Mga Ka-Grab, GCQ na ulit sa Metro Manila, Balik-Biyahe na ang GrabCar!
Sa muling pagsasailalim ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ), kasabay nito ang pag-resume ng TNVS operations simula August 19, 2020, 5AM to 10PM.
Ilang updates at reminders para sa ating pagbabalik-biyahe ngayong GCQ:
POLICY UPDATES
1. Balik-Biyahe na ang GrabCar 2-seater, GrabCar 4-seater at GrabTaxi
Basta activated na ang Grab account mo bago pa ang August 4, 2020 MECQ announcement, pwede ka nang bumiyahe ulit at tumanggap ng bookings! Para ito sa mga Ka-Grab natin na bahagi ng LTFRB-approved list (Batch 1-16) at kumpleto ang mga requirements.
- Paano kung nag 4W Delivery ka nitong MECQ?
Para sa mga Ka-Grab natin na nasa LTFRB approved list na pansamantalang nag 4W Delivery nitong nakaraang MECQ, ibabalik narin natin ang GrabCar service type mo bukas para makabiyahe na agad! Tatanggalin na ang GE Pabili at/o GE Rent sa iyong account.
- Paano kung bahagi ka ng LTFRB-approved list pero hindi pa activated dahil sa missing requirements?
Ka-Grab, kung interesado kang muling makabiyahe, may panahon ka pa upang kumpletuhin ang iyong mga missing requirements. Siguraduhin lamang na mai-submit ang mga ito on or before September 3, 2020.
Matapos ang September 3, 2020, magiging once a week (tuwing Friday) na lang ang activation natin sa halip na daily activations. Kaya hinihikayat namin kayo na kumpletuhin na ang lahat ng requirements para ma-activate agad.
Tandaan, 3 requirements lang naman mga Paps: 1) Online Safety Training, 2) Sanitation Kit, at 3) Plastic Barrier Installation
Tingnan ang buong reactivation process sa link na ito: GrabCar Reactivation Guide
NOTE: Kung kailangan mag-change ng operator pagkatapos ma-reactivate, i-request ito sa link na ito: Change Operator | Help Center
- Kumpleto na ng requirements pero hindi pa-active?
Report mo samin dito: https://grb.to/reportstatus
- Paano ang mga wala pa sa LTFRB List?
Tuloy-tuloy naman tayong nakikipag-ugnayan sa LTFRB. Hintay hintay lang tayo ng abiso mula sa kanila. Abangan ang listahan dito: LTFRB list of Taxis and TNVS
Meron din tayong mga pantawid na oportunidad para sa inyo. Tingnan ang ating mga programa sa Lingkod Ka-Grab sa ibaba (#6).
2. Bagong policy ng LTFRB: Face shield at face mask required na ngayon para sa drivers at passengers
Ayon sa MC 2020-033 ng LTFRB, required magsuot lahat ng drivers, operators, at passengers ng face shield at face mask sa loob ng PUV simula Aug. 15, 2020.
Anumang paglabag sa LTFRB regulation ay itinuturing na violation at haharap sa pagbayad ng fines o pag-cancel/pag-suspend ng CPC o PA ng iyong operator.
Siguraduhing mgasuot nito sa lahat ng oras bilang karagdagang proteksyon sa COVID-19. Mabuti nang sumunod tayo at maging ligtas, Paps!
May valid cancel option kung sakaling walang suot na face mask at face shield si passenger.
Gusto naming masiguro na safe ka sa bawat biyahe. Sakaling walang suot na face shield at face mask ang passenger, pwede itong valid cancel reason. Hanapin lang ang “Passenger not wearing face mask and face shield” sa mga cancellation option. Wag mag-alala, hindi maapektuhan ng pag-cancel na ito ang iyong Completion Rate.
May face mask si passenger pero walang face shield (o vice versa)?
Magalang na i-remind ang pasahero tungkol sa transport safety guideline na ito ng IATF. Para naman ito sa safety ng lahat.
