Muli na naman isinailalim ang Metro Manila at iba pang karatig-bayan (Cavite, Laguna, Bulacan, Rizal) sa ECQ ayon sa IATF Resolution 106-A.
Bagaman bumalik tayo sa ECQ, patuloy na makakabiyahe ang lahat ng public transport kasama na ang Grab sa Greater Manila Area. Tatagal ang ECQ lockdown mula March 29 hanggang April 4, 2021.
Nagkaroon rin ng paghihigpit sa mga health & safety protocols kaya asahan rin natin na magkakaroon ng pagbabago sa demand, lalo pa at kasabay nito ang holy week kung saan limitado ang paggalaw ng mga tao.
Sa ilalim ng ECQ:
- Mas pinaagang curfew ang i-implement. Magsisimula ito ng 6PM hanggang 5AM.
- Bawal lumabas ang mga edad 18 pababa at 65 years old pataas, buntis at may malubhang karamdaman maliban na lang kung kailan bumili ng essential goods
- Pwede pa ring mag-operate ang essential stores kagaya ng groceries, pharmacies, hardware at restaurants.
- Asahan din ang skeletal workforce o 50% working capacity ng mga establishments
Dahil kabilang ang public transport sa essential service, tuloy-tuloy pa rin ang ating operations 24/7 mga Paps!
Grab Driver Initiatives
- GrabProtect Safety Initiatives
- Alternative Earning Opportunities
- Kontra-tumal Programs
- Livelihood at Driver Engagement Initiatives
- Vaccine prioritization para sa mga senior citizens
- Tulong Para Sumulong Driver Relief
- Pause sa Sanitation Kit installment Fee Deduction
- Pause sa GrabFinance Loan deduction
- Map Your City Weekly Incentive
GrabProtect safety initiatives
Maglalagay tayo sa iyong sasakyan ng alcohol na pwedeng gamitin ng pasahero at free in-car signages para magsilbing paalala tungkol sa ating health & safety guidelines.
Sa pamamagitan nito, mas mapapanatag ang ating mga pasaherong mag-book. Automatic delivery na to, paps! Abangan sa mga susunod na araw.
Pwede na ulit magpa-sanitize ng sasakyan sa mga sanitation hubs
Muli natin binuhay ang mga sanitation hubs para siguradong sanitized ang iyong sasakyan. Hindi man ito mandatory, hinihikayat namin kayo na magpa-sanitize para na-momonitor rin namin ang iyong health at safety. Abangan ang mga susunod na announcement para sa detalye.
COVID Assistance
Kung sakaling kailangan ng assistance na related sa Covid-19, i-report sa amin para agad nating matugunan.
Alternative Earning Opportunities
Meron tayong available na 5000 slots para sa mga Grab drivers na nais maging 4W delivery o 2W delivery drivers!
Maging 2W Delivery Rider
Para sa mga Ka-Grab na may sariling motor at nais maging delivery rider muna, meron ring available na programa para sa’yo.
Para sa mga interesado, tingnan ang ang mga 2Ws Delivery Requirements
PAALALA: Ang mga magsa-signup bilang 2W riders na motor ang gamit ay matatanggalan muna ng GrabCar service type.
Maging 4W Delivery Driver
Magdeliver gamit ang kotse mo!
Alam natin ang sitwasyon ngayon ng GrabCar, kaya para makatulong pandagdag kita, may pagkakataon kang lumipat sa GrabExpress Pabili, GrabExpress MPV at GrabMart service types.
Tandaan: Ang pag-select sa “Lumipat sa 4W Deliveries (GrabExpress, GrabMart) gamit parin ang kotse ko” sa signup form ay nangangahulugan na alam mo at payag ka na matatanggalan muna ang iyong account ng GrabCar service type.
First come first serve at limited slots ito, Ka-Grab. Mag sign-up sa Ka-Grab Online Fair.
‘Wag mag-alala, maaaring ibalik ang GrabCar service type sa iyong account kapag naging mas okay na ang sitwasyon.
Kung mas maayos na ang sitwasyon, as early as April 19, maaari ka nang mag-request na bumalik sa GrabCar.
Kontra-tumal programs
Pwede na muli tumanggap ng bookings sa NAIA!
Simula March 29, Monday, 10 AM, pwede ka na uling makatanggap ng pick up at drop-off bookings sa NAIA airport.
I-practice pa rin ang ating health & safety protocols, ha! Kung sakaling harangin sa checkpoint, ipakita ang memorandum na nagsasabing pwede ka nang maghatid-sundo sa airport.
Passenger Promos at Discounts
Tuluy-tuloy ang ating mga weekend, payday at holiday promos para makakuha ng demand.
