GrabExpress Service Types
✅ Ang original at nauna! One-stop pick up, one-stop drop off.
✅ May base fare at gems kada booking!
- Pick-Up: One (1) only
- Drop-Off: One (1) only
- Kailangan ng Working Capital? Hindi
- Communication is key. Laging kausapin via call o GrabChat ang parehong sender at recipient ng package para klaro ang aumang detalye ng delivery.
- For Cash bookings. Ugaliing kolektahin mula sa sender ang fare payment at huwag na hintayin na ikaw ang sabihan. Magkolekta lamang sa receiver kung sinabi ni sender na sa receiver ang bayad. Ito ay para rin hindi madoble ang charge.
- For Cashless (GrabPay) bookings. Wala kang sisingilin mula sa sender o recipient. Matatanggap mo ang payment sa iyong Credit Wallet pagkatapos ng booking.
Paano kung No-Show ang consumer?
1. I-contact ang Recipient ng at least 3x.
2. Kung hindi ma-contact, tawagan ang Sender para siya ang mag-contact sa Recipient.
3. Kung hindi rin ma-contact ang Sender, i-contact ang Grab admin para sila ang mag-cancel ng booking.
HUWAG MAG_ALALA. Ito ay itinuturing na VALID CANCEL at hindi ito makakaapekto sa iyong Driver Cancel Rate. Matatanggap mo parin ang fare payment sa iyong Cash Wallet within 2-3 days.
Siguraduhin lang na ibalik ang order item sa Grab office ASAP.
✅ Mas malapit na one-stop pick up, one-stop drop off.
✅ Kapag naka-toggle ON, maaaring makatanggap ng short distance bookings lamang (0 to <5 KM).
✅ May base fare at gems kada booking!
- Pick-Up: One (1) only
- Drop-Off: One (1) only
- Kailangan ng Working Capital? Hindi
- Communication is key. Laging kausapin via call o GrabChat ang parehong sender at recipient ng package para klaro ang aumang detalye ng delivery.
- For Cash bookings. Ugaliing kolektahin mula sa sender ang fare payment at huwag na hintayin na ikaw ang sabihan. Magkolekta lamang sa receiver kung sinabi ni sender na sa receiver ang bayad. Ito ay para rin hindi madoble ang charge.
- For Cashless (GrabPay) bookings. Wala kang sisingilin mula sa sender o recipient. Matatanggap mo ang payment sa iyong Credit Wallet pagkatapos ng booking.
Paano kung No-Show ang consumer?
1. I-contact ang Recipient ng at least 3x.
2. Kung hindi ma-contact, tawagan ang Sender para siya ang mag-contact sa Recipient.
3. Kung hindi rin ma-contact ang Sender, i-contact ang Grab admin para sila ang mag-cancel ng booking.
HUWAG MAG-ALALA. Ito ay itinuturing na VALID CANCEL at hindi ito makakaapekto sa iyong Driver Cancel Rate. Matatanggap mo parin ang fare payment sa iyong Cash Wallet within 2-3 days.
Siguraduhin lang na ibalik ang order item sa Grab office ASAP.
✅ Isang pick-up, at multiple o maraming drop-offs. Bawat drop-0ff, may gems!
✅ O diba, sulit? Iisa lang ang pagkukunan ng order item, at drop-off nalang ang aatupagin.
- Pick-Up: One (1) only
- Drop-Off: Minimum of two (2), maximum of (7) per booking/consumer
- Kailangan ng Working Capital? Hindi
Importanteng Reminder:
- Sundin ang pagkasunod-sunod ng drop-offs na nakalagay sa app.
- Hindi pwede mag-skip o unahin ang drop-off na iyong gusto. Huwag mag-alala dahil iaayos ng system ang drop-offs base sa pinakamalapit mula sa iyo.
Paano kung No-Show ang consumer?
1. I-contact ang Recipient ng at least 3x.
2. Kung hindi ma-contact, tawagan ang Sender para siya ang mag-contact sa Recipient.
3. Kung hindi rin ma-contact ang Sender, i-contact ang Grab admin para sila ang mag-cancel ng booking.
HUWAG MAG_ALALA. Ito ay itinuturing na VALID CANCEL at hindi ito makakaapekto sa iyong Driver Cancel Rate. Matatanggap mo parin ang fare payment sa iyong Cash Wallet within 2-3 days.
