GrabCar Reactivation Guide

Sa pagpasok natin sa New Normal at sa pandemic pinakamahalaga ang kalusugan at kaligtasan ng lahat.

Ayon sa IATF guidelines, maaari nang bumiyahe ang mga TNVS ngayong  GCQ. Unti-unting pinapabalik biyahe ng LTFRB ang mga PUV at TNVS sa limitado at kontroladong kapasidad para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. 

Naglalabas ang LTFRB ng listahan ng mga pwedeng nang magbalik-biyahe sa GrabCar. Patuloy ang pakikipag-ugnayan natin LTFRB para masmarami pa ang pwedeng bumiyahe ulit.

Ikaw man ay nagbalik-biyahe na, kasalukuyang bumabiyahe o magbabalik-biyahe pa lang, huwag na mag-alinlangan nandito kami para i-guide kayo sa proseso. 

Big 4 Requirements

Para sa mga sasakyan na nasa LTFRB List, Big 4 requirements lang ang kailangan para ma-reactivate:

Requirement 1. Full KYC

Para manatiling secured ang Grab Driver App at magamit mo ang iba’t ibang features nito, required na mag-KYC ang lahat ng ating driver-partners.

STEP 1.1. Mag- KYC. I-fillup lang ang hinihinging information sa KYC form
STEP 1.2. Mag-ugrade ng Cash Wallet. Matapos magsumbit ng KYC, hintayin lang ang Upgrade button sa loob ng Cash Wallet within 48 hours.

REQUIREMENT 2. Attend Online Safety training

Hindi na kailangan maghintay ng SMS para sa schedule ng iyong online Safety Training. May available training sessions ang pwede mong attendan mula Monday to Friday:

REQUIREMENT 3.1 Pick-up Safety Kit in Grab Driver Hubs

Ayon sa DOTR Guidelines at IATF health and safety protocols ngayong Community Quarantine, required ang mga PUV (kasama na dito ang TNVS) na magkaron ng plastic barrier sa sasakyan at mag-sanitize ng sasakyan pagkatapos ng bawat biyahe.

‘Wag mag-alala, tutulungan ka namin mag-comply para pag-biyahe na lang ang iisipin mo.

Pwedeng kumuha sa Grab ng Safety Kit na may plastic barrier at disinfectant kit sa ating Grab Driver Hubs. Dahil nakakuha kami ng partners para pababain ang presyo ng safety kit, installment pa ang bayad!

Magpa-schedule lang ng pick-up sa ating Grab Driver Hubs sa link na ito:

REQUIREMENT 3.2 Disinfectant Refill (monthly) Automatic Delivery

Pinadali na rin ang pagkuha ng sanitation kit refill. Simula November 24, 2020, automatic na ang delivery buwan-buwan. Hindi na kailangan mag-order sa GrabMart dahil automatic na rin made-deliver ito sayo buwan-buwan.

Iupdate lang ang iyong delivery address sa order form link sa ibaba.

Paalala: walang kailangan bayaran sa delivery dahil kasama na ito sa inyong monthly sanitary kit deductions.

REQUIREMENT 4. Submit proof of Plastic Barrier Installation

Pagkakuha ng safety kit, i-install ang plastic barrier at siguraduhing i-submit mo sa amin ang picture sa link na ito:

GRABCAR REACTIVATION PROCESS

Tignan dito ang pina-simpleng step-by-step process kung paano muling ma-reactivate sa Grab.

Sino ba ang mga eligible na bumiyahe ulit sa GrabCar ngayong GCQ?

  • Nakakumpleto ng reboarding requirements (see below)
  • Hindi above 65 years old ang edad
    Nakapasa sa online training (more on this later!)
  • Nakakuha ng sanitation kits at nakapag-install na ng barrier
  • Higit sa lahat, nasa listahan ng LTFRB. Para malaman kung ikaw ay nasa listahan, i-check sa LTFRB website.

