Siguraduhin na may dala kang valid ID, driver’s license, at iba pang necessary permits na requirement ng awtoridad (tulad ng valid Driver’s License, TNVS document- PA o CPC kung kailangan) sa biyahe sa lahat ng oras. Importante rin na covered ka at ang iyong sasakyan ng tama at valid na insurance ayon sa batas at regulations. Maging tapat sa Grab tungkol sa iyong criminal records. Responsibilidad mo bilang driver/delivery-partner na mag-update at magbigay ng valid documents kung mag-eexpire na, mare-revoke o kung hingin muli ng Grab.
See Violation Category / Penalties
Ang mga sumusunod na behaviour o pag-asal ay labag sa batas: physical abuse, verbal harassment, sexual assault, rape, murder, kidnapping, threats at intimidation. Huwag magtanong ng masyadong personal na katanungan o mag-comment sa physical appearance ng iyong pasahero. Ipinagbabawal ng Grab ang pag-contact sa pasahero pagkatapos ng iyong trip para sa anumang kadahilanang personal. Kung magkaroon man ng hindi pagkakaintindihan, huwag ilagay ang batas sa iyong mga kamay. Ipagbigay alam ito sa Grab o sa awtoridad.
See Violation Category / Penalties
Maaari kang mapatawan ng karampatang parusa ayon sa batas kung ikaw ay gagawa ng gawaing criminal tulad ng theft (pagnanakaw), robbery, possession of illicit materials or weapons (pag-iingat ng ilegal na mga materyal o armas), acts of vandalism o damage to property (ano mang uri ng paninira ng mga ari-arian). Makikipag-ugnayan ang Grab sa mga awtoridad at ahensya para imbestigahan at usigin ang mga lumalabag sa batas.
See Violation Category / Penalties
Huwag gumawa ng anumang labag sa batas trapiko o magmaneho ng walang ingat (drive recklessly) kung saan maaaring malagay sa panganib ang pasahero at iba pang tao sa lansangan. Kasama rito ang pag-sunod sa itinakdang speed limits, pagsunod sa road signals at traffic lights, paggamit ng hands-free kit habang nagmamaneho, at pagsigurado na nakasuot ng seatbelt ang iyong pasahero. Siguraduhin din na palagi kang may suot na seatbelt. Iwasan ang matagalang biyahe at mag pahinga kung kinakailangan.
See Violation Category / Penalties
Ipinagbabawal ang pag-konsumo ng drugs (ipinagbabawal na gamot) o pag-inom alcohol habang ikaw ay nasa Grab platform. Hindi pinapahintulutan ang illegal substances, bukas na lalagyan/bote ng alcohol at armas sa loob ng iyong sasakyan. May karapatan ang iyong pasahero na itigil ang booking at mag-report sa Grab o sa awtoridad kung sa tingin nya na ikaw ay nasa impluwensya ng droga o alcohol. Huwag tumanggap o mag-deliver ng illegal items at dangerous goods. Kung ikaw ay may rason na manghinala sa nilalaman ng package na ide-deliver, maaaring magreport agad sa Grab at sa mga awtoridad.
See Violation Category / Penalties
Pagpapanatili sa magandang kondisyon ng iyong sasakyan ayon sa industry safety standards at local regulatory requirements. Ang sasakyan lamang na registered sa Grab ang maaaring gamitin habang bumibiyahe sa platform.
See Violation Category / Penalties
Panatilihing confidential ang lahat ng personal data (tulad ng name, mobile number at address) na nasa iyo. Anumang unauthorised collection o hindi awtorisadong pagkuha,, paggamit o disclosure ng personal data ng sinumang Grab user ay mahigpit na ipinagbabawal. Responisbilidad mo na mag-comply at sumunod sa local privacy laws and regulations kung naisin mo mang gumamit ng personal na in-vehicle camera o dashcam.
See Violation Category / Penalties
Hindi mo maaaring tanggihan ng serbisyo o magsabi ng pangungutyang kumento sa kahit na sino base sa kanilang lahi, relihiyon, nationalidad, kapansanan, sexual orientation, gender or, gender identity, edad o ano mang katangian.
See Violation Category / Penalties
Kung tinanggap mo ang job/booking, responsibilidad mong tapusin o gawin ito. Huwag mag-cancel ng wala sa katwiran o ipasa sa iba ang job/booking.
Huwag diktahin ang presyo ng iyong ride at i-overcharge ang pasahero, o kaya nama’y pumili ng mas mahabang ruta. Kilalanin at tanggapin lahat ng promo codes at discounts ng pasahero. Hindi ka maaaring magsama ng ibang tao o alagang hayop sa loob ng iyong sasakyan habang nasa Grab platform. Intayin ang iyong pasahero ayon sa tamang waiting time.
