100 ACED-BagoSphere BPO Fellowship Program Scholarships

Sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang mga funder, inilunsad ng GrabScholar ang ACED-BBF Program Scholarship upang suportahan ang mga komunidad na may limitadong oportunidad. Sa kolaborasyon ng BagoSphere, layunin ng scholarship na ito na magbigay ng mabilis na daan patungo sa full-time na trabaho at palawakin ang access sa kabuhayan.

 

Ang ACED-BagoSphere BPO Fellowship (BBF) Program mula sa Ateneo Center for Educational Development (ACED) at BagoSphere ay isang buwang intensive online training na may live coaching upang ihanda ang mga jobseeker para sa BPO recruitment interviews. Kasunod ng training, may isang buwang hands-on job placement support na kabilang ang face-to-face Job Mentoring Session at direktang on-site endorsement sa mga pangunahing BPO partners ng BagoSphere.

HOME

Program Features and Benefits

Pataasin ang iyong chance na makapasok sa BPO industry sa pamamagitan ng ACED–BagoSphere BPO Fellowship Program (BBF)! Ang BBF Program ay:

  • Hinahasa ang iyong skills at confidence para makapasa sa BPO recruitment at magtagumpay sa trabaho
  • Nagbibigay ng direktang on-site endorsement sa top BPOs pagkatapos ng 1-buwang intensive training
  • May tuluy-tuloy na suporta mula job placement hanggang sa unang araw ng trabaho
  • May higit 80% employment rate sa mga nagtapos sa programa
  • Accredited ng Ateneo de Manila University
  • Fully covered ng GrabScholar BPO Skills Training Scholarship ang lahat ng program fees.

Magkaroon ng libreng access sa Jobseekers Learning Hub – ang one-stop learning hub para sa mga jobseeker at professional. Dito, maaari kang kumonekta sa kapwa jobseekers at industry experts, at makakuha ng mga libreng learning resources para matutunan ang mga kasanayang hinahanap ng BPO companies at iba pang employer.

Sumali na at makuha ang mga sumusunod:

  • Regular at bite-sized na learning content
  • Exclusive live at recorded sessions kasama ang BPO professionals, leaders, at recruiters
  • Praktikal na tips at learning materials para sa BPO job applications katulad ng interviews, English communication, at iba pa!
  • Direktang network sa mga BPO partner recruiters ni BagoSphere

Makatatanggap ng email at SMS ang mga mapipiling applicants sa ating programa. Makikita rin ang kumpletong listahan sa GrabScholar page.

Alamin ang buong detalye ng programa at ang learning journey sa ACED-BagoSphere BPO Fellowship Program ngayon!

Program Qualifications and Criteria

Ang mga aplikante para sa ating programa ay DAPAT:

  • Filipino Citizen at nasa at least 18 years old ang edad.
  • At least nagtapos ng:
    • High school (old curriculum)
    • Senior high school (K-12)
    • Technical-Vocational (Tech-Voc) Course
    • College graduate
  • Kailangang pumasa sa selection process ng BagoSphere BPO Fellowship
  • Dapat kasali sa Jobseekers Learning Hub (PH) Facebook group
  • Buo ang commitment na tapusin ang 1-buwang BPO training program
  • May sariling laptop o smartphone, stable WiFi connection, at maayos na lugar para makapag-focus sa training.
  • Nakatira sa isa sa mga sumusunod na lugar:
    • NCR
    • CALABARZON
    • Bulacan

TANDAAN: Ang mga aplikante ay dapat handang dumalo sa mga face-to-face activities sa Ateneo Center for Educational Development (ADMU campus) sa Katipunan, at mag-apply sa mga BPO na nakabase sa Quezon City pagkatapos ng 1-buwang BPO training program.

Documentary Requirements

Who’s applying?*Birth certificateMarriage certificateCertificate of Legal GuardianshipAny valid government-issued ID
Grab/Move It driver or merchant partner✔️
Spouse of a Grab/Move It driver or merchant partner✔️✔️
Offspring/ward of a Grab/Move It driver or merchant partner✔️✔️
Sibling of a Grab/Move It driver or merchant partner✔️
1 for applicant; 1 for Grab/Move It driver or merchant partner
Nephew/niece of a Grab/Move It driver or merchant partner✔️
1 for applicant; 1 for applicant’s parent; 1 for Grab/Move It driver or merchant partner
General public✔️

Narito ang ilang halimbawa ng mga acceptable documentary requirements: Tingnan Dito.

TANDAAN: Ang mga required document ay kailangan lamang para sa mga nakapasa sa screening ng BagoSphere at bago ang contract signing ng ACED-BagoSphere BPO Fellowship.

Program Timelines

Patuloy pa rin ang classes at applications para sa Wave 3 ng BPO Skills Training! Mag-sign up na sa natitirang Wave 3 batches:

ACED-BBF Batch 42 [OPEN]

  • Application period: June 2 to July 25, 2025
  • 1-month intensive training: July 28 to August 26, 2025
  • Job Placement Support: August 27 to September 26, 2025

ACED-BBF Batch 43

  • Application period: July 28 to September 19, 2025
  • 1-month intensive training: September 22 to October 17, 2025
  • Job Placement Support: October 20 to November 21, 2025

Magsisimula ang Wave 4 ng BPO Skills Training sa September 2025 hanggang April 2026. Abangan ang pagbukas ng Wave 4 sa ACED-BBF Batch 44!

Paalala: Ang kamag-anak ng mga Ka-Grab/Ka-Tropa ang dapat mismong mag-apply o mag-submit ng form. Hindi maaaring i-submit ng driver o delivery-partner ang application para sa kanila.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

  • Hindi na. Ang fellowship program ay eksklusibo para sa mga jobseekers na nais magsimula ng career sa BPO industry na hindi na nag-aaral at kasalukuyang walang trabaho.
  • Ang mga qualified applicants ay makakatanggap ng email at SMS notification. Makikita rin ang kumpletong listahan ng mga napili sa GrabScholar page sa pagtatapos ng application period ng bawat batch.
  • Bukas lamang ang application para sa mga nasa mga tinukoy na lugar dahil dito matatagpuan ang mga partner BPO companies ng BagoSphere kung saan isinasagawa ang on-site activities at job placement.