Kung nasa listahan ng LTFRB

Kung nakita mo ang iyong pangalan sa LTFRB list, pwede ka nang dumeretso sa step 2 para mag-attend ng online safety training. Bumalik sa taas para malaman ang available training sessions na pwede mong attend-an.

Kung wala pa sa listahan ng LTFRB

Kung nakapagpasa na ng LTO Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR)
Complete vehicle details (Chassis Number, Motor Number, Owner Name), Latest Passengers Insurance (PAMI/SCCI), at LTFRB Case Number  , hindi na kailangan mag-submit muli dahil ipinadala na namin ito sa LTFRB. Maghintay lang ng listahan na ipino-post ng LTFRB.

Pwede ring makita ang iyong document status sa ating GrabCar relaunch status checker:

Para manatiling secured ang Grab Driver App at magamit ang iba’t ibang features nito, required na mag-KYC ang lahat ng ating driver-partners.

STEP 1.  Mag- KYC. I-fillup lang ang hinihinging information sa KYC form
STEP 2. Mag-ugrade ng Cash Wallet. Matapos magsumbit ng KYC, hintayin lang ang Upgrade button sa loob ng Cash Wallet within 48 hours. I-upgrade ang cash wallet

Ka-Grab, remember! Para pabilisin ang process ng reactivation, pwede ka nang mag-attend sa ating DAILY ONLINE SAFETY TRAINING

Bumalik sa taas para malaman ang available training sessions na pwede mong attend-an from Monday to Friday.

Ipasa ang iyong exam upang magkaroon ng Grab Certificate of Completion na  ipapadala namin sa iyong Grab-registered e-mail. Kailangan itong isabit sa’yong sasakyan upang makita ng pasahero na seryoso tayo pagdating sa kaligtasan.

Para ma-check ang training schedule o confirmation ng iyong training, icheck ito sa

Paano kung naka-attend na ako ng training at naipasa ko ang exam pero ‘pending’ pa rin sa 4W relaunch status checker?

It takes 1-2 days bago magreflect ang actual status mo sa ating status checker. Don’t worry dahil may record naman kami ng iyong training. Hintayin lang mag-update ito.

Mga dapat tandaan para ma-access ang links:
  • I-access ang link ng napili mong schedule 10 minutes bago magsimula ang iyong training
  • Mag-join gamit ang iyong Grab registered email address at mobile number
  • Siguraduhing tama ang mga detalye at spelling na iyong ilalagay

Ni-require ng government ang mga TNVS na dapat laging may dalang sanitation kit sa biyahe.

Maaari ka nang mabigyan ng sanitation kits basta’t nasa listahan ka ng LTFRB, kumpleto mo ang iyong documents at meron ka nang Grab Certificate of Completion. Pwede ka rin mag-avail ng plastic barrier sa amin kung wala ka pa.

Paano makuha ang mandatory Safety Kit?

Pwedeng kumuha sa Grab ng Safety Kit na may plastic barrier at disinfectant kit sa ating Grab Driver Hubs.

Magpa-schedule lang ng pick-up sa ating Grab Driver Hubs sa link na ito: grb.to/gcashandsafetykitscheduler

NOTE: Para sa mga nabigyan ng kits ngunit naghihintay pa rin confirmation, huwag munang gamitin ito hangga’t hindi pa nagsisimula ng pag-biyahe.

Paano kung hindi ako maka-claim ng aking safety kit sa aking schedule?

Nag-aallow rin kami ng mga walk-ins na kukuha ng sanitation kits sa mga bukas na Grab Driver Centres. Tandaan na ire-release lang ang mga sanitation kits sa mga drivers na nakakumpleto na ng steps 1-3

Ano ba dapat ang laman ng ating sanitation kit?

Cloth mask at Disinfectant. Kasama itong ibibigay sa’yo bilang parte ng reboarding. Ang halaga ng buong kit ay P500.00 o kung may kasamang plastic barrier, P800.00.

