Ka-Grab, dineklara muli ang MECQ sa Metro Manila at mga karatig-lugar simula August 4 – 18, 2020.
Bilang pagsunod sa IATF MECQ guidelines, pansamantala nating ihihinto ang Transport services – GrabCar, GrabTaxi, GrabTrike simula ngayon, August 3, 2020 10PM upang siguruhing ligtas ang iyong kalusugan sa kabila ng dumadaming covid-19 cases sa bansa.
Ano ang mga restricted ngayong balik na tayo sa MECQ?
Para patuloy ka pa rin naming pagsisilbihan during MECQ, maaaring puntahan ang ating available Ka-Grab support channels:
- COVID-19 Updates Help Centre
- Help Centre Live Chat
- Grab Driver Virtual Centre (GDVC)
- Ka-Grab hotline para sa emergency
- Grab Driver Communities
Patuloy ang pakikipag-ugnayan natin sa LTFRB, DOTr at DOH para mag-monitor ng health situation at humanap ng paraan upang masuportahan ang ating Grab Driver community.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Kailan kami mare-reactivate muli sa GrabTaxi?
Ang mga driver account na naka-register sa approved vehicle ng LTFRB ay ma-aactivate kapag bumalik na tayo sa GCQ.
Maaari pa rin ba kami mag-apply ng new driver and vehicle habang MECQ?
Maaari pa rin kayo mag-apply ng driver at vehicle sa https://register.grab.com/ph bilang preparation sa muling pagbabalik sa GCQ.
Maaari pa rin ba kami magpasa ng LTFRB requirements habang MECQ?
Oo, maaari pa rin kayo magpasa ng LTFRB requirements sa https://grb.to/gtrequirements upang preparation sa muling pagbabalik sa GCQ.
Maaari ko ba i-claim ang aking GCash? Saan?
Maaari mo pa rin ma-claim ang iyong GCash habang MECQ. Refer lamang sa iyong nareceive na SMS kung saan at anong oras maaaring mag-claim.
Maaari ko ba i-cashout ang laman ng driver cash wallet kahit MECQ?
Maaari pa rin i-cashout ang laman ng iyong driver cash wallet habang MECQ.