Siguraduhin lang na ibalik ang order item sa Grab office ASAP.
Sample Job Card:
✅ Pabili service na in-demand sa mga consumers!
✅ Mas malaki ang gems sa Pabili bookings kumpara sa ibang Service Types
✅ Alam mo ba? Ang average na oras na nakukumpleto ang isang Pabili booking ay malapit lang sa oras ng isang Instant Bike na booking.
- Pick-Up: One (1) only
- Drop-Off: One (1) only
- Kailangan ng Working Capital? Oo
- Minimum Working Capital Requirement: PHP 2,000
Paano ito gumagana?
- Gagawa ng booking ang consumer via GrabExpress Pabili/GrabAssistant. Ilalagay ng consumer ang kanyang ipapabali sa Notes section.
- Karaniwang ang Sender at Recipient ay pareho ang nakalagay na pangalan dahil ang recipient ang nagpapabili mula sa store.
- Makikita sa Notes section ang suggested na working capital na kailangang dalhin bilang pangbili. TANDAAN: Hindi lalagpas ang order sa PHP 2,000 kaya laging magdala ng at least 2k.
- I-accept ang booking.
- Pumunta sa pick-up point para bilhin ang item. Abonohan ang item gamit ang iyong Working Capital.
- Pumunta sa drop-off point para i-deliver ang order. Ibigay ito sa consumer at kolektahin ang order value.
- Kung Cash ang booking, kokolektahin mo ang order value at ang delivery fee. I-base ang order value sa resibo at ang delivery fee sa nakalagay sa app.
- Kung Cashless (GrabPay) ang booking, hindi na kailangang singilin ang delivery fee dahil papasok ito sa iyong Credit Wallet pagkatapos ng booking.
Paano kung No-Show ang consumer?
1. I-contact ang Recipient ng at least 3x.
2. Kung hindi ma-contact, tawagan ang Sender para siya ang mag-contact sa Recipient.
3. Kung hindi rin ma-contact ang Sender, i-contact ang Grab admin para sila ang mag-cancel ng booking.
HUWAG MAG_ALALA. Ito ay itinuturing na VALID CANCEL at hindi ito makakaapekto sa iyong Driver Cancel Rate. Matatanggap mo parin ang fare payment sa iyong Cash Wallet within 2-3 days.
Siguraduhin lang na ibalik ang order item sa Grab office ASAP.
Sample Job Card:
Sample Notes section na naglalaman ng detalye ng ipapabili ng consumer:
✅ 2-3 trips sa iisang booking. Sulit, paps!
✅ Bawat trip ay counted sa gems. Kung may 3 trips ka sa iisang booking, 3x gems yun!
✅ Kapag nakatanggap ka ng booking na ganito sa umaga, assured ka nang may kita kahit papaano.
- Pick-Up: Minimum of one (1), maximum of seven (7)
- Drop-Off: Minimum of one (1), maximum of seven (7)
- Kailangan ng Working Capital? Hindi
Paano ito gumagana?
Parang GrabExpress Instant lang pero mas maraming pick-up at drop-off!
- Laging i-contact ang sender at recipient bago pumunta sa destination.
- Tingnan at suriin nang mabuti ang parcel for delivery.
- Para sa sender at recipient: lalabas ang “Collect Delivery Screen”
- Kung Cash, kolektahin ang payment.
- Kung GrabPay, walang kailangan kokletahin.
- Kunan ng litrato ang parcel para sa Proof of Pick-Up at Proof of Drop-Off.
- I-confirm ang pick-up o drop-off.
Sample Job Card:
TANDAAN: Sundin ang pagkakasunod-sunod ng bookings na nakalagay sa app. Ito ay nakaayos sa pinakamagandang ruta para sa iyo.
Importanteng Reminders:
- Laging sundin ang nakalagay sa Collect Delivery Screen. Magkaiba ang fee ng rider sa fee ng consumer. Ang earnings adjustment ay galing sa Grab.
- Ang gems ay nabibilang sa bawat job na nagawa.
- Maaaring zero ang iyong minimum balance at makatanggap ka pa rin ng Same Day booking.