See Violation Category / Penalties
Manamit ng maayos at disente sa lahat ng oras. Isuot ang iyong Grab delivery attire, kung naangkop. Maging magalang sa iyong pakikisalamuha sa ating mga pasahero at sumangayon sa mga resonableng requests kagaya ng pag-adjust ng air-conditioning o radio volume, at pag-assist sa pasahero na may bagahe kung kinakailangan. Karapatan din ng mga pasahero ang malinis at smoke-free na sasakyan.
See Violation Category / Penalties
Makipag-usap at hintayin ang iyong pasahero sa tamang pick-up point at hayaan silang bumaba sa kanilang napiling drop-off point. Siguraduhin na tama ang naisakay mong pasahero bago bumiyahe. Alamin at makipagkasundo sa pasahero tungkol sa inyong daanang ruta. Kumpletuhin lamang ang booking pagka-baba ng pasahero sa sasakyan, o pagkatapos ma-deliver ng order. Huwag magsakay o kumuha ng bookings sa labas ng Grab app. Huwag din mag-recommend ng ibang ride booking apps sa iyong mga pasahero. Huwag galawin (do not tamper) ang iyong food or delivery items, at siguraduhing nakalagay ito sa tamang delivery bags.
See Violation Category / Penalties
Siguraduhing tumawag muna sa awtoridad. Kapag lahat ng parties ay ligtas at nakapag-report na sa awtoridad, saka kumontak sa Grab para i-report ang insidente.
See Violation Category / Penalties
Huwag dayain ang sistema ng Grab sa anumang paraan. Kasama rito ang pag-share o paggawa ng duplicate accounts. Gamitin lamang ang official Grab application na na-download mula sa the Google Play/ Apple Store. Huwag maginstall ng mga applications o gumamit ng mga device na maaaring makaapekto sa user experience ng Grab app. Kasama rito ang paggamit ng location spoofing applications, rooted/jailbroken devices o exposed frameworks. Huwag mag-complete ng booking nang hindi pa na-pipick up ang pasahero o order. Laging magbigay ng tamang impormasyon kapag gumawa ng bagong account, ginagamit ang iyong account, o nag-dispute ng charges o fees.Gamitin ang mga offers at promotions nang tama at naaayon. Kung makaiwan ang iyong pasahero ng gamit sa iyong sasakyan, kailangan mo itong ipagbigay alam sa Grab at gawin ang dapat para maibalik ito sa iyong pasahero o sa Grab. Huwag maniningil ng karagdagang pamasahe mula sa services na hindi parte ng Grab. Kung ikaw ay may operator/peer, iwasan ang mapanlinlang na aktibidad gamit ang iyong GrabPay Wallet (e.g. ang pag-withdraw o pag-transfer ng pera mula sa GrabPay wallet ng walang consent o pahintulot mula sa iyong operator)
See Violation Category / Penalties
Maging cooperative at huwag abusuhin, magbanta o mang-harass ng Grab staff sa mga Grab Centers, sa telepono o sa social media. Kasama rito ang pagkuha ng unauthorised photo/video, stalking o pagkuha ng personal na contact number.
See Violation Category / Penalties
Panatilihin ang iyong Acceptance Rate, Driver Rating and Cancellation Rate ayon sa mga policies ng Grab at ng mga regulatory bodies tulad ng PCC, kung naangkop.
See Violation Category / Penalties
Pinapahalagahan namin ang opinion ng aming mga pasahero at driver/delivery-partners. Patuloy naming sinusuri ang performance ng driver/delivery-partners at nagbibigay kami ng angkop na feedback. Maaari kang i-require na mag-attend ng training sessions sa Grab para mapabuti pa ang iyong serbisyo.
See Violation Category / Penalties
Maaari mong iulat ang anumang nalalaman mong alalahanin at/o hinihinalang gawaing panloloko/kamalian sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Oobserbahan ni Grab ang mga sumusunod na prinsipyo na may kaugnayan sa mga alalahanin/isyu na naiulat ng may mabuting intensyon:
Violation Category
Pagmamaneho ng walang valid driving license or vocational license
Penalties for Violation
Pagmamaneho ng walang valid vehicle requirements mula LTO at/o LTFRB (ie. vehicle ORCR, PA o CPC, etc)
Penalties for Violation
Hindi pag-comply o pagsunod sa iba pang requirements ng LTFRB para sa TNVS at Tourist Franchise (para sa GrabCar and Rent by Grab)
Penalties for Violation
Pagkakaroon ng car advertisements (exterior or interior) habang bumibiyahe nang walang pahintulot o permit mula sa LTFRB na dumaan sa proseso ng Grab (includes but is not limited to sampling, car and bike wraps, car and bike boards)
Penalties for Violation
Pagmamaneho at pagbiyahe ng walang valid insurance (ex. TPL, PAMI, etc)
Penalties for Violation
False declaration ng criminal record
Penalties for Violation
Violation Category
Paggamit ng bulgar o hindi angkop na mga salita sa anumang anyo laban sa pasahero, sender, eater, merchant, kapwa driver/delivery-partner, o sa mga empleyado ng Grab bago, habang, o matapos ang trip/delivery. Kasama na rito ang pag-popost nito sa Social Media. Halimbawa nito ang pagkumento ng "Ang taba mo naman" o "Ang sexy mo naman" sa anumang anyo verbal o text man.