Paano babayaran ang sanitation kit?

Hindi kailangan mag-cash out o bayaran agad ang safety kit sa pag-claim. Para makabawi ka muna, gagawin nating installment.

Ang monthly sanitation kit installment ay ibabawas sa iyong wallet sa loob ng unang buwan pagka-claim ng safety kit.

Siguraduhin na tama ang iyong address para automatic namin maideliver sa’yo ang refill kits. https://grb.to/updatedeliveryaddress

Para sa iba pang information tungkol sa sanitation kit installment fee at monthly delivery, pumunta sa blog.

Magkano ang babayaran sa Safety Kit?

Ang halaga ng buong kit ay PHP 800. Kung hindi kukunin ang plastic barrier, ang halaga ay PHP 500.

Dahil nakakuha tayo ng supplier at bumili tayo ng madamihan, napababa natin ang presyo ng cloth mask, disinfectant at plastic barrier.

Kaysa gumastos ng lagpas P1000 kung bibilhin ng hiwa-hiwalay, nakadiscount ka na, masmadali pa.

Kasabay ng pagkuha ng sanitation kits ay ang paglalagay ng sanitation barrier. Requirement ito ng gobyerno para sa mga bumabiyahe sa TNVS. Mahalaga rin ito para ma-proteksyunan ka sa iba’t ibang germs o virus na nasa iyong sasakyan.

Last few steps na lang! By this time, naibigay na namin sa’yo ang iyong sanitation kit (includes disinfectant at cloth mask). Updated na rin ito sa ating GC relaunch status checker.

Paano mag-install ng Plastic barrier?

Para sa GrabCar, pwede ang straight o L-type barrier dahil maximum na 2 pasahero lang ang allowed. Dapat ang pasahero ay nakasakay sa likuran at one-seat apart. Siguruhin rin na may proper ventilation sa likuran at hagip pa rin ng hangin ang iyong pasahero.

Panoorin sa ibaba kung paano ang tamang paglalagay ng plastic barrier

How to install plastic barrier?

Bakit ‘Pending’ pa rin ang status ng aking sanitation kit kahit nakuha ko na ito?

It takes 1-2 days bago magreflect ang actual status mo sa ating status checker. Antayin lang mag-update ito. Kung hindi pa rin updated o kulang ang nakuha, maaari itong i-report sa ating help centre via Live Chat.

Nakuha na ang sanitation kits? Good. Nailagay na rin ang plastic barrier? Nice! 

Tandaan na required ang tama at maayos na pagkaka-install ng plastic barrier bago ka payagang maka-biyahe. Mag-submit ng proof of installation na naikabit mo na ang iyong plastic barrier sa verification form:

Tingnan sa baba ang sample ng maayos na proof of installation:

Para ma-check kung verified na ang sanitation barrier, icheck lang ito sa GrabCar reactivation status checker:

Bakit ‘Pending’ ang status ko kahit nag-send na ako ng photo sa plastic barrier verification form?

Kung na-submit mo na ang photos sa form, maghintay na lamang ng update kung approved ang iyong sanitation barrier. Ni-rereview  namin isa-isa ang lahat ng mga photo submissions para masigurong nag-comply ito sa LTFRB mandate.

Bakit ‘Rejected’ ang status ng aking plastic barrier verification kahit nakapag-install na ako?

Maaaring rejected ang iyong status dahil mali ang pagkakalagay ng iyong barrier o kaya naman ay hindi malinaw ang photos na pinadala mo sa amin. Siguraduhin na sinunod mo ang tamang pag-install ng barrier . Tingnan ang tamang pag-install dito: How to install plastic barrier? bago mag-resubmit ng photos sa link na ito grb.to/gcplasticbarrier.

Kung nandito ka na, ibig sabihin ay nakumpleto mo na ang proseso ng iyong reactivation sa GrabCar. Basta’t kumpleto mo na ang steps 1 to 5 at nasa listahan ka na rin ng LTFRB, maaari ka nang bumiyahe ulit. Maghintay lang ng 1-2 weeks bago ma-activate.

