Ka-Grab Kalinga Summit 3.0: One Grab, One Family!

Ang misyon namin na maging isang inklusibong komunidad ay hindi nagtatapos lamang sa ating mga Ka-Grab drivers at partners. Ninanais namin bumuo ng isang komunidad kung saan mapapabilang ang lahat. Sa pagsunod sa paniniwalang ito, gumanap ang Ka-Grab Kalinga Summit 3.0 noong July 21 sa Megatent, Quezon City. Doon, nagtipon-tipon ang ating mga Ka-Grab PWD community sa event upang magkaroon ng pag-uusap kasama sa mga iba’t-ibang komunidad at organisasyon na naghahangad na umunlad ang mga PWD. 

One of our main goals is to provide equal opportunities for everyone kaya naman Grab will always support ang ating mga Ka-Grab na PWD o kapamilya nilang may special needs. Patuloy kaming naniniwala sa inyong kakayanan in making a difference sa loob at labas ng ating community.Saludo kami sa inyo, mga Ka-Grab.#KaGrabKalingaSummit#KaGrabCommunity

Posted by Brian Cu on Tuesday, July 30, 2019

 

Nakinig tayo sa mga nakakasigla na mga salita ng mga iba’t-ibang speakers na parehong galing sa at kaalyado ng PWD community, katulad sa ating fellow Grabber na si Shiela Astrero ng Customer experience. Nag-usap siya tungkol sa kanyang mga karanasan sa Grab bilang isang PWD. 

Nagbigay din ng mga pananalita sina Ms. Michele Sideco ng Muscular Dystrophy Association of the Philippines (MDAP), Engineer Emer Rojas ng PWD Empowerment, at si Mr. Ramon Apilado ng Tahanang Walang Hagdanan, Inc. Bukod diyan, sumali rin sa atin si Ms. Ana Ragos ng Department of Labor and Employment bilang isang support speaker.

Binigay rin sa inyo ang pagkakataon na magkaroon ng isang open forum kasama sina Jackson Tan (City Manager of Northern Luzon) at Elizabeth Chicote (Driver Services Deputy Head). Doon, nakinig kami sa mga kuwento ninyo tungkol sa inyong karanasan bilang parte ng PWD community. Sama-sama tayong nagbrainstorm ng mga ideya at solusyon kung paano pa magiging mas inklusibo ang Grab community sa mga PWD.

 

Kahit na seryoso ang pinag-uusapan natin sa event, hindi namin nakalimutan gawing masayang event ito para sa inyo! Bidang-bida ang saya sa lahat nung sinamahan tayo ni Jollibee sa ating mga snacks! 

Patuloy ang ating katuwaan nung naglaro tayo ng ating mga games at nung nanalo ang iba’t ibang miyembro ng ating Ka-Grab family sa ating raffle!

Siyempre, hindi rin namin nakalimutan ang mga kids! Doon sa Grab Kids Area, nagkaroon tayo ng movie viewing kung saan nakapanood ang mga kids ng kanilang mga paboritong pelikula. Bukod diyan, mayroon din sa Kids Area mga iba’t-ibang nakakayaman na mga aktibidad, tulad ng mga building blocks, book reading, puzzles, at iba pa!

 

Sa huli, kasing saya ng kids ang mga parents dahil tinapos natin ang event na all smiles salamat sa Laughter Yoga session ni Ms. Maria Tulasan! 

Muli, nagpapasalamat kami sa inyo Ka-Grab PWD community! Ang inyong tiyaga at tapang ay nagbibigay inspirasyon sa buong Ka-Grab family! Magsama-sama tayong lahat gumawa ng isang malaking inklusibong komunidad. Thank you and we are proud of you!