Pwede mong baguhin ang pagkakasunud sunod ng ruta kung sa tingin niyo’y mas makakatipid kayo sa oras. Napabilis niyo na ang trabaho, makukuha niyo pa ang parehong delivery fee
- Pwede lang ito gamitin para sa valid reasons tulad ng:
- Hindi ma-contact ang sender o recipient
- Emergency situations
- Hindi mag-iiba ang total fare kahit na baguhin ang route
- Pwede lang ito gamitin para sa valid reasons tulad ng:
✅ In-demand dahil sa dami ng online sellers na kailangan ng ating tulong, lalo na ang mga bahagi ng MBC o Madiskarteng Boss Club
✅ Magandang paraan para maka-kolekta ka ng cash on hand at magamit ito para sa mga susunod na bookings kung saan kailangan mo mag-abono
✅ Hindi requirement na mag-top up bago ng isang COD booking – automatically deducted na ang COD amount sa iyong wallet. Siguruhin lang mag top-up pagkatapos ng bookings para hindi mag-negative ang wallet
- Pick-Up: One (1) only
- Drop-Off: One (1) only
- Kailangan ng Working Capital? Hindi
Paano ito gumagana?
- Makikita mo sa iyong job card ang GrabExpress Instant – Corporate (COD)
- Pumunta sa pick-up at kunin ang package.
- Pumunta sa drop-off at ibigay ang order sa consumer.
- Kung CASH ang payment, kokolektahin mo ang COD value at fare mula sa consumer
- Kung GrabPay ang payment, ang COD value lang ang iyong kokolektahin mula sa consumer. Derecho na sa iyong Grab wallet ang fare
TANDAAN: Laging i-top up ang iyong Credit Wallet pagkatapos ng lahat ng COD bookings for the day para hindi mag-negative ang wallet.
Sample Job Card:
✅ Sure bookings dahil ang ating merchants mismo ang nagbo-book nito tulad ng Mcdo, Yoshinoya, at Bonchon
✅ Patuloy na lumalaki dahil sa mas dumadaming merchants na kailangan ng tulong ng ating riders sa pag-deliver!
- Pick-Up: One (1) only
- Ang pick-up ay sa isang merchant o restaurant
- Ikaw ang magbabayad ng food order item
- Drop-Off: One (1) only
- Kailangan ng Working Capital? Oo
- Minimum Working Capital Requirement: PHP 2,000
Paano ito gumagana?
- Gagawa ng booking ang food partner o store branch via GrabExpress Food Delivery. Basahin ang Notes section para siguradong klaro lahat ng detalye.
- I-accept ang booking.
- TANDAAN: Laging dalhin ang Grab bag at ingatan ang order para mapanatili ang quality nito.
- Pumunta sa pick-up point at bayaran ang order gamit ng iyong Working Capital. NOTE: May special lane o counter para sa Grab riders.
- Itago ang Official Receipt (OR) dahil ibibigay mo ito sa consumer.
- Pumunta sa drop-off para ibigay ang order sa consumer.
- Cashless (GrabPay) parati ang mga bookings dito.
- Ang delivery fee sa app ay papasok sa iyong Credit Wallet pagkatapos ng job.
- Ang order value naman o ang inabonohan mo ay ibabayad sa iyo ng consumer in cash pagdating sa drop off point. Ibase ang order value sa receipt ng restaurant.
Paano kung no-show ang Recipient?
Pwede mong i-cancel ang booking.
Huwag mag-alala. Hindi affected ang iyong Driver Cancel Rate at matatanggap mo ang food reimbursement in cash pag binalik ang order sa partner store.
Gawin ang sumusnod:
- I-contact ang Recipient.
- Kung wala parin after 3x na pagtawag, i-contact ang Sender.
- Bumalik sa merchant branch (pick-up point) para ibalik ang pagkain. Ang merchant ang magbabayad sa iyo.
Sample Cancellation:
Sample Job Card:
✅ Up to 2x na sure orders in 1 booking. Sulit na sa oras, mas malaki pa ang kita.
✅ Bawat trip ay counted sa gems. Kung may 2 trips ka sa iisang booking, mas mataas ang gems nun!
