TNVS Advisory about LTFRB Appointment Dates from Dec. 2018

 

Noong May 31, 2019 naglabas ang LTFRB ng advisory para sa lahat ng mga TNVS partners na may Appointment Date mula noong Dec. 2018. Lahat ng appointment slots na ito ay mage-expire na sa darating na June 7, 2019.

 

Lumabas ang advisory na ito sa LTFRB website: http://ltfrb.gov.ph/ noong May 31, 2019.

Ang announcement na ito ay ginawa ng LTFRB matapos nilang magbigay ng sapat na panahon sa ating mga driver-partners para maayos ang TNVS accreditation at makakuha ng Case No.

Ano ang ibig sabihin nito?

Kung nakakuha ka ng Appointment Date noong Dec. 2018, may pagkakataon ka pang makakuha ng Case No. hanggang June 7, 2019.

Pumunta lang sa LTFRB dala ang iyong requirements para as Appointment Date.

 

Kung may Case No. ka, ‘wag mabahala.

Ayon sa LTFRB, maaaring kang bumiyahe at mag-operate basta may Case No. ka. Siguraduhing i-submit sa link sa ibaba ang iyong Case No. para ma-update namin ang iyong TNVS status sa system.

[UPDATE TNVS DOCUMENTS HERE]

 

Simulan mo na ring asikasuhin ang iyong mga CPC requirements para tuloy-tuloy ang byahe at iwas sa aberya.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-process ng iyong requirements, maaaring pumunta sa ating TNVS Help Center sa Prima Bldg., East Ave. near LTFRB o sumali sa ating Ka-Grab Official FB Group.

 

 


FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

 

 

Paano kung hindi ako makakuha ng Case No. sa June 7, 2019 DEADLINE?

Alinsunod sa mga patakaran ng LTFRB, lahat ng TNVS partners na bumibiyahe sa Grab ay kailangang may tamang TNVS accreditation. Ang walang proper TNVS accreditation ay maaaring maituring na colorum.

Kung hindi mo mai-submit sa amin ang iyong Case No. on June 7, 2019 maaari kang ma-deactivate sa Grab on June 10, 2019 depende sa mapag-uusapan kasama ang LTFRB.

Maaari ka lang ma-reactivate kung makapag-submit ka ng Case No. sa Grab.

 

Pwede pa ba akong makakuha ulit ng Appointment slot?

Matapos ng deadline nang June 7, magbubukas muli ng 10, 000 TNVS slots ang LTFRB via Online Registration on June 10, 2019.

Pwede ka pang makakuha ng Appointment Date.Hintayin lang ang LTFRB Online Registration Link sa kanilang official Facebook Page at sundin lang ang step-by-step guide dito.

Siguraduhin sa pagkakataong ito na kumpleto ang iyong documents para makakuha ng Case No. dahil maraming pang gustong maging TNVS partners.

 

Ano ang requirements na kailangan para sa Appointment Date?

Tingnan ang mga requirements na kailangan dalhin sa Appointment Date. Siguraduhing kumpleto ang iyong requirements para mabigyan agad ng Case No.

 

May Case No., PA, o CPC na ako, anong kailangan kong gawin?

Kung may PA, CPC o Case No. ka na, i-submit ang iyong documents dito para mailagay natin ang iyong Case No. sa ating system at maiwasan ang ano mang abala sa biyahe:

[UPDATE TNVS DOCUMENTS HERE]

Siguraduhing tama ang iyong TNVS document submission, tingnan ang mga sample document na patunay ng Case Number, PA at CPC.

May Case No. na ako pero wala pang P.A. mula sa LTFRB, paano yun?

Huwag mag-alala, Ka-Grab. Ayon sa LTFRB, maaari ka munang bumiyahe basta mayroon kang Case No. Intayin lang ang abiso ng LTFRB para sa release ng iyong P.A.

Habang naghihintay, maaari mo nang ihanda ang iyong mga requirements para sa CPC.

 

Nakapag-submit na ako ng document sa link, paano ko malalaman kung na-receive na ito?

Makaka-receive ka ng confirmation na nareceive namin ang iyong submission. At may mare-receive ka rin na SMS kung valid o invalid ang iyong submission.

Siguraduhing tama ang iyong TNVS document submission, tingnan ang mga sample document na patunay ng Case Number, PA at CPC.

 

 

May nakuha akong SMS mula sa GRAB TNVS, made-deactivate ba ako?

Alinsunod sa mga patakaran ng LTFRB, lahat ng TNVS partners na bumibiyahe sa Grab ay kailangang may tamang TNVS accreditation. Ang walang proper TNVS accreditation ay maaaring maituring na colorum.

Kung hindi mo mai-submit sa amin ang iyong Case No. on June 7, 2019 maaari kang ma-deactivate sa Grab on June 10, 2019.

Kung may PA, CPC o Case No. ka na, i-submit ang iyong documents dito para mailagay natin ang iyong Case No. sa driver app:

 

[UPDATE TNVS DOCUMENTS HERE]

 

Kung madeactivate ka man, maaari kang ma-reactivate basta makapag-submit ka ng Case No. sa Grab.

 

Pwede bang hindi matuloy ang deactivation sa June 10, 2019?

Patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa LTFRB upang hindi maapektuhan ang hanapbuhay ng ating mga driver-partners. Kung mabibigyan tayo ng palugit ng LTFRB para ma-extend ang processing ng iyong Case No., huwag natin sayangin ang pagkakataong ito para ayusin ang iyong TNVS.

 

Maraming opportunities sa Grab para sa lahat

Abangan ang detalye ng ating Job Fair next week!

Kung sakali man, marami ring opportunities ang available sa ating Grab platform. Sa Grab Taxi at Grab Connect, pwede kang pansamantalang i-match ang drivers sa mga existing vehicles na may TNVS. Pwede ring maging rider or delivery partner sa Grab Food at Grab Express.