Driver & Peer Basic Troubleshooting Guide

Ka-Grab, nais namin mapadali ang iyong buhay sa Grab para tuloy-tuloy ang byahe!

Kaya narito ang ilang step-by-step guides para ma-troubleshoot ang iba’t ibang concerns.

Driver Concerns:

Peer Concerns:


Coins to GCash

  1. Umattend ng Onboarding training sa Wilcon Office. Training Schedule: (Mon-Sat: 11 AM, 3 PM, & 6 PM) Paalala: Magdala ng 2 Valid IDs at P100 pambayad sa GCash.
  2. Pagkatapos mag-training, kumuha ng number sa queue. Kapag natawag ang number mo, ipakita sa frontliner ang mga hawak na documents.
  3. Matapos ma-check ang documents, magbayad ng Php 100 sa frontliner para sa GCash Card.
  4. Hintayin ang release ng GCash Card.

Paano mag-activate ng bagong GCash

  1. Maghintay ng 48 hours bago palitan ang MPIN sa GCash.
  2. Sundin ang step-by-step na instructions na nakalagay sa GCash manual.

Defective or Lost Gcash

  1. Kailangan magpunta ng PEER sa Wilcon Office para makakuha ng bagong GCash ATM dala ang ss: 2 Valid IDs at P100 pambayad sa GCash card.
  2. Pumila agad pagkarating sa Wilcon Office. Kapag natawag ang number mo, ipakita sa frontliner ang mga hawak na documents.
  3. Matapos ma-check ang documents, magbayad ng Php 100 sa frontliner para sa GCash Card.
  4. Hintayin ang release ng GCash Card.

 


Malayo ang destinasyon ng mga natatanggap na bookings

  1. Pumunta sa SETTINGS ng cellphone
  2. I-click and LOCATION
  3. I-click ang HIGH ACCURACY

 


Hindi makapag-online kahit  mayroong load para sa mobile data connection

  1. I-check ang SIM na naka-default.
  2. Kung mali ang naka-default na SIM para sa mobile data connection, sundin ang mga sumusunod:

a. Pumunta sa SETTINGS ng cellphone
b. Hanapin ang Sim Manager
c. Pumunta sa mobile data
d. Piliin ang SIM na mayroong load na para sa data connection.

 


Negative Credit Wallet

  1. Pumunta sa kahit saang GDC o Grab office para ma-validate and dahilan ng negative credit wallet.
  2. Maaaring tumawag sa Grab hotline upang ma-validate ang dahilan ng negative credit wallet. Tumawag sa 883-7100.

 


Magdagdag ng service type ng sasakyan

  1. Gamit ang iyong cellphone, pumunta sa GRAB APP.
  2. I-click ang Profile o iyong Picture
  3. I-click and Add Type Service at piliin ang nais na Service Type.

Paalala: Ang Sedan ay hindi maaring magdagdag ng iba pang service type.

 


Mag-update G-mail account

  1. Pumunta sa kahit na saang GDC o office ng Grab.
  2. Sabihin sa aming frontliner na magpapalit ka ng email address
  3. Ipakita ang iyong Grab ID or Driver’s License para ma-verify ng aming frontliner ang iyong record.
  4. Pagka-verify, ibigay ang bagong email sa aming frontliner para ma-update ang record mo sa aming system.