- Pick-Up: Two (2) or more
- Ang pick-up ay maari sa 2 o higit pang merchants.
- Ikaw ang magbabayad ng food order item
- Drop-Off: Two (2) or more
- Ang drop-off ay maari sa 2 o higit pang consumers.
- Kailangan ng Working Capital? Oo
- Minimum Working Capital Requirement: PHP 2,000
Paano ito gumagana?
- Kapag nakatanggap ng order, makikita mo ang total earnings, payment method ng consumer at pick-up/drop-off location. I-accept ang booking.
- Lalabas din ang additional drop-off point sa map at ang pagkasunod-sunod ng delivery.
- Pagdating sa merchant, mag advance payment para makuha ang resibo. If 2 merchant, tumungo sa ikalawang pick-up point at gawin rin ito sa 2nd merchant. I-tap ang “I’ve Paid” pagkatapos bayaran ang advanced payment sa bawat merchant.
- Kunin ang orders mula sa merchant. Ready ka na bumiyahe! Sundin ang pagkasunod-sunod ng drop-offs sa app. Pagdating sa consumer, kulektahin ang bayad kapag cash ang payment, Kapag cashless, ito ay papasok sa iyong credit wallet.
Sample Job Card
GrabFood Service Type
✅ Paborito ng mga consumers dahil sa dami ng pagpipiliin na merchants! At mas dumadami pa yan, paps!
✅ Maliban sa delivery fee, mayroon ka ring kita sa gems incentives at per kilometer mula merchant to drop-off!
Paano ito gumagana?
- Pwedeng makatanggap ng booking na Regular o Preferred, depende sa merchant.
- Walang aabonohan kung Preferred ang booking. Siguruhin lang may sapat na balance sa Grab Wallet dahil dito kakaltasin ang order value.
- Kung Regular ang booking, aabonohan mo ang order value sa merchant. Makukuha mo naman ito sa consumer kung Cash ang payment method. Kung GrabPay, makakuha mo ito sa iyong Grab Wallet.
- Pagkatapos ma-pick up ang order item, ‘matic mo nang kunan ng klarong litrato ang resibo ng order sa merchant branch! Mandatory ito, paps.
- Pagkatapos ng booking, makikita mo ang breakdown ng trip.
- Maliban sa delivery fare, makakatanggap ka rin ng earnings adjustment mula kay Grab. Ito ang per kilometer na dagdag mula sa merchant papunta sa drop-off point!
TANDAAN: Wala kang sisingilin sa consumer kung naka-GrabPay ang booking. Cash payment method lamang ang may kokolektahin.
GrabMart Service Type
✅ Fixed fare ang delivery fee!
✅ Additional per KM fare from merchant (pick-up point) to consumer (drop-off point)
✅ Walang abono! Preferred merchants ang mga supermarket at stores na bahagi nito.
✅ Walang pila! May special lane sa piling merchants ang Grab riders para hindi mo na kailangan pumila. Pick-up lang!
Paano ito gumagana?
1. Makakatanggap ka ng booking mula sa isang supermarket/specialty store merchant.
- Laging magdala ng PHP 2000 sa iyong Credit Wallet para mas malaki ang chance na pasukan ng bookings.
2. Pumunta sa entrance ng branch o warehouse.
- May Grab Shopper: Robinsons Supermarket (Mercedes, Pasig at Robinsons Place Manila, Ermita)
- Walang Grab Shopper (tanungin ang guard): GrabMart, E. Rodriguez (Great Deals Office), Starbucks at Home (Jupiter, Makati), Fetch Naturals (Makati)
- Pick-up sa Cashier: Family Mart (Udenna BGC), Famulei Groceries (Pasig), Assi Fresh Plaza (Eton QC), FreshMart (Pasig)
3. Ipakita ang order ID at hintayin na kunin ang order items.
5. Kunin ang order.
- TANDAAN: Hinahanda na ang order bago dumating ang rider-partner pero base pa rin sa dami ng orders ang bilis ng pag-proseso.
6. Pumunta sa drop-off point at i-deliver ang order.
- Inaasahan ng consumer na matanggap ang order within 45 minutes. (estimate na 20-30 mins ang preparation ng order, at ang nalalabi para sa iyong travel time)