MECQ Advisory: 2W Operations

Sa muling pagsailalim ng Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), naririto ang ilan sa mga mahahalagang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga delivery-partners. 

 

1) FREE COVID-19 Swab Testing for Grab Driver and Delivery-Partners

Upang masigurong ligtas ang bawat isa sa ating community, naglunsad ang Grab kasama ng National Taskforce Against COVID at BCDA ng libreng swab testing para sa ating mga Ka-Grab. Mangyari lamang na hintayin ang ilang updates ukol sa inyong schedule at mga next steps sa ating 2W Ka-Grab FB Page.

Mayroon tayong nakalaang Quarantine Subsidy na sasapat sa 2 weeks, kung sakaling may delivery-partner na magpo-positive sa COVID-19 at kinakailangang sumailalim sa 14 days quarantine na itinakda ng DOH. 

2) Checkpoint Identification

Panatilihin na palaging dala ang kopya ng mga required documents sa biyahe upang maiwasan ang ano mang pagkaabala dulot ng mga mas striktong checkpoints na ipapatupad sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

‘Wag kalimutan na laging dalhin ang mga sumusunod: 

    1. Grab ID – tingnan sa iyong Grab-registered e-mail 
    2. Certificate of Accreditation (COA) – tingnan sa iyong Grab-registered e-mail 
    3. Kopya ng memorandum na nagpapahintulot sa services ng food delivery at essential items – https://www.grab.com/ph/blog/driver/express/memorandum/
    4. IATF ID (kung mayroon)

Base sa ating pakikipag-ugnayan sa DICT, ang Rapidpass ay hindi required at sapat na ang valid Grab ID at COA. Maaari pa ring mag-apply ang rider ng Rapidpass diretso sa DICT. 

Upang masigurado na ang lahat ng riders ay mayroong sariling kopya ng mga kinakailangang papers, kami ay muling magpapadala sa inyo ng inyong COA at Grab ID. Mangyari lamang na paki-abangan ito sa mga susunod na araw. 

Kung kayo man ay wala pang Certificate of Accreditation (COA) o Grab Electronic ID, maaari kayong pumunta sa Help Centre gamit ang inyong app o pumunta sa mga link na ito:

3) Reinstatement of Grab road marshals and merchant marshals 

Upang maiwasan ang matinding pagka-antala sa iba’t ibang checkpoints, muli tayong magkakaroon ng mga Grab road marshals na lilibot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ang mga marshals na ito ay pupunta rin sa mga merchant branches para masigurado at mapanatili na lahat ng ating riders ay sumusunod sa social distancing at nagsusuot ng face mask. Sa tulong ng mga marshals na ito, makikita natin ang on-ground at in-transit na mga karanasan ng ating mga Ka-Grab at nang mabilis natin itong maaksyunan. 

Kung kayo man at may mga concerns or issues tungkol sa inyong pagbiyahe, mangyari lamang na lapitan ang ating mga marshalls upang mai-relay ang inyong mga concerns ito at nang mahanapan natin ng solusyon ang mga ito.

4) Grab bag distribution to more delivery-partners

Layunin nating mabigyan ng Grab bag ang lahat ng ating delivery-partners, GrabFood man o GrabExpress, para matulungan ang bawat rider sa kanilang pagbiyahe. Simula August, magre-resume ang distribution ng Grab bag sa mga piling Grab hubs. Hinihiling namin na mag-comply pa rin tayo sa social distancing at pagsuot ng face mask para sa safety ng lahat. Hintayin lamang ang SMS para sa inyong schedule. 

5) Increasing consumer demand through promotions 

Ngayon na mas marami ang mananatili sa kanilang mga bahay alinsunod sa patakaran ng  MECQ, inaasahan natin na mas tataas ang demand para sa GrabFood, GrabExpress, at GrabMart. 

Patuloy tayong maglalabas ng mga promotions tulad ng FREE DELIVERY at mga sulit na delivery fee para sa ating mga consumers. Ang mga promotion na ito ay makakatulong para dumami pa ang mga consumers na magpapa-deliver at mag-oorder ng kanilang essential items sa Grab. 

Sa ganitong paraan, mas dadami ang bookings para sa ating mga riders-partners. 

6) Compliance to LTO requirements: Pro License and Custom-Made Sling Bag/Box Registration 

Alinsunod sa LTO mandate, required ang lahat ng delivery-partners na: 

  1. Magkaroon ng Professional (Pro) license
  2. I-register ang Grab Bag (BIG BAG ONLY) bilang Custom-Made Sling Bag/Box 

Note: Big Bags lang ang kailangan i-register sa LTO, hindi kasama ang Small bag o Sling bag. Hintayin ang SMS mula sa Grab para sa buong detalye ng inyong pending documents (kung mayroon man). 

Maaaring tingnan ang official mandate dito: 

7) Continuous GrabFinance loan deduction 

Dahil patuloy pa rin ang operations sa GrabFood at GrabExpress ngayong MECQ, ang ating mga Ka-Grab na may existing GrabFinance loans ay patuloy pa rin pong magkakaroon ng loan repayment deductions, alinsunod sa repayment guidelines ng loan agreement.

Pansamantala munang ititigil ang pagdededuct ng loan repayments sa mga 4W driver-partners na nasa 2W services (Food o Express) o 4W delivery services tulad ng GrabExpress Car o GrabMart services. 

 

We are here to support you through our Grab Support Channels! 

Ngayong MECQ, bukas pa rin ang ating mga Grab Driver Centre (GDC), at a reduced capacity, para lamang sa scheduled GCash issuance at  Gear pick-up. 

  • Central Hub(Greenfield, Mandaluyong: Mondays to Fridays, 9AM-4PM) 
  • North hub (210 Tadeo St. Karuhatan Valenzuela City: Mondays to Fridays, 9AM-4PM) 
  • South Hub (Bacaro39, Aguirre Ave., Paranaque: Mondays to Fridays, 9AM-4PM) 

Available pa rin ang Grab Help Centre sa inyong Grab Driver app. Kung gusto makausap ang isang Grab partner support, maaaring magpa-schedule ng online appointment sa Grab Virtual Driver Centre (na matatagpuan din sa Help Centre). 

For Safety at Emergency cases, available din 24/7 ang ating Grab Hotline sa Help Center.

 

Hanga kami sa inyong patuloy na serbisyo at pagsusumikap sa panahong ito, mga Ka-Grab. Stay healthy at ‘wag kalimutang sumunod sa health and safety protocols. 

Stay safe, Ka-Grab!