Ok lang maging friendly, 'wag lang over-friendly
Minsan hindi natin namamalayan na ‘sobra’ na pala ang pagiging friendly natin sa pasahero. Here’s a quick guide upang matulungan kang maunawaan at maiwasan ang mga ganitong pangyayari:
Alam mo ba? Ang pagtatanong ng personal information ay maaaring mamisinterpret ng pasahero at maaaring maging kaso ng harassment?
Narito ang ilang halimbawa:
- “Pwede ko ba mahingi number mo?”
- “May boyfriend ka ba?”
- “Anong floor ang condo unit mo? Pwede ka bang puntahan minsan?”
- “Anong oras tapos ng shift mo?”
- Pagkuha ng litrato ng pasahero dahil siya ay maganda/pogi o kaya naman ay walang mask.
Alam mo rin ba? Dahil hindi sila nagre-react, ibig sabihin ay ok na sila sa iyong actions?
Ang harassment ay hindi lang tungkol sa aggressive behavior. Kasama rin dito kung ang iyong pasahero ay nakaramdam ng pagiging uncomfortable, creepiness o awkwardness.
Paano ko maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon?
- Gawing general ang pakikipag-usap at ‘wag magtanong ng personal o sensitive questions
- Huwag hawakan ang pasahero
- Mag-share lang ng ride-related info sa iyong GrabChat
- Hwag mag-comment tungkol sa hitsura ng pasahero
- Huwag mag-send ng personal invites o insulting messages sa pasahero
- Kung ang pasahero naman ang in-appropriate, i-report siya sa driver rate trip feature