Bilang Grab driver o peer, pagkatapos ng bawat ride, ay mabibigyan ka ng rating from I and 5 stars. Paano gumagana ang star rating system at ano ang ibig sabihin nito?
Bakit nga ba may star rating?
Ang star rating system ay ang katulong ng Grab upang mapanatili ang high standard of service na pwede natin ipagmalaki. It also helps us keep track of the satisfaction of our passengers, para mapanatili ang kalidad ng serbisyo.
Paano kina-calculate ang stars?
Pagka-complete ng isang ride, ire-rate ng pasahero ang kanyang ride experience mula 1 to 5 stars. Ica-calculate ng system ang iyong star rating base sa average ng iyong last 100 ratings sa nagdaang taon. Ang current rating ay in-u-update lang twice a day kaya ang changes sa’yong star rating value ay maaaring hindi galing sa rating ng huli mong pasahero. Tignan ang Annex A para sa mga calculations.
Ilang stars ang sapat na?
Karamihan sa ating delivery partners ay may matataas ang ratings! Ang average star rating ng lahat ng Grab Partners ay 4.8. Ito ang ginagamit natin para tignan kung sino ang top performing drivers at basehan rin ito ng rewards.
Ano nangyayari kapag ang star ratings ay mas mababa sa average?
Kung ang iyong star ratings ay mababa sa average, maaaring hindi mo makuha ang iyong target na tiers sa KGR+.
Ano ang pwede gawin para mapataas ang star rating?
Ang top 10% ng Grab drivers ay nakakakuha ng consistent 5-star ratings. Ito ang mga pwede mong gawin para makakuha ng mataas na ratings:
Para maging isang 5-star driver-partner, inaasahan na lagi tayong disente sa ating pag uugali at kasuotan. Tignan ang mga sumusunod na quality standards na dapat natin sundin:
Parte ng pagbibigay ng 5-Star na serbisyo ang pagiging presentable sa lahat ng oras. Siguraduhing sumunod sa ating dress code:
- Well-kept hair
- Collared polo or shirt
- Slacks, chinos, or dark jeans
- Closed shoes
Huwag magsuot ng casual clothes tulad ng:
- T-Shirt
- Sando
- Shorts
- Slippers
- Aroma and Scent – Dapat na mabango at kaaya-aya ang amoy ng iyong sasakyan
- Cleanliness – Dapat na malinis ang interior at exterior ng iyong sasakyan sa lahat ng oras
- Music – Magpatugtog ng music kung nais ng iyong pasahero
- Air conditioning – Panatalihing malamig ang aircon o kaya naman ay i-adjust base sa kagustuhan ng pasahero
- Batiin ang passenger sa kanilang pangalan (“Good morning, Mr. Dela Cruz. Welcome to Grab.”). Nakatutulong ito para siguraduhing tama ang sinusundo
- Siguraduhin na tama ang destination
- Ipaalala sa passenger na gamitin ang seatbelt
- Tulungan ang passenger pag naka-wheelchair, may childseat, o may dalang mga luggage o bag.
- Kung patungo sa airport, itanong ang passenger kung mayroon siyang passport
- Mag-ingat sa drive at sumunod sa mga patakaran sa daan
- Iwasan ang biglaan na pagpreno
- Huwag gamitin ang cellphone habang nasa biyahe
- Tanungin kung kamusta ang lamig ng aircon para sa kanila
- Iwasan magpatugtog ng malakas na music, at tanungin ang passenger kung gusto nila ng patugtog
- Panatiliin na positive at professional ang pag-uusap sa pasahero
- Maghatid sa ligtas na lugar, lalo na tuwing urnuulan o nasa isang busy na location
- Magpasalamat sa pasahero
- Ipaalala sa pasahero ang kanilang kagamitan
- Ipaalala ang pamasahe upang maiwasan ang fare disputes
- Tulungan ang pasahero sa kanilang mga bagahe kung marami man, o kung sila ay naka-wheelchair, may childseat, o may dala mga luggage o bag luggage o bag
Your Current Rating = 100
Paalala: Kung ang ratings ay hindi pa umaabot sa 100 na passengers, ang system ay mag-co-compute ng average base sa ratings na nakuha sa last 12 months.
Halimbawa:
Kung ang star rating mo ay mas bumaba pa sa average (less than 4.5 stars), maaaring ma-deactivate ang account mo.
Huwag mag-alala! Bibigyan ka ng Grab ng notice o paalala bago pa ito mangyari.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Driver Code of Conduct, puntahan ang link na ito: Driver Code of Conduct