SAFETY UPDATES
3. Patuloy ang ating #GrabProtect FREE COVID-19 Swab Testing
Para sa lahat ng driver-partners sa Metro Manila, tuloy pa rin ang ating FREE COVID-19 Swab Testing. Kung hindi pa nakakapag-schedule, mag-sign up na dito: Grab Swab Testing Scheduler
4. Safety first, Paps! Siguraduhing sumunod sa ating safety protocols para sa kaligtasan mo at ng ating platform
Required at mandatory parin ang sumusunod na protocol para ma-ensure ang safety mo at ng iyong pasahero sa bawat biyahe:
- Pag-submit ng daily Health Declaration form at Face Mask Selfie sa Grab Driver app
- Pag-sanitize ng iyong kotse sa accredited Grab sanitation hubs
- Pagbukas ng pintuan para sa pasahero sa pick-up at drop-off
- Pagsunod sa plastic barrier requirement kung saan nakalagay ang Signed Certificate of Completion at Passenger Guidelines
NOTE: Dahil sa bagong face shield requirement, may panibagong Passenger Guidelines na maari mong i-print out at ilagay sa iyong plastic barrier. Hindi naman required baguhin ang lumang Passenger Guidelines pero kung kaya, masmaganda. I-download ang Passenger guidelines dito: Passenger Guidelines
EARNINGS & DEDUCTION UPDATES
5. #TawidCovid: Ibabalik natin ang 10% commission fee sa susunod na dalawang linggo
‘Wag muna mag-alala sa standard commission fee! Ibabalik natin ang 10% SPECIAL commission fee mula August 19 to September 1. On top pa dito ang iba’t ibang perks at health benefits mula sa iyong Ka-Grab Rewards (KGR+) tier na pwede mong i-avail.
6. Loans Repayment Deductions, next week pa
Para sa mga active nating mga Ka-Grab at may existing loan sa GrabFinance, wag kayong mag-alala. Alam namin na magsisimula ulit tayong lahat ngayong GCQ. Gusto muna namin kayong makabawi kaya may palugit muna tayo. Sa susunod na linggo pa magsisimula ang deduction ng repayment.
SUPPORT UPDATES
7. Patuloy din ang iba’t-iba nating Livelihood Programs sa Lingkod Ka-Grab
- Online Job Fair: May iba pa tayong pwedeng pagkakitaan na serbisyo sa Grab tulad ng GrabBayanihan at GrabRent
- Livelihood Opportunities: Virtual Assistant, Milk Tea Business, Concentrix Community Job Fair and BPO Career Webinar
- Watch out for our FB Live sessions: Paano maiiwasan ang Online Budol?, Paano magtipid at mag tabi ngayong panahon ng crisis?, atbp.
- Mag-sign up para sa livelihood at alternative opportunities dito: Ka-Grab Online Job Fair at Lingkod Ka-Grab Livelihood Programs
8. Nandito pa rin kami para sumuporta
Bukas na ulit ang ating mga Grab Driver Centre (GDC), para maserbisyohan kayo.
Paalala lang mga Paps ha, for safety purposes, hindi tayo tumatanggap ng walk-ins. Kung kinakailangang pumunta sa Grab Driver Centre, pwedeng magpa-schedule dito: Grab GDC Scheduler
Ito ang mga bukas na Grab Driver Centres:
- Central Hub (Greenfield, Mandaluyong: Mondays to Fridays, 9AM – 5PM)
- North hub (210 Tadeo St. Karuhatan Valenzuela City: Mondays to Fridays, 9AM-5PM)
- South Hub (Bacaro39, Aguirre Ave., Paranaque: Mondays to Fridays, 9AM – 5PM)
- Grab TNVS Help Center (Prima Building Unit 104 A & B, 404 Prima Building, 16 East Avenue Corner Magalang St., Pinyahan, Quezon City
Available pa rin ang Grab Help Centre at Live Chat sa inyong Grab Driver app. Kung gusto makausap ang isang Grab partner support, maaaring magpa-schedule ng online appointment sa Grab Virtual Driver Centre (na matatagpuan din sa Help Centre). For Safety at Emergency cases, available din 24/7 ang ating Grab Hotline sa Help Center.
Kung sama-sama tayo at magkakaisa tayo, kaya nating itawid ang COVID. #TawidCovid
Sa pagbalik- biyahe natin, iprioritize ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa. Kung sakaling hindi maganda ang pakiramdam, huwag piliting bumiyahe. Kung may sakit, iwasang lumabas. Kung bumibiyahe, magsuot ng face mask at face shield at ugaliing mag-sanitize ng sasakyan. Gawin natin ang ating munting parte para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Ingat sa biyahe, mga Ka-Grab!