Bilang newly onboarded bilang delivery-partner, mahalagang bihasa ka sa galawang Motorkada.
Alamin ang pasikot-sikot ng buhay rider-partner para siguradong maximized ang kita habang nasa biyahe.
- GrabMart – One pick-up, one drop-off. Pick-up ay sa isang grocery o specialty store kung saan mag-oorder ang consumer ng grocery items, kadalasan basic needs.
- GrabExpress Car – Ang original! Door to door delivery service kung saan magpapadala ang sender ng parcel o item sa recipient.
- GrabExpress Multi-Stop Delivery (MSD) – One pick-up, multiple drop-offs. Parang GrabExpress lang pero more than one ang drop-off.
- GrabPabili – Ang pabili service ng GrabExpress! Aabonohan mo ang ipapabili ng consumer at babayaran ka pagdating sa drop-off! Pwedeng gamot, grocery, at iba pang basic needs!
GrabMart
1. Makakatanggap ka ng booking mula sa isang supermarket/specialty store merchant.
- Laging magdala ng PHP 2000 sa iyong Credit Wallet para mas malaki ang chance na pasukan ng bookings.
2. Pumunta sa entrance ng branch o warehouse.
- May Grab Shopper: Robinsons Supermarket (Mercedes, Pasig at Robinsons Place Manila, Ermita)
- Walang Grab Shopper (tanungin ang guard): GrabMart, E. Rodriguez (Great Deals Office), Starbucks at Home (Jupiter, Makati), Fetch Naturals (Makati)
- Pick-up sa Cashier: Family Mart (Udenna BGC), Famulei Groceries (Pasig), Assi Fresh Plaza (Eton QC), FreshMart (Pasig)
3. Ipakita ang order ID at hintayin na kunin ang order items.
5. Kunin ang order.
- TANDAAN: Hinahanda na ang order bago dumating ang rider-partner pero base pa rin sa dami ng orders ang bilis ng pag-proseso.
6. Pumunta sa drop-off point at i-deliver ang order.
- Inaasahan ng consumer na matanggap ang order within 45 minutes. (estimate na 20-30 mins ang preparation ng order, at ang nalalabi para sa iyong travel time)
- Fixed fare ang delivery fee!
- Additional per KM fare from merchant (pick-up point) to consumer (drop-off point)
- Walang abono! Preferred merchants ang mga supermarket at stores na bahagi nito.
- Walang pila! May special lane sa piling merchants ang Grab riders para hindi mo na kailangan pumila. Pick-up lang!
1. I-double check kung:
- Naka-tape at secured ang package
- Nakasulat ang Order ID at signature ng shopper sa labas ng order
- Nakadikit ang Grab Preferred Receipt (resibo)
2. Tanungin ang shopper kung FRAGILE o FROZEN ang items. Kung oo, dapat ay nakasulat ito ng pentel pen sa labas ng order.
3. No opening of packages! Hindi pwedeng buksan ang package para i-check ang order items. Responsibilidad ng shopper na ilagay lahat ng complete items.
4 . Alagaan ang order! Layunin mong matanggap ng consumer ang package na nasa maayos na kondisyon.
- Do not steal order items
- Handle the package with care
Anumang paglabag dito ay mapapatawan ng corresponding penalty base sa Driver Code of Conduct.
1. Makatanggap parin ba ako ng bookings kung less than P 2,000 ang balance ko sa Credit Wallet?
Oo, makakatanggap ka parin ng bookings pero mas bababa ang demand o pasok ng jobs dahil karamihan sa order values ay nasa range ng 2k-3k.
2. Paano kung walang shopper sa merchant?
Kung hindi mo mahanap ang shopper, tawagin ang merchant staff o Branch Manager para humingi ng assistance.
3. Paano kung no-show ang consumer pagdating sa drop-off?
Sakaling hindi ma-contact ang iyong eater, hindi mo na kailangan ibalik ang order items sa store! I-submit lang ang sumusunod bilang proof of no-show:
- Screenshot o proof ng iyong interaksyon (call o message) sa eater
- Official receipt (resibo) ng iyong binayaran na amount
- Picture ng order
Puntahan sa Help Centre o derecho sa link na ito para ma-submit at ma-proseso ang iyong reimbursement: https://grb.to/noshow
Required ang tatlong (3) requirements na ito para matanggap ang iyong reimbursement sa iyong Cash Wallet within 24 hours.
