension sa LTFRB.
Kung dismissed na ang iyong case number, kelangan munang kumuha ng panibagong Notice of Hearing bago mag-request ng extension of PA.
QUARANTINE UPDATE: ONLINE PA RENEWAL
Habang nasa Community Quarantine ang Metro Manila, maaaring i-submit ang request for PA Renewal via email. Sundan lang ang step-by-step process sa link na ito: https://www.grab.com/ph/blog/how-to-renew-pa-via-online-filing/
Kailangan maghanda ng TNVS Applicant ng Formal Offer of Evidence (download FOE here) kung saan nakapaloob lahat ng requirements ng LTFRB bago ang scheduled CPC hearing.
PAALALA: Huwag kalimutan i-scan lahat ng documents at i-save sa Compact Disk (CD). Click to view sample supporting documents.
May be subject to change based on LTFRB instruction.
Kinakailangan umattend ng TNVS Applicant (Vehicle Owner) sa CPC hearing at ipresenta ang mga original copies ng mga dokumento at requirements. Kung hindi available ang vehicle owner, maaaring magpadala ng representative na next of kin – direct descendant, spouse, o ascendant (magulang, asawa, o anak) ng vehicle owner basta may kaukulang SPA.
QUARANTINE UPDATE: ONLINE HEARING
Ayon sa Memorandum Circular 2020-069, habang nasa Community Quarantine ang Metro Manila, lahat ng hearing schedules ay gagawin via virtual/online session
Alinsunod sa Memorandum Circular 2020-069, sundin ang mga bagong requirements para sa online/virtual hearing sessions.
Alinsunod sa guidelines ng LTFRB, lahat ng TNVS Applicants ay kailangan mag-submit sumusunod na contact details para makakuha ng hearing schedule at iba pang updates mula sa LTFRB. :
Maaaring i-submit ng Grab ang iyong contact details sa LTFRB hanggang December 4, 2020. Kung nais ipa-submit ang inyong contact details, siguraduhing i-update ang pumunta sa grb.to/ltfrbtracker
MAHALANGANG PAALALA: Kung hindi makapag-submit ng updated contact details sa Grab, hindi ka makakastanggap ng kahit na anong correspondence ukol sa hearing schedules, hearing links and TNVS updates na maaaring magresulta sa pagka-dismissed ng iyong TNVS application
Kung naka-attend na ng hearing session bago mag ECQ:
Kung na-reset ang hearing mo due to incomplete documents, kailangan i-submit muli lahat ng inyong documents niyo (photocopy only) sa designated dropbox sa Ground floor ng LTFRB. Siguraduhing sealed ito and labeled with the Applicant Name, Case Number and Type of Application. Pagkatapos i-submit, intayin ang resulta ng iyong submission mula sa LTFRB.
Kung HINDI pa naka-attend ng hearing session bago mag ECQ:
Maaari na rin magpa-represent sa 3rd party counsel, basta may kaukulang Notice of Entry of Appearance.
Kung hindi ka nakapunta sa iyong hearing date, DISMISSED WITHOUT PREJUDICE na ang application mo.
Kailangan mag-file ng Motion to Allow Reset of Hearing para makakuha ng bagong schedule.
Kung ikaw ay nakakuha ng ‘Dismissal Order’ pagkatapos ng tatlong (3) failed hearing dates, kailangan mong mag-file ng Motion for Reconsideration upang makakuha ng panibagong Notice of Hearing:
Dalhin ang mga sumusunod sa pag-file ng iyong Motion for Reconsideration:
MAHALAGANG PAALALA:
Sa mga dismissed cases, maaari ka lamang mag-extend ng iyong PA pagkatapos makakuha ng panibagong Notice of Hearing.
Mahalagang Information tungkol sa CPC mo:
- Simula 2018, ang CPC ay valid at renewable every 2 years.
- Pwedeng magamit ang iyong sasakyan sa TNVS for 7 years (from date of manufacture).
12/F Grab Office Wilcon
IT Hub,
2251 Chino Roces Ave.,
Makati City