Penalties for Violation
Lahat ng klase at anyo ng verbal/written harassment o pagbabanta laban sa pasahero, sender, eater, customer, o merchant. bago, habang, o pagkatapos ng trip/delivery. Halimbawa, ang pagbabanta ng "Susuntukin kita!" o "Sasaktan kita" sa anumang anyo text man o personal.
Penalties for Violation
Lahat ng klase at anyo ng physical harassment laban sa pasahero, sender, eater, o merchant. Kasama rito ang paggawa ng criminal acts sa platform tulad ng physical/sexual assault, rape, murder, at kidnap
Penalties for Violation
Pag-asal o pakikipag-usap sa sekswal na paraan sa pasahero, sender, eater, merchant o kapwa driver/delivery-partner. Halimbawa nito ang pagtapik o paghawak sa legs o anumang parte ng katawan ng pasahero, o pagtitig sa suot o katawan ng pasahero, o mga pagtatanong/pagbibigay ng sexual questions/ suggestions.
Penalties for Violation
Violation Category
Pagiging sanhi ng minor injuries o damages dahil sa careless o reckless driving
Penalties for Violation
Pagiging sanhi ng major injuries o death (pagkamatay) dahil sa careless o reckless driving
Penalties for Violation
Ang driver/delivery-partner ay may criminal offense o nasasailalim sa criminal na imbestigasyon ng mga awtoridad
Penalties for Violation
Violation Category
Anumang anyo ng speeding, reckless o distracted driving kasama na dito ang paggamit ng mobile phone, panonood ng video/TV, o paglalaro ng mobile games habang nagmamaneho.
Penalties for Violation
Paggamit ng Grab services para sa hindi inilaan o angkop na paggamit. Halimbawa nito ang paggamit ng GrabExpress o GrabFood para magsakay ng tao.
Penalties for Violation
Nahuli ng awtoridad dahil sa hindi paggamit ng helmet o tamang riding gear para sa mga delivery-partners
Penalties for Violation
Violation Category
Posession ng drugs o anumang drug-related offences
Penalties for Violation
Pagmamaneho habang nasa impluwensya ng droga o alcohol
Penalties for Violation
Pagtanggap ng items na ide-deliver bukod sa mga items na pinapahintulutan sa platform nang hindi nirereport sa Grab o awtoridad: (a) illegal/ suspicious items (eg. illegal drugs), (b) dangerous goods (eg. armas), (c) mga bagay na ilegal ayon sa GrabExpress waybill o (d) anumang item na pinagbabawal ng batas
Penalties for Violation
Pagtataglay ng anumang armas
Penalties for Violation
Violation Category
Paggamit ng ibang sasakyan/plaka/account kumpara sa nakalagay sa app
Penalties for Violation
Paggamit ng sasakyan na wala sa kondisyon o poor quality tulad ng may amoy, madumi, hindi gumaganang aircon, o may damage na sasakyan
Penalties for Violation
Pagpapagamit sa ibang tao ng iyong sasakyan, lisensya o account para kumumpleto ng Grab jobs
Penalties for Violation
Violation Category
Pag-post o pag-share sa social media o anumang messaging app ng personal na impormasyon ng pasahero, eater, sender, customer, merchant, o empleyado ng Grab
Penalties for Violation
Violation Category
Pagkumento tungkol sa lahi, relihiyon, nationality, disability, sexual na orientasyon, gender, edad o anumang katangian ng ibang tao mapa-verbal, text, tawag, o social media man. Halimbawa nito ang pagkumento ng "Tibo ka pala." o "Bakit ang itim mo, Negro ka ba?".
Penalties for Violation
Violation Category
Pag-pick-up ng pasahero na may ibang sakay sa sasakyan para sa non-GrabShare rides. Halimbawa, may kasamang asawa o kasabay na ibang tao sa sasakyan.
Penalties for Violation
Hindi pagbibigay ng tamang special discount para sa PWD, students, and senior citizen o pagtanggi sa promo codes o corporate bookings.
