Ang Cash on Delivery ay isang klase ng transaction kung saan ang Sender ay magpapadala ng item at ang rider ang magdedeliver at kokolekta ng payment mula sa Recipient.
Karamihan ng mga Sender ay mga Online Sellers at Corporate Partners kaya sigurado ang orders dito.
Sa katapusan ng araw ay kailangan mo i-remit via top-up ang lahat ng COD amount sa iyong Credit Wallet. Sa ganitong paraan, parang binibigay mo sa Sender ang kanyang inaasahang bayad mula sa Recipient.
Malaki ang gems!
Minimum 15 gems kada booking at umaabot up to 30 gems depende sa oras at location ng booking.
In-demand!
Lalong-lalo na ngayong quarantine, maraming online sellers o mga small business owners ang naghahanap ng delivery option na may COD.
Kasama narin dito ang malalaking kompanya tulad ng SM at PLDT.
Unang-una ay kailangan namin ng CONSENT mo, paps. Ibig sabihin nito ay pinapayagan mo ang Grab na mag-deduct ng amount sa iyong Credit Wallet, depende sa COD amount na iyong matatanggap sa mga bookings.
Unti-unti palang ang paghingi natin ng consent. Kapag nakatanggap ka ng CONSENT FORM, i-fill up ito at i-submit sa amin.
Tandaan: No consent, No COD.
Pagkatapos mo makapag-bigay consent ay malalagay na ang lahat ng COD Service Types sa iyong app sa susunod na business day.
Iba't ibang klaseng COD types
- GrabExpress Instant – Bike (COD)
- Grab Express Multi Stop Corporate (COD)
- GrabExpress Instant COD
- GrabExpress Same Day – Bike
Kung pamilyar ka na sa galawan ng Instant-Bike, Multi-Stop, at Same-Day ang extra step na kailangan mo lang gawin kapag COD ay i-check ang Delivery Details.
Laging tingnan ang Delivery Details pagdating sa drop-off para malaman kung magkano ang COD amount na kokolektahin mula sa RecipientSa katapusan ng araw, kailangan mo i-remit ang total COD value na iyong natanggap sa isang top-up station.
Pag-remit ng COD amount via top-up
Isang mahalagang bahagi ng COD bookings ay ang pag-remit via top-up. Tandaan: Ang cash na iyong natanggap ay para sa Sender. Sa oras na ma-remit mo ang pera na ito, ito ay aming kukunin mula sa iyong Credit Wallet at ibabayad sa Sender.
Importante: Ang delivery fee lamang at hindi ang COD amount ang maaaring itago ng rider.
After 24 hours at na-detect ng system na hindi mo pa nare-remit ang COD amount, automatically deactivated ang iyong account.
Hindi ka makakatanggap ng anumang GrabExpress at GrabFood bookings – COD man o hindi.
Sa oras na ma-remit mo ang pera, babalik rin ang iyong account pagkatapos ng 24 oras.