Magsesend rin kami ng SMS at Inbox Message para i-notify ka na maaari ka nang bumiyahe!

Biyaheng New Normal

Activated ka na ulit, Ka-Grab? Congrats!

Pagbutihin natin at mag-cooperate tayo sa safety protocols para tuloy-tuloy ang ating biyahe.

Safety is our Priority. Labanan natin ang COVD-19!

Para masigurong safe ka at ang iyong pasahero. Ito ang ilan sa mga tips kung paano bumiyahe sa new normal:

Max 2 passengers

Maximum na 2 pasahero lang ang allowed na bumiyahe sa GrabCar. Pwede mong i-reject ang ride kung ang nagbook ay higit sa dalawang pasahero.

Magsuot ng Facemask at Faceshield

Ayon sa DOTR guidelines for PUVs, dapat laging nakasuot ng mask at faceshield sa lahat ng oras.

Magsagot ng Health Declaration sa Driver App

Para sure tayong lahat na safe ang ating platform, mandatory ang pagsagot ng Health Declaration araw-araw. Makikita mo ito magpop-up sa iyong app. Pwede rin itong sagutan via Discover Hub. Ang hindi pagsagot ay maaaring magresulta sa job restriction.

Cashless Payments muna tayo

Ayon din sa DOTR and IATF guidelines, kailangang iwasn ang madalas na contact sa driver at pasahero lalo na pagnagbabayad ng cash para maiwasan ang pagkalat ng virus. Kaya mandated ng IATF lahat ng PUV na Cashless payment muna. Cashless ang lahat ng rides kaya wala kang poproblemahin sa fare na ibibigay ng pasahero. Kung nais magbigay ng cash tip ang pasahero, ipaalala sa kanila na pwede rin silang mag-cashless tipping gamit ang kanilang Grab App.

Laging mag-sanitize in between bookings

Linisin ang loob ng iyong sasakyan in between every ride para sure na hindi pamahayan ng virus

Magbaon ng disinfectant at alcohol

Laging mag baon na disinfectant o alcohol sa iyong sasakyan.

Ano ang dapat laging dala?

Safety Protocols & Guidelines

Habang nasa Community Quarantine pa tayo, kelangan nating masiguro na safe ang bawat biyahe. I-review ang mga DOTR and IATF Safety Protocols & Guidelines for TNVS dito:

Paano basahin ang Reactivation Status Checker?

Para ma-activate sa GrabCar, siguruhin na approved ang LTFRB confirmation, completed ang training status, claimed ang kit claiming status, at approved ang sanitation barrier.

Ito ang mga status na posible mong makita sa ating GrabCar relaunch tracker:

Siguraduhin na tama ang ibinigay na vehicle information para tama ang nakalagay sa tracker.

  • Completed
  • No Record

Kung hindi pa nakakapag-training, tingnan sa taas ang schedule ng ating daily online safety training.

  • Claimed
  • No Record

Tingnan sa taas ang available hubs kung saan maaaring i-pickup ang iyong sanitation kit

  • Approved
  • No Submission
  • Pending
  • Rejected

Kung hindi pa approved, isubmit ang proof of installation sa grb.to/gcplasticbarrier

How to install plastic barrier?

  • Activated
  • Please complete requirements
NOTE:  Ang tracker na ito ay hindi nag-uupdate real time. Maghintay ng 48-72 hours para makita kung updated ang iyong status. Kung may concern sa nailabas na status ng tracker, pumunta lang sa ating Help Centre o gamitin ang Live Chat. Mas maganda kung  sisikapin natin na makumpleto ang proseso bago pa dumating ang listahan ng LTFRB  para GO na agad tayo for activation pag nandyan na ang approved list.

IV. FREQUENTLY ASKED QUESTIONS