Penalties for Violation
Pangongolekta ng fare o food price na hindi naaayon sa nakalagay sa app. Kasama na rito ang pamimilit sa ng pasahero na magbayad ng cash kahit na naka-GrabPay ang booking, hindi pagbibigay ng tamang sukli, pamimilit sa customer/eater na bayaran ang parking fee, at maling pag-edit final fare.
Penalties for Violation
Pagrereport ng "MEX is closed" kahit hindi naman talaga sarado ang restaurant upang ma-cancel ang booking.
Penalties for Violation
Violation Category
Paninigarilyo sa loob ng sasakyan habang may pasahero
Penalties for Violation
Cleanliness, Personal Hygiene at inappropriate attire/gear. For delivery-partners-- helmet, delivery bag, long sleeves or jacket, andclosed shoes. For driver-partners, decent shirt, long pants, and closed shoes.
Penalties for Violation
Violation Category
Tampering, damaging, or losing food or delivery items. Improper handling of food or delivery items
Penalties for Violation
Para sa delivery-partners, pagbili o pagdagdag sa order maliban sa nakalagay sa app nang walang pahintulot ng eater/customer.
Penalties for Violation
Hindi pagbibigay ng waybill, proof of pick-up, proof of delivery (ie. photos), o resibo (ie. para sa GrabFood orders)
Penalties for Violation
Sinasadyang pag-pick-up ng pasahero o delivery ng ibang driver/delivery-partner
Penalties for Violation
Pag-drop-off sa pasahero sa hindi tamang lugar o drop-off point
Penalties for Violation
Pagtanggi sa customer/eater na mag-deliver sa doorstep. Pagpilit sa customer/eater para bumaba at tanggapin ang delivery.
Penalties for Violation
Violation Category
Hindi pag-report sa Grab kung nasangkot sa anumang road accident
Penalties for Violation
Violation Category
Anumang uri ng gaming ng incentives, fares o anumang nakakaapekto sa kita. Kasama na rito ang pangugnguntsyaba sa pasahero, merchant, peer, Grab employee, kapwa driver/delivery-partner pati narin ang paggawa o paggamit ng fake bookings o accounts.
Penalties for Violation
Pagiging sanhi ng anumang panic tulad ng pakikipag-away sa merchant, pasahero, customer, eater, o kapwa driver/delivery-partner sa publiko. Kasama na rin dito ang pagsali sa mga demonstrasyon laban sa Grab o sa gobyerno at awtoridad na maaring makaka-apekto sa reputasyon ng Grab.
Penalties for Violation
Para sa GrabFood, pagkuha ng order sa ibang branch kumpara sa nakalagay sa app
Penalties for Violation
Paggamit ng faulty o sirang device o mobile phone na nakakasira o nakakaapekto sa GPS
Penalties for Violation
Pagpatay ng GPS o mobile data habang nasa biyahe
Penalties for Violation
Hindi pagsasauli ng naiwang gamit ng pasahero o hindi nai-deliver na item nang higit sa 48 hours
Penalties for Violation
Paggamit ng modified app o 3rd party applications na hindi pinapahintulutan ng Grab
Penalties for Violation
Falsification o forging ng anumang dokumento na ipinasa sa Grab o sa mga awtoridad/regulators
Penalties for Violation
Pagpapahiram o pagbebenta ng Grab gear sa ibang delivery-partner
Penalties for Violation
False completion of trips- pag-complete ng trip o order sa app nang hindi ka talaga dumating sa actual pick-up o drop-off point
Penalties for Violation
Hindi pagbabayad o huling pagbabayad ng daily/monthly amortization (hulog) para sa loans sa mga Microfinance partners ng Grab
Penalties for Violation
[Para sa 4W Drivers na may Operator] Fraudulent use ng GrabPay Wallet – ang pag-withdraw o pag-transfer ng pera mula sa GrabPay wallet ng walang consent o pahintulot mula sa inyong operator
Penalties for Violation
Violation Category
Anumang uri ng harassment o pagbabanta laban sa mga empleyado ng Grab
Penalties for Violation
Violation Category
Pagbaba ng Driver Star Rating sa 4.5
Penalties for Violation
Mababang Completion Rate
Penalties for Violation
Madaming report ng invalid cancels at Driver induced Passenger cancels o "Driver asked me to cancel". Kasama dito ang pagpilit sa pasahero na i-cancel ang trip sa anumang kadahilanan.
Penalties for Violation
Mataas na Cancellation Rate
Penalties for Violation
Mababang Acceptance Rate
Penalties for Violation
Violation Category
Hindi pagdalo sa refresher training dala ng paglabag ng Code of Conduct na ito
Penalties for Violation
12/F Grab Office Wilcon
IT Hub,
2251 Chino Roces Ave.,
Makati City