Livelihood Programs at Ka-Grab Engagement Activities
Bukod sa pagda-drive sa Grab, nais namin na meron rin kayong ibang pagkaabalahan at pagkakitaan. Naghanda tayo ng Lingkod Ka-Grab sessions na maaari niyong attend-an on March 30, 2021:
- Matutong mag-business kasama si Benj Manalo ng Caf’eatte, Seven Long Table, at Lovely Cosmetics
- Mag-resell ng Frank ‘n Chuts sausages
- Maging wholesale distributor ng Posh motorcycle parts at products
- Matuto ng financial planning o maging financial advisor
Kung interesadong malaman ang mga ito, mag-signup sa webinars
Vaccine prioritization para sa mga senior citizens
Paps, nagsisimula na ang ilang LGUs na magbakuna laban sa Covid-19 at bibigyan ng prayoridad ang mga senior citizens at may mga karamdaman.
Suportado ng Grab ang FREE vaccination drives na ito nang LGUs kaya naman nandito kami para bigyan ka ng guide:
Sino ang mga nasa priority list ng babakunahan? Sa kasalukuyan, priority na mabakunahan ang A2: Senior Citizens (60 years old and above) at A3: Persons with Controlled Comorbidities (18 – 59 years old). Kaya Paps, kung pasok ka sa criteria na ito, wag nang mag-atubiling magpa-bakuna.
Kung hindi ka pa nabakunahan, mag-register na sa inyo-inyong LGUs
Para sa mga Ka-Grab seniors o persons w/ comorbidities na nais magparehistro sa inyong LGUs, piliin ang inyong city o municipality at mag-register sa nararapat na links.
Gustong magpabakuha pero nalilito sa proseso ng LGUs? Magpatulong sa ating GDCs
That’s right, Paps! Kung nalilito sa registration process, bukas ang ating GDCs para i-assist ka na magparehistro sa iyong barangay o municipality.
Paalala lang, ah! Pumunta sa piniling oras at sundin ang health & safety protocols pagpunta sa GDCs.
Dalhin rin ang mga sumusunod na documents:
- Valid Gov’t ID
- PhilHealth ID (kung meron)
- Senior Citizen ID (kung senior)
- Kung person with commorbidities naman, alinman sa mga sumusunod:
- Medical certificate sa loob ng 18 months
- Prescription meds for the past 6 months
- Hospital records
- Surgical records/pathology report
Nabakuhanan ka na ba? Ipaalam sa amin!
Ipaalam sa amin kung nakatanggap ka na ng first o second dose ng vaccine para malaman namin ang status ng kalusugan mo.
Tulong Para Sumulong Driver Relief
Dahil bahagi ka ng ating #OneGrab community, nais namin na mag-abot ng tulong sa ibang paraan. Mamamahagi tayo ng P400 grocery vouchers simula next week na magagamit mo bilang pambili ng grocery o kailangang gamit sa bahay.
Abangan ang voucher codes sa iyong grab registered mobile numbers.
Note: Gusto man namin mabigyan lahat, uunahin muna natin ang mga active na GrabCar drivers sa platform.
Pause sa Sanitation Kit installment fee deduction
- Para hindi muna mabawasan ang iyong kita, hindi muna magde-deduct para sa sanitation kit ngayong March. Magre-resume ito sa April 15.
- Pero para GrabProtektado ka at ang iyong pasahero sa biyahe, tuluy-tuloy lang ang pagdidistribute natin ng sanitation kits, in-car signages at alcohol. Para malaman kung paano ang tamang paglalagay ng in-car signage para sa acrylic barrier, watch the GrabAcademy video.
GrabFinance loan pause on deduction sa 4W drivers
Upang matulungan ka muna sa iyong kita, ihihinto natin for two weeks ang deduction ng Grab Loans simula April 1, 2021 at magbabalik itong muli on April 15, 2021.
Paalala: Mahihinto lang ang loan deduction sa mga drivers na updated ang payment at less than 14 days lang ang overdue balance.
Para sa mga more than 14 days na ang overdue at hindi makakasama sa loan deduction pause, meron tayong alternative payment plan program para mabayaran ang iyong overdue balance. Makipag-ugnayan lang Grab Finance Collections Team at 8424 8080 or via our Help Center.
Patuloy pa rin Shell Fuel Card Loan* para sa iyong fuel expenses
Itutuloy natin ang Shell Fuel card loan para matulungan ka sa iyong fuel expenses. 0% interest rate pa rin ito at daily ang deduction para hindi mabigat sa bulsa.
*sa selected drivers na nag-avail ng Shell fuel loan
Extra P1k to 5k na kita weekly sa Map Your City
Mag-add lang ng kumpletong detalye ng pins sa Map Your City Widget sa pagkakataon na kumita ng extra weekly.
In-upgrade rin natin ang widget para mas madalian ka sa pag-add ng pins:
- Show missing places – para malaman mo ang pins na wala pa sa mapa
- Show nearby places at check duplicate pins – para ma-check naman ang mga pins na nasa mapa na para hindi mo na ulit ito i-submit
Para mag-add ng pins, panoorin ang GrabAcademy video