4. Paano kung incomplete o kulang ang order items pagkabukas ng consumer?
Sabihan ang consumer na i-contact ang Grab Help Centre gamit ang app.
IMPORTANTE: Hindi ito valid kung bukas na ang item pagdating sa consumer. Responsibilidad mo bilang rider-partner na sealed at secured ang item.
5. Paano kung na-damage ang order pagdating sa consumer dahil sa pag-biyahe?
Mag-doble-ingat sa daan habang bumabiyahe para masiguradong hindi matapon o masira ang anumang order item.
Anumang damage sa biyahe ay hindi sagot ni Grab.
GrabExpress Car
1. I-toggle ON ang GrabExpress Car Service Type.
2. Ganito magmumukha ng iyong job card:
3. Pumunta sa pick-up location. I-click lamang ang “I’ve Arrived” kung nasa location na.
4. I-contact ang sender via GrabChat o call para hindi sayang sa oras.
5. I-confirm ang sender o representative ng parcel/item. Kung tama sa nakalagay sa app, i-click ang “Correct Sender”.
Kung ang nagbigay sa iyo ng item ay iba sa nakalagay sa app, i-click ang “Met A Representative” at ilagay ang tamang pangalan kasama ang relasyon sa original na sender.
TANDAAN: Ang door-to-door delivery ay iyong responsibilidad bilang driver ng GrabExpress. Pumunta mismo sa pick-up ng sender at inspect ang laman ng package para sa iyong kaligtasan.
6. Kunan ng litrato ang item bilang Proof of Pick-Up (POP). Siguraduhing malinaw ang litrato.
6. Pagdating sa drop-off, i-click ang “I’ve Arrived”. I-contact ang Recipient. Kung wala ang Recipient, i-contact ang Sender.
7. Katulad ng sa pick-up, i-confirm ang Recipient o representative ng item. I-confirm rin ang pagtanggap niya ng item.
8. Bago ibigay ang item, kunan ito ng litrato bilang Proof of Drop-Off (POD).
9. Pumunta sa payment screen at i-complete ang job! Good job, Ka-Grab!
GrabExpress Car Multi-Stop Delivery (MSD)
Pick-Up: One (1) pick-up only
Drop-Off: Maximum of 15 drop-offs
IMPORTANTE: Sundin ang pagkasunod-sunod ng drop offs na nakalagay sa app. Hindi rin pwedeng tumanggap ng pick-up items kapag nasa drop-off ka na.
GrabExpress Pabili
1. I-accept ang GrabExpress Pabili booking
2. I-click ang Delivery Details sa job card at basahin nang mabuti ang pinapabili ng consumer. I-contact ang consumer (call or chat) para masigurado ang lahat ng detalye. IMPORTANTE: Gawin ito bago pumunta sa store para klaro ang lahat.
3. Pumunta sa pick-up point o sa pagbibilhan ng items.
- Laging magdala ng minimum P2,000 working capital
- Practice patience, Ka-Grab! Malaki ang demand ngayon sa mga pabili items tulad ng groceries at medicine kaya maaaring makaranas ng mahabang pila.
- Kung Cash ang gamit ng consumer, wag kalimutang singilin ang 1) inabonahan na bayad para sa item, at 2) booking fare
- Kung GrabPay ang ginamit ng consumer, kunin lamang ang inabonahan na bayad para sa item. Papasok sa iyong Cash Wallet ang booking fare.
Kailangan ng top-up?
Maraming paraan mag-top-up! Alamin ang iba't ibang paraan at locations dito: https://grb.to/topuplocations
Wag mag-alala sa checkpoint!
Tumigil nang mag-issue ang DTI ng IATF ID kaya hindi na ito kailangan. Lagi lang dalhin ang iyong Certificate of Accreditation (COA), Grab ID, at kopya ng memorandum na matatagpuan sa https://grb.to/memorandum . Ang items 1-3 ay matatagpuan sa iyong Grab email.